Nagpatuloy ang lihim na relasyon nila Adam at Paige. Magaling silang magtago at maglihim. Sa ilang buwan na paglilihim nila ay wala pa ring nakakabuko dito. Ngunit si Carol ay may nararamdaman ng kakaiba sa dalawa ngunit ayaw niya itong bigyan ng malisya. Kilala niya ang kanyang kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay gisto rin niyang sa kaibigan niya mismo manggaling ang lahat. Inimbita niya ito na lumabas isang araw para kumprontahin. Alam niyang ito ang magiging sagot sa kanyang agam-agam. "Magtapat ka nga sa akin?" kompronta nito sa kaibigan habang sila ay naka-upo. Gusto niyang malaman kung ano ang nililihim nito sa kany. "About what?" pagtatakang tanong din nito. Mejo nakakaramdam siya ng kaba na baka may alam na nga ang kanyang kaibigan. "Sa inyo ni Adam." hindi na nagpatumpik tump

