Dado’s POV
Pagdating ko sa bahay, kinain ko na ‘yung binili kong almusal. Masarap naman ‘yung lasa. Hindi tinipid sa mga rekado kaya mukhang mauulit ako kapag tinamad akong magluto ng almusal. At sigurado rin akong baka magtinda na rin siya ng tanghalian at hapunan. May nagtitinda naman dito sa may gitnang bahagi ng kalye namin, kaya lang, sawa na ako sa mga lasa ng luto niya. Saka, ilang taon na akong nagtitiyaga sa mga walang lasang lutong ulam niya. Kaya ngayong may bagong nagtitinda na, lilipat na ako doon sa mas mag-e-enjoy ako.
Bago ako maligo, inayos ko na rin muna ang mga seradura ng pinto sa labas at pati na rin dito sa may kuwarto ko. Mabilis lang naman ‘yon kaya sinunod ko nang ayusin ang mga stock kong pagkain. Inuna ko na ‘yung mga karne kasi kailangan ko pa itong ilagay sa prigider. Sunod ang mga gulay at prutas. Panghuli ang mga delata, tinapay, saboy at pati na rin ang bigas.
Saktong six thirty ng umaga ako natapos maligo at gumayak. Alas siyete ng umaga ang pasok kaya may time pa ako para maglakad papunta sa farm ni Miss Fia.
“Dado, pasalat naman diyan oh,” buska sa akin ng isang lasing na bakla. Baklang lasinggera na ngayon palang ata pauwi.
“Uwi na at baka masagasaan ka pa sa daan,” saway ko naman sa kaniya. Sanay ako sa mga gaya nila kasi sila ‘yung mga naunang customer ko. Sila ‘yung mga nagsawa na sa kakapanuod sa akin kung paano ako magjạkol. Wala na akong tinago. Hindi naman ako nagsisisi kasi hanggang tingin at hawak lang naman sila. Kailanman ay hindi nila ako natikman. Wala akong dapat pagsisihan kasi nabuhay ko naman ang sarili ko sa pamamagitan ng ganoong raket. Kaya lang, ang nakakainis lang ay ‘yung ganito. Sa labas, kapag nakikita nila ako, hindi na sila nahihiyang tuksuhin ako ng ganito. Pasalat, pahawak, panuod, pa-book ako. Ganoon, lalo kapag lasing na bakla ang makakasalubong ko. Sanay na ako kasi hindi ko rin naman sila masisisi kasi nasanay na rin silang ganoon ako dati.
Ang pangit lang din sa ganito. Paano kapag nag-asawa na ako?
“Kung ako ‘yon, sinapak ko na ‘yan!” gigil na sabi ni Henjie na biglang sumulpot sa likuran ko.
“Huwag. Mga kaibigan din sila. Saka, malaki ang mga naitulong ng mga ‘yan sa buhay ko,” sagot ko sa kaniya.
“Bakit, nasubo na ba niyan ang burạt mo? Napuwetạn mo na ba ‘yan?” tanong naman niya na umandar na naman ang kabundulan.
“Gago, hindi naman ako nakikipag-sëx sa kanila at sa kahit na sino. Nagpapahawak lang ako, ganoon lang. Nag-iingat din kasi ako. Alam mo na, sa panahon ngayon, marami na ‘yung mga nasasagap na sakit sa iba’t ibang tao dahil sa pakikipag-sëx. Kaya para safe, hawak-hawak lang,” paliwanag ko sa kaniya.
“Dado, magkano ba ang bayad diyan? Parang gusto ko rin magbayad. Gusto rin kitang jạkulin,” sabi pa niya kaya binatukan ko siya.
“Gago ka talaga kahit kailan.”
“Bakit, bawal ba?”
“Hoy, tumigil ka na nga. Sasapakin na kita diyan, e. Umagang-umaga nangti-trip ka na naman.”
“Biro lang. Ito naman, pinapatawa lang kita,” sabi niya saka siya ulit tumabi sa akin para sabayan na akong maglakad. “Nga pala, nakatanggap ka ba ng text message kagabi kay Sir Toper?” tanong naman niya sa akin.
“Oo, ang sabi sa message niya sa akin, dalhin na ang mga kagamitan natin kasi mag-start na raw akong bumuo ng bahay-kubo na malaki. Gusto na raw kasi ni Miss Fia na madaliin ang pagkakaroon niya ng bahay-kubo. Para raw may matambayan na ‘to sa farm niya,” sagot ko kay Henjie. Nagtaka naman ako kasi iba ang naging reaksyon niya.
“B-bakit iba ang natanggap kong message. Ang sabi naman niya sa akin, mag-ready ako kasi maghuhukay-hukay na raw kami ng mga lupa,” sabi naman niya kaya natawa ako.
“Iyon lang, magkahiwalay pala tayo ng gawain ngayong araw. Saka, ayaw mo ba ‘yon, magpapala ka lang maghapon. Ako nga, mas mahirap kasi bubuo na ako ng bahay-kubo kaagad,” sabi ko naman sa kaniya para utusin siya. Mahirap ang gawain niya ngayon, oo, pero kasi ang batang ‘to, kailangan utuin para magtrabaho ng maayos. Kawawa na naman kasi siya kapag nawalan ng trabaho.
“Sabagay, mas madali-dali nga naman ang trabaho ko ngayon kaysa sa ‘yo. Ayos na rin ‘yon,” sagot niya kaya effective ang pang-uuto ko.
Pagdating naming sa farm, sakto lang na kakarating lang ng magarang sasakyan ni Miss Fia.
“Anyway, natuloy ba ang pagjajạkol mo kagabi? Alam ko kasing pagjajạkulan mo si Miss Fia,” bulong ni Henjie na nagsimula na namang mang-asar.
“Tumigil ka sabi. Kapag may nakarinig sa ‘yo, lagot ka talaga,” saway ko na lang ulit sa kaniya. Kahit kailan talaga, gago ang isang ‘to. Kung kailan nandito na kami sa farm, saka siya gumaganito.
Natanaw ko na kinakawayan ako ni Sir Toper. Tumakbo na ako para iwan na ang gunggong na si Henjie.
“Good morning po, sir,” bati ko agad sa kaniya.
“Good morning din sa ‘yo, Dado,” sagot niya saka ako nginitian. “Nakahanda na ang lahat ng kagamitan na gagamitin mo. Puwede ka nang mag-start bumuo ng mga bahay-kubo. Ikaw na rin ang bahalang kumuha ng mga side kick mo,” utos niya sa akin kaya agad ko namang sinunod.
Si Henjie, para hindi na siya magpala, isa na rin siya sa kinuha kong side kick. Pagkatapos, kumuha na rin ako ng mga dalawa pang lalaki na makakasama ko. Pinili ko ‘yung malakas-lakas at mabilis kumilos.
Tuwang-tuwa naman si Henjie na kinuha ko siya. Ganoon din ang dalawa pang lalaki na kinuha ko.
“Ako nga pala si Benok,” pagpapakilala ng kalbong lalaki na magiging side kick ko.
“Ako naman si Tonton,” pagpapakilala naman nitong lalaking mahaba ang baba.
Mag-uumpisa na dapat kami, kaya lang tinawag na naman ako ni Sir Toper. Sinabi nito na pinapatawag daw ako ni Ma’am Fia sa tent nito kaya bigla akong kinabahan.
“Sige na, Henjie, Benok at Tonton, umpisahan niyo nang ihanda ang mga materyales na gagamitin natin. Susunod na lang ako, kakausapin pa raw kasi ako ng boss natin,” paalam ko sa kanila.
Nung umalis na sila para puntahan na ang mga gamit namin, naglakad na rin ako papunta sa tent ni Miss Fia. Habang papalapit ako nang papalapit sa tent niya, may kung anong kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit?