Fia’s POV
Nakatitig ako kay Dado habang inaayos niya ang kisame. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Nag-iinit ako. Hindi ko alam kung dahil sa stress ng bumabagsak na kisame o dahil sa sakit ng ulo ko sa pag-aalala, pero parang iba ang init na nararamdaman ko habang tinititigan si Dado.
Nung bumuhos ang tubig sa likuran niya at nabasa siya nang tuluyan, hindi ko napigilang mapanganga. s**t. Hindi ko inaasahan na ganito, pero ang katawan ni Dado ay parang dinisenyo ng Diyos para mapukaw ang sino mang babae. Basang-basa siya, walang suot na pang-itaas at ang bawat patak ng tubig ay parang sinasamba ng bawat piraso ng maskuladong katawan niya.
“Dado…” mahinang sabi ko pero parang kulog sa tenga ko ang pangalan niya. Halos hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapatitig ng husto sa kaniya. Naghahalo sa sistema ko ang kilig at init na hindi ko mawari kung saan nanggaling.
Totoo nga ang sabi nila. Ang hot-hot niya. Ngayon ako tinamaan lalo sa kaniya. Feeling ko, isa na rin ako sa mga babaeng makikipag-agawan sa puso niya.
Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sa stress o dahil sa mga nangyayari, pero isang bagay ang malinaw, hindi lang basta init ng katawan ‘to, hindi lang basta pananabik. May kakaibang kaba sa dibdib ko habang nakikita ko siyang magtrabaho.
“Sige lang, Ma’am. Ayusin ko lang ito. Kaya ‘to.” Seryoso si Dado, parang walang nararamdamang lamig kahit basang-basa na siya sa tubig mula sa bubong. Ang totoo, siya ang nagbibigay sa’kin ng init na hindi ko na napigilan.
Kada hampas ng martilyo niya, parang may kuryente sa katawan ko. Napapalunok ako. Hindi ako puwedeng bumigay pero hindi ko maiwasang lumapit. Habang naka-focus siya sa pagkumpuni, humakbang ako papalapit, at di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero napahawak pa ako sa isa pa niyang binti. Napatingin na naman siya sa akin, nagtagpo na naman ang mga mata namin at naramdaman ko ang biglaang pagtigil ng mundo.
Basang-basa ang buhok niya, tumutulo pa rin ang tubig sa katawan niya at kitang-kita ko ang nakabukol sa ibaba niyang nagpapalakas lalo ng t***k ng puso ko. Ganoon ba talaga kalaki ang ari niya o naninigas ito ngayon dahil sa akin? Oo nga, syet, bakit parang nakatayo sa loob ng brief niya ang sawa doon?
“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong niya na kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Napansin na ata niya na nakatitig ako sa sawa niyang galit.
Tumango lang ako. Pero sa totoo lang, hindi ako sigurado. May parte sa’kin na gustong hawakan ang matigas na bagay na ‘yon sa katawan niya, gusto kong ramdamin ang init ng katawan niya sa malamig na simoy ng hangin. Bawat patak ng tubig sa katawan niya ay parang apoy na naglalagablab sa akin.
“Dado…” muling sabi ko na mas malambing na ngayon. Naramdaman ko ang bigat ng init sa loob ko na parang nais kumawala. Hindi ako makapagpigil. Parang may magnet sa pagitan namin na hindi na kayang itago pa.
Bumaba siya sa hagdan, hinawakan ang kamay ko na tila tinitimbang ang bawat sandali. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang init ng balat niya sa malamig kong kamay. Parang may sariling buhay ang mga kamay namin, dahan-dahan niya itong hinila papunta sa kaniyang dibdib.
“Ayos ka lang ba, Ma’am?” tanong niyang muli pero sa pagkakataong ‘to, iba ang tono ng boses niya. Parang may lambing at pag-aalangan, ngunit may halong kakaibang pangungusap na hindi kayang isa-tinig. Napakapit ako sa dibdib niya, ramdam ko ang tigas at init ng katawan niya at sa gitna ng malakas na ulan sa labas, para kaming nagmimistulang nasa sariling mundo na walang ibang tao.
“Dado…” humigpit ang kapit ko sa dibdib niya at dahan-dahang dumapo ang mga daliri ko sa balikat niya. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso pero nararamdaman ko ang titig niya na sinusundan ang bawat galaw ko.
Naglakbay ang mga kamay niya mula sa braso ko papunta sa likod ko, malambot ang pagkakahawak niya sa akin ngunit ramdam ko ang init. Bumibilis ang paghinga ko at parang tumigil ang oras sa bawat paghawak niya sa akin.
“Ma’am, ayaw ko pong magpaka-bastos pero…” hindi niya natapos ang sasabihin dahil napatingin ako sa mata niya. Nakita ko ang pag-aalinlangan pero kita ko rin ang pagnanasa sa mata niya. At sa totoo lang, sa oras na ‘to, wala akong pakialam sa kahit ano pa. Gusto kong maramdaman si Dado sa bawat sulok ng pagkatao ko.
