Kahit na inindiyan siya ni Paige noon ay hindi siya nagtanim ng galit dito. Kahit nung mas pinili ng babae ang kinakasama nito ay tinanggap niya kahit na masakit sa kanya. Ngayon na katabi niya ito na nakaupo, sa lugar kung saan siya pinakawalan ay nandun pa rin ang saya at pananabik na nararamdaman niya. Nung malaman ni Adam kay Martin na makikipagkita si Paige ay gumawa na siya ng paraan na masolo siya. Alam niya na tungkol sa business ngunit masaya pa rin siya na dumating ito at ngayon ay ilang pulgada lang ang layo nito sa kanya. Ang kabang nararamdaman nito habang pasulyap-sulyap sa parating na Paige ay kakaiba. Gusto niya itong hawakan o kaya ay yakapin. Nananabik siya rito. "Kamusta ka na?" tanong niya kay Paige. "Mabuti naman kahit papano." sagot ng ng dalaga na hindi tumitingin

