"Welcome again to Vanhouger's mansion," natatawa si Kiel nang sabihin niya iyon pagkalabas namin sa kanyang sasakyan.
Samantalang kasunod lang namin na bumaba ang mga men in black sa sarili nilang sasakyan. Oh, 'di ba sosyal?
Huminga ako ng malalim at hindi maiwasan na kabahan ulit,"Nandito parin ba si Kier?" wala sa sariling tanong ko.
Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa kan'ya,"Probably he's on his office by now," magkasabay na kaming naglalakad papasok sa mansyon.
Hindi ko na rin napansin pa ang men in black dahil kaagad na silang nawala sa paligid namin.
"E, si Mr. Jershun---" naputol ang pagtatanong ko nang hindi ko na pala kailangang hanapin pa ito dahil prenteng nakaupo ang haligi ng mga Vanhouger sa rocking chair na naroon.
Inalis kaagad ni Kiel ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Bumuntong-hininga si Mr. Vanhouger bago magsalita.
"It's tito, Leticia. How many times do I have to tell you that?" aniya saka tumayo mula roon at ngayon ko lang napansin na may iniinom pala siyang wine.
Tumango ako,"Yes, tito. I'm sorry po nakalimutan lang ulit,"
Humalakhak si Kiel sa tabi.
"That fast?" tanong ni tito Jershun. Tumango ako ulit. Nagpailing-iling siya pero kalaunan ay nangiti,"But anyway let's talk about the main reason why I asked you to go back here, hija." tumingin muna sya kay Kiel,"Can you please excuse us, son? Magliwaliw ka muna kung gusto mo," sinabi niya.
Sumimangot ang mukha ni Kiel at napangiti ako pero ako naman ang sumimangot nang mapatingin siya sakin at kindatan nalang ako bago humakbang paalis.
"Let's take a seat first," wika ulit ni tito kaya naupo ako sa katabing silya,"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga nasabi ni Kier sa iyo, hija. Alam kong nadisappoint ka sa ugaling ipinakita niya at maging ako ay disappointed sa ugali n'yang iyan.."
May sinseridad naman ang sinabi niya pero bakit parang may hinahanap parin ako na magsabi niyon sa akin ng harapan?
"Okay lang po. Sinabi na po sa akin ni Kiel na nakaranas ng depresyon noon si Kier. Pinapatawad ko na po siya sa inasta niya at nasabi sa akin pero hindi po ibig sabihin niyon ay ayos lang sa akin na ganoon ang trato niya lalo na kung wala naman akong ginagawang kasalanan," tugon ko at pagkakuwan ay nagpatango-tango siya
"Alam mo napakabait mong bata, Leticia. Kaya sa iyo napili ni Soler na ipakasal ang anak namin na iyon kasi magkaibang-magkaiba kayo ng ugali. Very very dissimilar," napatungo ako dahil doon at naisip na tama siya.
Magkaibang-magkaiba kami ni Kelvin at sa tingin ko ay hinding-hindi kami magkakasundo. So paano ko sya mapapaamo kung para lamang akong daga sa kanya at sya ay isang tigre.
"Kaya nga po nakakawala ng pag-asang magkasundo kami at mangyari ang gusto nyo ni Mrs. Soler na maikasal kaming dalawa.." nakangusong usal ko.
Umiling sya,"No, no, no don't lose hope. I know you can do it. My son is just a billionaire---uh yes, a very ruthless billionaire but I'm sure he will fall inlove with you and you're going to tame him," sumimsim siya sa wine niya,"Like how I fell inlove with their mother and how she tamed me." dagdag niya saka mahinang natawa.
Napangiti naman ako,"Ang sweet n'yo naman po. Sana all," may sasabihin pa sana siya nang may tumawag na kasambahay.
"Sir Jershun, hinahanap po kayo ng business partner nyo daw po," sinabi ni ateng.
Hindi ko s'ya namumukhaan kaya malamang hindi s'ya si Ateng kasambahay na ang pangalan ay Agnes.
Nagpunas si tito ng kan'yang bibig at ibinaba nalang basta ang iniinom na wine sa table,"I gotta go now, Leticia. Please, feel free to sight seeing around this whole mansion. Enjoy and welcome again, hija." baling nya sa akin.
Grateful naman akong tumango.
"Yes, tito. Salamat po,"
Pagkaalis ni Tito upang kausapin ang kung sino man na naroon sa may labas ng kanilang gate ay ginawa ko nga ang sinabi niya. Nag ikot-ikot ako sa malawak na mansyon at napapangiti na lamang sa tuwing makakakita ng naggagandahan at nagcu-cute-an na mga isda sa bawat aquarium. Bale limang malalaking aquarium ang mayroon sila, oo alam ko kasi binilang ko hehehe. Nakapunta rin ako sa may garden sa likuran pati ang malaki nilang swimming pool ay nakita ko rin.
Sabi kasi ni tito feel free daw, e! Kaya pala maraming gusto ng libre kasi masarap nga naman sa pakiramdam ang walang bayad at walang tututol.
Naisipan kong maupo muna habang tinatanaw ang malinis na swimming pool nila sa aking harapan. Inilabas ko ang maliit na touch screen na cellphone at nagdesisyon na magpicture rito.
"Selfie, selfie!" humagikhik ako habang nakapeace-sign sa harap ng camera. Lalo akong napahagikhik nang tingnan ang kuha ko.
Ang cute ko talaga!
I-post ko kaya sa i********: ko? Nga pala ito ang name ng account ko; itz_belleiza. Paki-follow na rin please, para na rin makita nyo ang everyday na ka-cute-an ko.
Si freny ang gumawa niyan para daw kasi follow-follow namin ang isa't isa. Si Euhan alam ko may i********: account din siya pero hindi siya masyadong active kasi noong ni-stalk ko siya ay puro mga pagkain at sapatos ang mga pinopost niya noong last last year pa. Hmp. Kaya ayon, in-unfollow ko na siya.
Hahaha joke lang.
Itinago ko na ang cellphone ko nang nakapagselfie na ako nang higit sa 100 shots. Hindi naman napupuno ang memory card nito, e kaya no cares nalang kahit ilang selfies pa 'yan! Inisang sulyap ko pa ang buong paligid bago napagdesisyunan na bumalik na ulit sa loob ng mansion.
"Magandang tanghali po, ma'am. Kung nagugutom kayo naroon lamang po ang kusina," tinitigan ko ang kasambahay na nagsabi niyon at napagtanto na sya na si ate Agnes the great!
Tumawa ako,"Salamat po sa inyo pero kasi kakakain ko lang ng masarap na cupcake ni nanay, e."
"Ah ganoon ba? Sige, kayo po ang bahala," yumukod siya,"Mauna na ako," at umalis na.
Kumunot ang noo ko at sa huli ay napakamot nalang sa ulo. Napakagalang naman niya! Mabuti pa siya may galang at respeto kahit na parang nanay ko na sya sa edad nya, hindi katulad ng amo nilang ugaling hatdog.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at patingin-tingin kahit na nakakaramdam na ng pagkabagot pero nang mahagip ng aking paningin ang salas nila ay nanlaki ang mga mata ko at naguluhan sa nakikita. Si Tito Jershun kasi ay may kausap na lalaki at kilalang-kilala ko ang lalaking iyon.
Omygoshie! Bakit narito si Euhan?
Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil medyo malayo-layo ako mula roon sa pwesto nila pero isa lang ang kaagad na naisip ko. Kailangan kong magtago dahil hindi ako pwedeng makita ni Euhan!
Kinakabahan man dahil isang lingon lang nila pagnagkataon ay makikita na niya ako, inihakbang ko ang mga paa at dahan-dahan na naglakad hanggang sa marating ko na ang hagdan. Plano kong umakyat sa taas at hintayin na umalis muna sya bago ako bumaba ulit. Walang ingay at dahan-dahan ulit akong humakbang papunta sa taas ng hagdanan.
Grabe, kung bakit naman kasi ang taas ng hagdan nila? Huhuhu. Huwag lang talaga sila titingin mula rito kasi kapag nangyari iyon, omygoshie! Malalaman ito ni freny at dadami ang tanong nito tapos magagalit siya kasi hindi ko sya sasagutin. E 'di ang resulta ay friendship over na kami? Oh, no! Hindi maaari!
At nang tatlong hakbang nalang ang kailangan ay mahina akong tumili at nagmadali na sa pag-akyat nang tuluyan sa itaas nilang palapag. Tinatanaw ko naman sila mula roon sa ibaba at habang nagtatagal ay naiinip na.
Ano ba kasing pinag-uusapan nila? At bakit nga ba narito si Euhan? Magbusiness partner sila? Kasi may kompanya rin sina Euhan tapos eto sina tito Jershun. Hayyy, ewan ko ba sa kanila.
Makalipas ang mahigit limang minuto ay gumuhit na ang ngiti sa labi ko nang magkamayan na silang dalawa at naglakad na paalis si Euhan kasama pala ang isa pang lalaki sa labas ng pinto. Si Tito Jershun naman ay naupo nalang sa rocking chair na inuupuan niya kanina. Nakahinga na naman ako ng maluwag ngunit biglang nakonsensya.
Sorry talaga Euhan at freny huhuhu. Hindi n'yo kasi pwedeng malaman, e. Ayaw kong madamay kayo sa magulong buhay kong ito.
Akala ko pa naman noon ay mananatiling simple at masaya ang buhay namin ni nanay. Yung tipong kahit kaming dalawa lang sa buhay kasi nga yung tatay ko... iniwan kami simula pa noong 2 years old ako. Ang natatandaan ko lang ay kulay blue ang kanyang mga mata dahil half-italian s'ya sabi sa akin ni nanay kaya sa kanya ko siguro namana ang kulay blue rin na mga mata ko.
Bababa na sana ulit ako ngunit napatigil ako nang mapagtanto na nasa hilerang silid pala ako ng mga Vanhouger at nang bilangin ko ang mga iyon ay napanganga ako. Halos 15 na kwarto ang nakahilera at ang bawat pintuan ay makintab na tsokolateng kahoy ang kulay.
Saan kaya ang kwarto rito ni Kelvin?
Curious lang.
Ngunit bigla ulit akong kinabahan nang makarinig ako ng ungol at tiyak akong nanggagaling iyon sa isa sa mga kwarto rito! Humakbang ako upang hanapin ang ungol na iyon at habang naglalakad ay papalapit nang papalapit iyon sa aking tenga. Patuloy na kumakalabog ang puso ko at nang sa wakas ay klaro na ang naririnig ko nang mapatapat ako sa panlimang kwarto ay tumigil na ako.
Bakit kaya may naungol rito? Ang weird naman at saka ang creepy!
Inilapit ko muna ang tenga sa pinto at pagkatapos ay unti-unti iyong binuksan sa maliit na siwang lang at nanlaki na ang aking mga mata at umawang ang labi nang makita ang nangyayari sa loob. Nakahiga si Kelvin sa kama habang may isang babae ang nakaluhod sa gilid n'ya at kinakain ang kan'yang ibabang parte. Nakapikit siya at mukhang sarap na sarap pa sa ginagawang pagkain sa kan'ya ng babae. Rinig na rinig ko ang mabibigat nilang paghinga at tunog na nanggagaling mula roon sa kaselanan niya habang kinakain iyon ng babae.
Akala ko ba ay nasa office siya? Ano itong nakikita ko?
Hindi ko ito alam pero may nakita na akong ganito rin na eksena noong may ipinakita at ipinanood sa akin si freny sa cellphone nya one time na magkasama kaming dalawa. Hubo't hubad ang babae at lalaki sa video at kagaya ng nakikita ko ngayon ay ganoon rin ang ayos nila.
Ni hindi ko maikurap ang mga mata ko habang patuloy sa pagkain ang babae sa lollipop ni Kelvin. Hindi ko rin inakala na makikita ko ang kabuuan niya at sa ganitong sitwasyon pa!
Akala ko ba kapag ikakasal na ang isang tao ay kailangan dapat sa magiging asawa nya lang siya at hindi sa iba? Akala ko ba ay hindi pwede ang magtaksil kahit na ikakasal pa kayong dalawa? Akala ko ba kapag mahal mo ang isang tao ay hindi ka magchecheat sa kan'ya?
Ah, oo nga pala. Bakit ba ang tanga ko? Hindi nga pala siya payag na pakasalan ako. Hindi rin siya nagtataksil kasi hindi naman niya gustong magpakasal sa akin at lalong-lalo na hindi siya nagchecheat kasi hindi niya naman ako mahal.
E, hindi ko rin naman siya mahal, ah!
"Suck me more! Dammit!" bumalik ang diwa ko sa gigil na sigaw na iyon ni Kelvin na sinunod naman ng babae,"Ugh! f**k!" at hindi pa nakontento dahil tumigil na ang babae pagkatapos ay tumayo para umupo sa gitna niya at iyon ang hindi ko na nakayanan pa.
"Ohh! Kelvin babe.. You're so big.. ugh!" isinara ko na ang pintuan dahil pakiramdam ko ay para na akong masusuka sa nakita.
Ganito pala ang pakiramdam na makita ang eksenang ganoon nang harap-harapan. Parang bumabaliktad and sikmura ko at hindi ko kinaya ang ginagawa nilang dalawa. Hindi naman ako ganito doon sa video na ipinakita sa akin ni Ericka pero bakit ang bigat sa pakiramdam na makita iyon?
Huminga ako ng malalim at napaupo na lamang sa hagdanan. Nakakainis naman. Tuwing pupunta ako rito sa mansyon ay may ginagawa si Kelvin na hindi ko nagugustuhan pero mas ayaw ko nitong nakita ko kaysa sa kaninang inasta nya at sinabi sa akin. Pero isa lang ang alam ko ngayon....
Hindi na virgin ang mata ko huhu ayaw ko na talaga sayo, Kelvin! Nakakairita naman! Feeling ko maiiyak ako sa hindi malamang kadahilanan habang pinapanood sila.
Namula tuloy ang pisngi ko nang maalala iyon. Hindi naman siguro nila ako napansin at nakita 'no? Hayyy, sana lang talaga ay hindi dahil hindi ko alam ang sasabihin kay Kelvin kapag nagkataon. Kung bakit naman kasi doon pa nila naisipan na magkainan?
At saka yung babae... mukhang girlfriend nya. Kasi hindi naman sila gagawa ng ganun kung hindi sila magkaano-ano diba? Hayyy, edi paano na ako nito? May girlfriend na pala sya kaya pala ayaw nyang pumayag na maikasal sa akin.
Edi wow. Humanap na rin kaya ako ng boyfriend?
Letsugas naman kasi, e! Itutuloy ko pa ba ang kasunduan? Mapapaamo ko pa rin ba s'ya? E, paano iyong girlfriend niya?