Dumiretso si Adam sa isang bar pagkahatid kay Paige. Masama ang loob niya na tinanggihan siya ni Paige kahit na makikihati siya sa kinakasama niya, mapagbigyan lang siya. Pumili siya ng upuan kung saan makakapagsolo siya. “Bigyan mo nga ako ng pinakamatapang ninyong inumin diyan,” wika niya sa bartender. “Areglado boss!” sagot baman nito. Dali daling tinungo ang mga alak at dinampot ang tequilla. Dahan dahang binuhos ang alak sa isang shot glass para kay Adam. “Here we go,” wika niya habang nilalapag ang isang alak. Agad na dinampot ni Adam ito at parang tubig lang na nilagok. “Isa pa!” Aniya. Nagulat ang waiter dahil hindi pa nito nailalapag ang bote ay tapos na agad nito ang kanyang inumin. “Okay!” sagot naman niya at binuhos ang tequilla sa baso. Pagkabuhos na pagkabuhos sa huling

