Chapter 4: Girlfriend

2114 Words
Entiny Emerald's P.O.V. Mukhang tama nga si Jeff sa sinabi niya. Makalaglag panty nga ang client ko. Dahil simula pa lang ay napunit na niya ang panty ko! Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging client ko. Mukhang lalamunin ko nga talaga ang mga sinabi ko kanina sa baklitang iyon. I firmly closed my eyes. I need to go back to my composure. Dapat ay huwag akong papaapekto. Ang personal na buhay ay dapat ihiwalay sa trabaho. Binuksan ko na ang mga mata ko. Nakatitig pa rin siya sa akin. Pinapanood pa rin ang aking ekspresyon. Humigit ako ng malalim na hininga at ngumiti sa kanya. "Good evening, Mr. Hidalgo. I'm Entiny Emerald. Ako ang magiging architect sa pinapagawa mong supermarket," bati ko sa kanya. Napangisi siya. He amusingly looked at me. "Your duality makes me go insane," he whispered. Namula ako sa narinig kong iyon pero agad ko ring winasiwas iyon sa aking utak. "Shall we start?" I asked. "Have you eaten? Let's eat first, Baby," mayabang niyang sambit. Damn. Kung hindi ko lang talaga gusto ang big project ay iiwan ko na siya rito at hindi papayag sa kontrata na ito. But I have no choice! "You look so pissed. Ako dapat ang naiinis ngayon dahil sa pag takas mo na naman sa akin," madiin niyang sambit. Sasagot na sana ako ang kaso ay lumapit na ang waiter sa amin at tinanong na kung ano ang order namin. Pagkaalis na pagkaalis ng waiter ay pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Can we not talk about that. I am here for work, Mr. Hidalgo," seryoso kong sambit. He chuckled. "Mr. Hidalgo. Sounds great when it comes from your mouth," asar niya pa rin. Ano ba naman itong pinasukan ko? Mukha siya cold pero mapang asar naman pala. "Rykier..." sumusuko ko ng sambit. "Better," kalaunan ay napanguso siya. "But baby is the best tho." Napakamot na ako sa aking batok dahil sa irita. Bakit ba kasi ayaw akong tantanan ng lalaking ito? Pwede naman kasing iba ang pag usapan namin eh. Like, kung gusto niya bang makasama ako or hindi. Hehe joke lang. Work dapat. We should talk about the work. Dumating na nga ang pagkain at nagsimula na kami. Tahimik lang kaming dalawa. Tanging ang mga ibang tao na nag uusap at ang sweet music lang ang naririnig namin. Ininom ko ang ice tea at binitawan na ang baso. "Ehem," pagkuha ko sa kanyang atensyon. "Shall we start now?" pagtatanong ko. Umayos siya ng upo at tumango sa akin. Kinuha ko ang working bag ko at binuksan ang laptop. "Pwede mong sabihin sa akin lahat ng gusto mong ipagawa," saad ko. "Para sa supermarket ha," agad kong dugtong. Natawa siya ng mahina dahil doon. Syempre 'no baka iba ipagawa niya sa akin. Baka hindi connected sa supermarket. Baka may iba siya ano... basta gano'n. "Alright," utas niya at nagsimula na nga siyang magsalita. Sinabi na niya ang mga plano niya para rito. "Kung pwede sana ay puntahan ko bukas iyong site para mas masuri ko ito," saad ko at isinara na ang laptop. "Yup. We'll go together." "Let just meet at the site? Just text me the address." Pumiling siya sa akin. "No. We'll go together, Miss Emerald," he sternly said. Dahil sa ginawa niyang pag tawag sa akin ay napatango na lamang ako. He is playing the card. Hindi ako makakatanggi dahil client ko siya. Umayos ako ng upo at tumingin sa mga mata niya. "Ahm... for us to be not awkward at the work. Can we put what happened to us in the past? Paniguradong magtatagal niyan tayong magkatrabaho," mahina kong saad. Baka sakaling pumayag siya. Pinanliitan niya ako ng mga mata. Ganoon lang siya nang ilang minuto. "Are you sure? You really want to forget about that?" panghahamon niya. Mabilis akong pumiling. "Hindi naman natin kakalimutan, I mean while we are working huwag na natin sanang pag usapan iyon." Ngumisi siya. "Alright. We will not forget about that. You can count on me," tumingin siya sa wrist watch niya. "Mag o-oras na rin. It's better kung uuwi kana. Gabi na at baka ano pang mangyari sa'yo," saad niya at nag iwan na ng pera sa may la mesa. Tumayo na siya kaya naman