“Benj?” nawala sa isip niyang walang ideya ang lalaki na alam na niya ang pangalan nito dahil kay Lolo Dolf. Bahagyang umangat ang kilay nito. “Nagkita na ba tayo?” nasa anyong nagtaka. “Ah…yeah! Ikaw `yong babae sa bus, tama? Alam mo na’ng pangalan ko?” Sino nga ba naman ang hindi magtataka sa kanya. First name basis agad siya na parang close na sila gayong second meeting pa lang nila iyon. Biglang naobligang magpaliwanag si Therese. “Kay Lolo Dolf.” “Dolf,” sabi ng lalaki. “Sa guesthouse ka nag-stay? Let me guess, nakita mo na ang mga photos na iniingatan ni Dolf?” “Photos na kasama ka.” Tango na lang ang sagot nito, itinaas ang kulay brown na hawak. “M & M’s?” tukoy nito sa supot ng chocolate candies. M & M’s pala an

