Upon Paige letting Adam enter her life, ay gumagawa sila ng kasalanan sa isang tao, kay Sander. Walang kaalam-alam si Sander sa mga pangyayaring ginagawa ni Paige sa kanya. Kampanteng kampante siya sa pagmamahal ng kanyang kinakasama. Habang pinagpapatuloy nila Paige at Adam ang kanilang lihim na relasyon ay patuloy din ang kanilang pagsisinungaling. Pagsisinungaling na ayaw man sanang gawin ni Paige ay nagagawa niya dahil sa kanyang pagmamahal na rin kay Adam. Tinanggap ni Adam ang trabahong alok sa kanya ng boss ni Paige. Naging official Chef siya sa restaurant. Isang madali ngunit mahirap ding desisyon. Madali dahil magkakasama sila araw araw, mahirap dahil hindi nila alam kung paano sila makakapagpigil na dalawa na ipakita ang kanilang damdamin. Bago siya magsimula sa trabaho ay pina

