Fia’s POV Ang init sa loob ng mall dahil parang may sira ang aircon, pero ‘di naman ako masyadong naiinitan dahil naka-sando lang ako at shorts, tapos naka-flip-flops pa. Casual lang, dahil weekend naman at puro babae kaming nag-bonding ngayon. Napakabilis lang ng oras at para bang ang dami naming kuwento na kailangan pang balikan. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagsama-sama dahil sa sobrang busy ko sa farm ko. “Bakit nga ba biglang naisipan mong mag-shopping, Bethy?” tanong ko habang sinusundan siya sa loob ng isang boutique. “Para naman mabawasan ang stress sa buhay!” sabi ni Bethy na kanina pa nauuna sa amin. Ang lakas ng boses niya, tuloy napapatingin sa amin ‘yung mga taong nandito rin. “At saka, gusto ko ng bagong damit. Feeling ko ang tanda-tanda ko na!” “Maaga ka kasing

