Dado’s POV
Malakas pa rin ang buhos ng ulan, tila ba ayaw nitong tumigil. Dalawang araw na itong walang patid at ngayon, mas lumakas pa ang bagyo. Sumasabay ang pag-ugong ng hangin sa bigat ng aking ulo. Tang-ina, ang sakit ng ulo ko. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkabusog ko ng alak kagabi kasama ang mga tropa. Parang pinapalo ng maso ang bungo ko, habang ang sikmura ko’y tila tinatalo ng mga alon sa lakas ng paghilab.
Pabagsak akong naupo sa silya sa kusina, may tasa ng kape sa harap ko na ‘di ko pa masimulan dahil iniisip ko pa lang ay naduduwal na ako. Pilit kong iniinda ang hilong hatid ng alak habang nakikiramdam sa bawat patak ng ulan sa bubungan. Bumabalik sa alaala ko ang saya ng gabing iyon, pero ngayon, wala na iyon, kapalit na nito ay bigat at sakit na halos ikapanghina ko ngayon.
Isang malakas na kulog ang biglang umalingawngaw, sumabay ang malakas na patak ng ulan sa bubungan at parang tinatawanan ako ng kalangitan sa kalagayan ko ngayon. Tapos biglang nag-ring ang cellphone ko. Sino kaya ang tatawag sa ganitong oras? Sinilip ko ang screen at nakita ko ang pangalan ni Fia, ang amo kong masarap.
Napakagat-labi ako. Di pa ako handang bumangon mula sa kahapong kasiyahan. Pero, trabaho ‘to.
“Hello, Ma’am Fia,” bungad ko habang pilit na itinatago ang hilo sa boses ko.
“Dado, sorry ha. May problema kasi dito sa bahay. May tumutulo sa kisame sa kuwarto ko. Baka puwede mo akong matulungan? Nasira yata kasi tumutulo na ang tubig papasok. Pasensya na, ha. Alam kong maulan, pero wala na akong iba pang malapitan pa.” Napakagat-labi ako. Kailangan ko ng pera kaya kahit pa ang bigat ng katawan ko, wala akong choice kundi tanggapin ang trabaho. Isa pa, ayaw ko rin ng tumanggi sa kaniya, sa totoo lang.
Naisip ko kasi na baka maka-score rin ako. Kuwarto na kasi ‘yon, baka bigla na niya akong hatakin sa kama niya. Ay, naku, kung ano-ano na naman ang naiisip ko.
“Sige po, Ma’am. Papunta na po ako d’yan. Sandali lang. Paki-message niyo na lang po ang address niyo at darating po agad ako.”
Bumangon ako mula sa silya, agad akong pumasok sa loob ng banyo at mabilisang naligo. Nag-toothbrush na rin ako kasi baka maamoy niyang amoy alak pa ako. Pagkagayak ko, kinuha ang kapote at saka ko nilagay sa ulo ko. Wala akong pakialam sa malakas na ulan na ‘yan, kinuha ko ang toolbox ko sa sala at saka sumugod sa kalsada.
Basa agad ako kahit may kapote. Sumisirit ang tubig sa mga daanan, parang gusto pang isama ang mga paa ko sa agos ng tubig. Pero sige lang, lakad pa rin.
Pagdating ko sa bahay ni Fia, bumukas agad ang malaking gate ng pinto. Sa kanto lang kasi nitong pulang kalye ang bahay nila. Bumungad si Fia sa akin na halatang stress na stress. Naka-short lang siya at oversized na t-shirt, ang buhok niya ay basa na rin, marahil dahil sinubukan niyang ayusin ang kisame pero walang nagawa.
“Dado, buti nakarating ka agad. Grabe, ang bilis mong sumagot sa tawag ko kahit ganitong oras.”
“Nako, Ma’am, wala po ‘yun. Saan po ba yung nasira?”
“Sa kwarto ko, Dado. Sa mismong gitna ng kisame,” sabi niya sabay turo.
Walang tao sa loob ng mansiyong bahay nila pagpasok ko. Kung may nakita man ako ay mga kasambahay lang. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Baka tulog pa. Sumunod ako kay Fia papasok sa kuwarto niya.
Tangina, ang ganda pa rin talaga niya kahit basa. Ang tambok din pala ng mga pisnge ng puwët niya.
Pagpasok ko sa kwarto niya, kita ko agad ang problema. May malaking butas sa kisame na sinisiritan ng tubig mula sa labas. Parang fountain na walang patid. Inayos ko ang posisyon ng hagdan at sinimulan kong ikabit ang mga gamit sa toolbox.
“Dado, kaya ba?” tanong ni Fia mula sa likod ko.
“Medyo komplikado po pero kakayanin. Basta’t kayo Ma’am, walang imposible,” sagot ko sabay ngiti. Hindi ko na kayang pigilan, kailangan ko ‘yung konting bola para gumaan ang trabaho.
“Salamat talaga, Dado. Kung hindi dahil sa’yo, ewan ko na lang.”
Umakyat ako sa hagdan, hawak ang martilyo at mga pako. Tinatantiya ko pa lang ang kalalagyan ng mga piraso ng kahoy para takpan ang butas, pero biglang bumuhos nang malakas ang tubig mula sa bubungan. Ang dami nito at diretso sa likod ko. Hindi ko naiwasan kaya parang nilunod ako ng ulan.
“Dado!” sigaw ni Fia na halos mapaatras siya sa lakas ng bagsak ng tubig. Napatingin ako sa kanya habang nag-aayos ng bubong. Medyo nahulog ako sa pagkakatayo at napaapak ng balanse sa hagdan.
Hinubad ko ang basang kapote, naiwan akong walang suot na pang-itaas at bakat ang lahat ng pawis at patak ng ulan na bumabalot sa katawan ko. Maya maya, pansin ko na parang ang lagkit ng mga tingin ni Fia sa akin. Napansin ko ‘yung pagpatak ng tingin niya sa bawat butil ng tubig na dumadaloy sa katawan ko at ang hindi maipaliwanag na init sa tingin niya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, sa mga braso kong mas na-muscle pa dahil sa kakakarpintero, pababa hanggang tiyan ko na ngayon ay umaagos ang tubig na galing sa kisame.
“Dado...” mahinang bulong ni Fia na parang nawala sa sarili.
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ko habang inaayos pa rin ang pagkapit sa hagdan.
Parang nahimasmasan siya at ngumiti. “Okay lang. Salamat, Dado. Ang galing mo talagang magtrabaho kahit ganitong sitwasyon.”
Hindi ako makapaniwala pero may kakaibang init sa bawat salitang binitiwan ni Fia. Ang titig niya na para bang hindi lang ito tungkol sa pagkakarpintero ko. Minsan pa, huminga siya ng malalim at napatingin uli sa katawan ko. Bigla akong nahiya, pero tinuloy ko na lang ang ginagawa ko.
Sa bawat pagpukpok ko ng martilyo at pag-aayos ng kisame, ramdam ko ang titig ni Fia sa akin. Napapasulyap ako sa kaniya paminsan-minsan at nagtatama ang mga mata namin na parang nag-uusap sa isang lihim na ‘di nasasambit.
Pababa ako ng hagdan at tumapat kay Fia na nakatingin pa rin sa akin na parang nalulunod sa ulan at sa akin. Basa pa rin ako, kita niya ang lahat sa katawan ko, pero hindi siya umalis sa puwesto niya. Napatitig siya sa mata ko at ganoon din ako.
“Dado, basang-basa ka na,” sabi niya habang marahang hinawakan ang braso ko. “Pasensya ka na talaga, ha.”
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko, pero tila ba nagiging magnet ang init ng balat ko sa malamig na patak ng ulan. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Fia, ngunit hindi siya umatras. Bagkus, parang lalong lumapit pa. Napalunok ako at naramdaman ko ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Tumigil ako sa pagtatrabaho sandali. Naramdaman kong may kakaibang kiliti sa pagitan naming dalawa.
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng kisame pero ramdam ko pa rin ang titig ni Fia. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa binti ko. Nagtama ang mga mata namin, pareho kaming nagulat pero walang umatras. Parang bumagal ang oras at sa gitna ng bumabagsak na ulan, isang malalim na sandali ang bumalot sa aming dalawa.
“Hinawakan na kita kasi baka mahulog ka,” sabi niya. Wala na, tumigas na lalo ang titë ko.
Iyon ‘yung kanina ko pang iniisip na sana ay huwag niyang gawin. Pero ngayong hinawakan na niya ako, wala na. Sumaludo na nang tuluyan ang ari ko. Lagot, manunura ito mamaya kapag lalo niya ‘tong ginalit. Sana ay bitawan na niya ako.