Fia’s POV Gusto ko sanang magising nang maaga dahil sa dami ng kailangan kong asikasuhin sa farm, pero tulad ng inaasahan, napasarap na naman ako sa tulog. Paggising ko, alas-diyes na pala ng umaga. Pagkasilip ko sa bintana ng kuwarto, natanaw ko agad ang malawak kong garden. Dito ko tinanim ang ibang mga naunang bulaklak na gusto ko ring itanim sa flower farm. Matatanaw mula rito ang mga hilera ng sunflower, roses, at daisy na parang nagsasayaw sa hangin habang sumasalubong sa bagong sikat ng araw. Mula sa kuwarto ko, tanaw din ang dulo ng baryo Donza. Napansin kong may mga taong nakatayo sa may dulo ng baryo. May mga nagbubungkal ng lupa at may ilang truck na nakaparada. Hindi ko maiwasang magtaka tuloy kung ano na naman kayang business ang itatayo roon. “Bakit kaya may constructio