Hinila ko siya papalapit at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang bigat ng hininga niya sa leeg ko. Mainit, malalim, at puno ng damdaming parang matagal nang tinatago. Nang magtama ang mga labi namin, hindi ko na alam kung ulan pa ba o pawis na ang dumadaloy sa katawan namin. Parang kidlat na pumutok ang unang halik, mapusok, puno ng pananabik na parang ayaw naming tumigil.
Hawak niya ako sa baywang, hinila palapit pa sa katawan niya. Ramdam ko ang matipunong katawan niya na sobrang init talaga ngayon. Bawat parte ng laman niya sa katawan ay tila kaysarap pagsawaan ng halik.
Bumaba ang labi niya sa leeg ko, marahan niyang hinalikan ang balat ko na para bang siya lang ang may karapatang magmarka dito. Napapikit ako, naramdaman ko ang bawat galaw niya at lalo kong naramdaman ang init na tila sumasabog sa loob ko.
“Dado, please…” bulong ko. Hindi ko alam kung anong pinapakiusap ko pero alam kong hindi pa ako nakuntento. Ibang klaseng apoy ang binuhay niya sa akin na kahit kailan, hindi ko pa na naranasan sa iba. Hinayaan kong maglakbay ang kamay ko sa katawan niya, ramdam ko ang bawat paghinga niya na tila sabik sa bawat dampi.
Pinalibutan niya ng mga bisig niya ang katawan ko, itinaas niya ako na parang wala akong bigat. Ramdam ko ang lakas niya at sa oras na iyon, hindi ko na kayang mag-isip ng iba pa. Gusto ko lang maramdaman siya, gusto kong magpatangay sa agos ng ulan at init na bumabalot sa aming dalawa.
Hiniga niya ako sa kama. Parang baliw ang utak ko, walang ibang laman kundi si Dado. Dumagan siya sa akin, ang katawan niya parang apoy na unti-unting lumalamon sa akin. Napatingala ako, hiningal ng malalim habang nararamdaman ko ang bawat halik at haplos niya sa katawan ko.
“Fia…” Narinig ko ang pangalan ko mula sa bibig niya at sa bawat pagbanggit niya sa akin, para itong musika na bumabalot sa bawat hibla ng katawan ko. Hinalikan niya ako, mapusok, malalim, puno ng init na tila ba walang ibang tao sa mundo kundi kaming dalawa lamang. Hindi ko mapigilan ang pagdaing, ang bawat paghinga ko ay parang apoy na humahalo sa lamig ng ulan sa labas.
Napakapit ako sa buhok niya, hinila ko siya papalapit at lalo pang diniin ang katawan namin sa isa’t isa. Walang ibang mahalaga kundi ang init na nadarama ko sa bawat paghinga niya sa leeg ko, sa bawat paghaplos ng labi niya sa balat ko.
Napapikit ako, at sa gitna ng malakas na ulan at hangin sa labas, para kaming nasa sariling mundo na walang ibang nag-e-exist kundi ang init at lambing ng bawat isa.
Hindi ko na alam kung gaano katagal kami sa ganitong posisyon, pero parang walang katapusang agos ng tubig at init ang bumabalot sa amin. Naghalo ang malamig na hangin at ang init ng mga katawan namin.
Sa gitna ng init at lamig, naramdaman ko ang kakaibang saya. Alam kong mali, alam kong hindi ito dapat mangyari, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maramdaman si Dado, ang bawat haplos at halik niya, ang bawat init na binibigay niya sa akin.
Huminto siya sandali, nakatitig siya sa akin, humihingal, at tila ba nagsusumamo sa mga mata ko.
“Fia…” Hinawakan niya ang mukha ko, marahan, puno ng pag-iingat.
“Fia…” Sa gitna ng malakas na ulan, nagtagpo ang mga labi namin, at sa oras na iyon, alam kong hindi na kami babalik pa sa dati.
“Ma’am Fia, ayos lang po ba kayo?”
Nagbalik lang ako sa wisyo nang mapagtanto kong lumala na ako sa pag-iimagine na totoong may nangyayari na sa amin.
“A-ah, e, oo naman. Bakit, tapos ka na ba?” tanong ko tuloy habang nahihiya. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatulala sa harap niya dahil sa mga mabeberde kong ini-imagine.
“Opo, ayan oh, okay na po,” sagot niya kaya tumingala na ako sa kisame. Tama siya, wala nang tumutulo sa kisame. Naayos na niya ‘to kaya napangiti na ako.
Nung iabot ko na ang bayad sa kaniya, gusto ko sana siyang pigilang umalis para ituloy na ‘yung ini-imagine kong nangyayari sa amin. Kaya lang ay nahihiya ko.
Nanghinayang na lang ako nung masilip ko sa bintana ng kuwarto ko na naglalakad na siya pauwi sa kanila habang nakasuot na ulit ng kapote. Sayang, sana pala ay nilakasan ko na ang loob ko. Sana pala ay hinalikan ko na siya bigla para natupad na ang ini-imagine ko kanina. Baka sakaling natikman ko na ‘yung malaking pagkalalakë niya.