tumayo na rin ako. Inihatid niya ako hanggang sa kotse ko. Nang makasakay na ako ay kumatok siya sa bintana ko. Ibinaba ko naman iyon at baka may importante pa siyang sasabihin. "What?" "Diretsong uwi ha," paalala niya. Natawa ako dahil doon. Para naman kasi siyang tatay kung makabilin. "Yes, Daddy," pang aasar ko. Natigilan siya at napalunok. Natigilan din ako ng ma-realize ko ang sinabi ko. Wala namang masama roon. Pero sa lagay naming dalawa ay iba ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Lalo na at may nangyari na sa pagitan namin. I maybe a virgin, well dati bago kami nagniig, but I am not too naive for that things. "I gladly want to hear that again, Baby. You under me," he blurted out. Napasinghap ako at napapiling sa kanya. "Are you lusting over me?" tinarayan ko siya ng tingin. Maliit siyang pumiling. "No. Not just that," malalim niyang sambit. "E'di ano pala?" pangungulit ko pa. I want to know more. Imbis na sagutin ako ay ibinaba niya ang kanyang mukha at siniil ng mabilis na halik ang aking labi. "Rykier naman eh," it was supposed to be a complain. Pero naging pabebe ang boses kaya naman parang nagustuhan ko pa ang ginawa niya. "Go home now. Baka i-uwi pa kita," banta niya sa akin. Bakit napaka-tempting naman yata ng sinabi niya? Pinagana ko na ang kotse ko at nag wave na sa kanya bago ko sinara ang bintana. Pagkarating sa condo ay nag hilamos na ako. After that ay pumunta na ako sa kama ko. Tumunog ang cell phone ko. May dumating na message. "Good night, Baby. Let me fetch you tomorrow," basa ko sa sinend niya. Nagkapalitan na rin kasi kami ng cell phone number. Kailangan iyon lalo na at madalas kami niyang mag mi-meet para sa pinapagawa niya. "Do I have a choice?" pababe kong reply sa kanya. Pagka-send niyon ay ibinaon ko ang mukha ko sa aking unan at tumili ng malakas. Ngayon lang yata ako kinilig ng bongga. Hindi na nga ako lugi sa pag tanggap sa project na ito. Bukod sa makakatulong ito sa career ko ay mag e-enjoy pa ako sa client ko. Dammit. Napakalandi ko nga naman. Pero kahit na ganyan ay may pangamba pa rin sa puso ko. Natatakot pa rin ako. Hindi naman iyon maaalis sa akin. Kinabukasan nga pagkagising ko ay may pumindot na sa buzzer ko. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay. Kakagising ko lang talaga. Pero baka iyong tagalinis iyon. Kada isang araw sa isang linggo kasi ay may pumupunta rito. Kilala ko naman na kaya tiwala na ako. Matanda na rin kasi ito at saka sanay na ako sa kanya. Galing kasi siya sa mansyon ni Papa. Dahil sa pag iisip na si Aling Rose iyon ay binuksan ko na ang pintuan. Mabilis akong napatalikod nang makita kung sino iyon. Bakit naman sobrang aga niyang pumunta? Agad niya akong napagilang isara ang pintuan. Nailusot na niya ang katawan niya kaya naman nasa loob na siya ng condo ko. "Bakit naman ang aga mong nandito? Isa pa hindi ba sa harapan mo dapat ako susunduin? Iyon ang pinag usapan natin kagabi," saad ko pero nakayuko ako at hindi nakaharap sa kanya. Ang groggy pa kaya ng mukha ko! Ni hindi pa ako nag tu-tooth brush! Hiinila ko siya pa upo sa may sofa. "Diyan ka muna," saad ko at kumaripas nang takbo papunta sa aking kwarto. Kadalasan ay una akong nag aalmusal bago maligo. Pero hindi ngayon. Lalo na at nandiyan si Rykier. Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago ko maisara ang pintuan. Naligo na nga ako at nag ayos. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang tumitingin sa mga letrato ko. "How did you know my unit number?" nagtataka kong tanong. Ngayon ko lang naitanong dahil halos kaka-sink in lang din sa utak ko ng tanong na iyon. Humarap siya sa akin at nagkibit balikat. "Rykier," banta ko sa kanya. How could he know about that? Wala naman akong naaalala na sinabi ko iyon sa text ha. "It's time. We should eat breakfast," pag iiba niya sa usapan. "I wil just eat cereals," utas ko. Hinawakan niya ako sa pulsuan at tamad na tumingin sa akin. "No. You should eat proper breakfast," utas niya. "Wala namang mali sa cereal ha," pagtatanggol ko pa sa inosente kong almusal palagi. Napapiling na lamang siya at iginiya na ako palabas. Sumakay na kami sa kotse niya at dinala niya ako sa may coffee shop. "Americano for me," saad ko. Tumango siya sa akin at pumunta na sa may counter. Saglit lang din at nakabalik na siya. May dala siyang tray at doon nakalagay ang mga inorder niya. Inilagay na niya sa harapan ko ang cold americano at croissant. Well, I like bitter things kaya naman ganoon ang kape ko. I'm not really into sweets. "How did you know I like croissants?" I asked. Umupo na siya at inilagay na rin ang sa kanya sa la mesa. "Well, one of my friend like americano and he always partner it with that kind of bread." "Cake? Chocolate drink?" na-aamaze na tanong ko sa kanya nang makita kung anong inorder niya para sa kanyang sarili. He chuckled. "What's so amazing abou it? You look amaze," natatawa niyang sambit at nag slice na sa cake niya at kinain na iyon. Naalala ko tuloy si Ingrid sa kanya. Napaka-sweet naman kasi ng mga gusto ng babaitang iyon. "I just expected that you like bitter things. Lalo na sa cold aura mo," saad ko at napanguso. Honestly, iyon talaga ang naiisip ko. Napatango siya ng maliit. "I'm used to that. Ganyan din naman ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin," saka siya uminom ng chocolate drink niya. Napangiti tuloy ako. Napaka-manly ng pangangatawan niya pero ngayon ay para siyang batang masaya na masaya sa kinakain niya. And I'm glad that I am seeing this side of him. Bakit parang mas nahuhulog yata ako sa kanya? Nag enjoy ako sa pag aalmusal namin doon. Para bang gumahan ang pakiramdam ko. Siguro dahil na rin sa may nakasabay akong kumain ng almusal. I used to be alone eating cereals on the counter in my condo. "Nice place," I said when we reached the location. Maganda ngang tayuan iyon ng supermarket. Malapit sa mga tao. Agad agad na mapapansin ito. Lumapit kami sa isa pang babae. "Good morning, Mr. Hidalgo," bati nito. Tumingin siya sa akin at inalok ang kamay. "Good morning. I am Jas Cueva. Engineer." Tinanggap ko ang kamay niya at nagpakilala na rin. Siya pala ang makakasama kong mag ayos ng building na it. "Entiny Emerald. Architect." Kaming tatlo ang magkakasama habang nlilibot ang building. Kung sanang okay na si Vian ay baka nirecommend ko siya rito. But anyways, I feel light naman with Jas. Magaling siyang makisama sa mga tao at wala naman akong nararamdaman na pangit na aura. At kung hindi ako nagkakamali ay galing din siya sa same firm na pinagtatrabauhan ko. Hindi lang ako pamilyar dahil sa kabilang side ng building ang mga enginering. Malayo layo rin sa aming mga architect. Tumunog ang cell phone ni Rykier kaya naman napatigil kami sa pag uusap. Tumalikod siya sa amin at sinagot na ang tawag. "Userrete," iyon lang ang narinig ko bago siya tuluyang nakalayo sa amin. Userrete? A girl? Gosh, my over thinker mind is coming right now. Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan iyon. Paano pala kung may girlfriend siya? Paano kung iyong babaeng tumawag iyon? "Entiny," pukaw sa akin ni Jas. "Ha?" "You okay?" nag aalala niyang tanong. Ngumiti ako ng maliit. "Ah yeah. Let's continue about the project." Saglit lang ang tawagan nina Rykier. Agad din kasi siyang nakabalik. "Kita tayo bukas sa may cafe sa harap ng firm? Pag usapan natin ang magiging structure and design ng supermarket," saad ko kay Jas. Tumango siya at nagpaalam na sa amin. Tahimik lang akong sumakay sa kotse ni Rykier. Tumingin siya sa akin. "What's wrong? Ang tahimik mo," pansin niya sa akin. Marahil ay kanina niya iyon nararamdaman. "Rykier," tawag ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa harapan. Hindi pa rin gumagana ang sasakyan. Hinihintay niyang mag usap kami. "Yes?" malalam niyang saad. "I know it's too late to ask this. Do you have a girlfriend? Paano pala kung nag cheat ka kasama ako?" mahina kong tanong. Kung hindi lang tahimik sa loob ng sasakyan ay baka hindi niya maririnig iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD