Halos tulala ako nang makababa kanina matapos ang pangyayaring nasaksihan. Basta ang alam ko lang ay tinawag ako ni Tito Jershun upang magmeryenda daw kaya ngayon ay kasalukuyan kaming nasa hapagkainan kasama si Kiel na hindi ko alam kung saan nanggaling at biglang na namang sumulpot.
"Hija, are you okay?" Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tito.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakitang pareho na pala sila ni Kiel na nakatingin sa akin.
"Okay lang po ako, tito. N-Nag-iisip lang po ako kung ano ang masarap na meryendahin ngayon..." Nasabi ko nalang at napakagat-labi.
"Well, I think we have pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and many more. You're free to choose what you want hija or I'll just ask all of those to the maids?" Natakam agad ako sa mga sinabi niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang."Alright. Agnes! Give us here pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and all delicious dishes we have," utos niya at agad naman na tumalima si ate Agnes.
"Manang Agnes is our mayordoma," Biglang sinabi ni Kiel kaya napabaling ako sa kan'ya.
Ah, kaya pala siya 'yung favorite utusan ni tito? Hehe charot lang.
"Ahh.." Nagpatango-tango na lamang ako at nawala na ang atensyon sa sino man nang mailapag na isa-isa ang bawat pagkain na memeryendahin namin.
Wow! Ang sarap naman ng mga ito! Pero wala parin tatalo sa mga cupcake ni nanay ngunit hindi ko rin naman ito aatrasan 'no!
"Kuya! Here!" Mula sa pagkakangiti ay unti-unting nawala iyon at nanlaki ang aking mga mata nang isigaw iyon ni Kiel.
Napapalunok kong ibinaling ang tingin doon at halos kapusin ng hininga nang makita si Kelvin kasama ang babae kanina. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin at tumungo na lamang sa pagkain na nasa pinggan.
"You can go now," Rinig kong sinabi niya pero hindi ko alam kung para kanino.
"Hey, Iza! Gusto mo ihatid na kita?" Narinig ko naman wika ni Kiel kaya napagtanto ko na iyong babae pala ang tinutukoy nila.
Kaano-ano ba kasi nila 'yon? Baka nga girlfriend ni Kelvin, ano? E, bakit naman hindi niya maihatid man lang?
Ay nakalimutan ko, masama nga pala ang ugali niya.
"Thanks, Keiron." Hindi ko na napigilan pa na mag-angat ulit ng tingin pero malamig na titig ni Kelvin ang sumalubong sa akin.
"Pero hanggang gate lang namin, okay? Nagmemeryenda kasi kami, e." Dagdag pa ni Kiel.
Narinig ko ang buntong-hininga ni tito Jershun sa tabi.
Umalis na sa kinauupuan niya si Kiel para ihatid nga siguro iyong Iza at pagkatapos niyon ay nagsalita si Tito Jershun.
"Kier, she's your secretary. Ikaw dapat ang maghatid sa kanya tutal ikaw naman ang nagdala sa kaniya rito and I wonder why is that?" Seryosong ani tito.
Natulos ako sa kinauupuan at nanlamig kahit hindi naman ako ang tinatanong niya.
Pero tama ba ang narinig ko? Secretary daw niya? Huwaat?! Akala ko pa naman ay girlfriend niya! Secretary pero kinakain sya kanina? Anong klaseng secretary 'yon? Grabe naman secretary 'yon wala ba s'yang pagpapahalaga sa sarili? Huhu ako ang naaawa para sa kaniya, e.
Narinig ko ang pagtikhim ni Kier."She just brought some papers to me," Sinagot niya na alam kong kasinungalingan."Si Kiel na ang bahala sa kaniya. I'm f*****g joining the snacks," Dagdag niya pa at hindi ako makapaniwala.
Wow again! Talaga bang sumasabay siya sa mga kasama niya rito sa mansyon sa pagkain? Nilingon si tito at napagtanto na mukhang first time itong ginawa ng anak nya kasi tumaas ang kilay n'ya at mukhang hindi rin makapaniwala, e.
Hindi nalang ako nakagalaw pa sa kinauupuan ko nang magsimula na siyang umupo sa katapat na upuan ko pa.
Kalma, Lei. Mas hindi mo gugustuhin kung sa tabi mo s'ya umupo, remember?
Huminga ako ng malalim at yumuko na lamang sa pagkain. Naririnig ko ang pagkalansing ng kubyertos ngunit nararamdaman ko naman ang mariing titig nitong katapat ko. Ang awkward ng sitwasyon na ito kundi lang bumalik ulit si Kiel.
"Woah! Sabi ko na, e. You're a scam, kuya." bungad niya sabay upo sa kaninang inupuan.
"Shut the f**k up, Kiel."
Nanatili lang akong nakatungo habang kami ay kumakain dahil ayaw kong masalubong ang kan'yang tingin. Baka maalala ko na naman ang nasaksihan kanina at hindi ko mapigilan na mamula at masuka. Dapat nga ay siya ang mahiya sa akin pero wala, e. Wala naman kasi siyang hiya.
"C-Comfort room lang ako. Saan po ba rito?" Tumigil ang isa sa pagkain pero kay Tito ako tumingin.
"On that straight way, stop and turn left on the side of the staircase and then you'll see a white door so that's already the comfort room," Aniya at bumaling kay Kiel."Kiel, accompany her." Wika niya sa anak at tatayo na sana si Kiel nang may nagsalita.
"Ako na." Mariin sinabi ni Kelvin kaya napalingon ako sa kan'ya nang may nanlalaking mata.
Nanliliit naman ang mata ni Tito sa kan'yang anak samantalang si Kiel ay bumunghalit ng tawa.
"Told yah, dad." Iiling-iling s'yang bumalik ng upo nakangising tumusok ng cake saka isinubo iyon.
Bumuntong-hininga nalang si tito,"Okay, Kier. Accompany Leticia then."
Parang ayaw ko na tuloy mag-cr pero syempre joke lang. Si Kelvin naman kasi, e! Bakit kasi umepal-epal pa siya?
"H-Hindi na naman kailangan na samahan ako, e.." Sinabi ko habang naglalakad kami at siya ay nasa likuran ko lang nakasunod.
Hinintay ko ang tugon n'ya pero pagtunog lang ng kan'yang sapatos ang naririnig ko. Tignan mo 'to ang bastos talaga! Alam nang kinakausap siya. Ipamukha ko sa'yo ang nakita ko kanina dyan, e.
"Nandito na tayo. Sige bumalik ka na roon," Bubuksan ko na sana ang pintuan ng cr nang marahas niyang kinuha ang braso ko,"A-Ano ba!?" Nanlalaki ang mata kong sinigaw.
"Tell me why the f**k did you come back here? You're really a gold-digger, huh? Do you just want our money? Do you just f*****g want my money? You stupid gold-digger!" Sunod-sunod n'yang sinabi na lalong nagpausbong ng inis at galit ko sa kan'ya.
"Pwede ba? Si tito Jershun ang pilit ng pilit sa akin na pumunta rito at wala kang alam para sabihan mo akong gold-digger!" Sigaw ko pabalik at pilit binabawi ang braso sa mahigpit niyang pagkakahawak.
Umigting ang panga n'ya,"Pumunta ka naman ulit? Just tell me your f*****g motives so that I can f*****g kill you now!" Mariin n'yang sinigaw at mas humigpit pa ang pagkakahawak sa akin.
Nanlamig ang buong pagkatao ko sa sinabi n'ya. Bakit naman n'ya ako papatayin? Ganoon ba talaga kagrabe ang galit n'ya sa akin?
"Wala naman kasi, Kelvin! P-Pinipilit lang talaga nila ako at hindi ako makatanggi kasi alam kong patuloy nyo akong guguluhin mga Vanhouger kayo!"
Nasasaktan na ako grabe, bakit ba ang sama-sama niya?
"I know there is a f*****g reason behind this desperate arranged marriage and I'm sure I'm going to know that very soon," Malamig na aniya at bumilis ang paghinga ko nang isandal niya ako sa pader habang hawak parin ang palapulsuhan ko."Do you want me to agree with the deal?" At inilapit ang kaniyang mukha sa leeg ko.
Panay nalang ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang nakapaling sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko ang malamig n'yang hininga na tumatama sa leeg ko habang patuloy ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
Ano ba kasing ginagawa niya? Bakit siya ganito?
"P-Please, lumayo ka.." Mahina kong usal. Ramdam ko ang pagngisi n'ya.
"Why would I? I'm asking you here, do you want me to agree with the damn deal?" Nang hindi ako sumagot ay mariin s'yang sumigaw."Sagot!"
Napapikit na ako.
"Y-Yes.."
"Answer me completely!" Mapalunok ako.
"Yes... I want you to agree with the d-deal.." Kumpleto kong sagot at nakahinga ako ng maluwag ng ilayo na niya ang mukha sa akin.
"Be my secretary then," Wika n'ya at napaawang ang labi ko. Sinundan niya ng tingin iyon pero muling bumalik sa mga mata ko.
Secretary daw? E, paano na iyong si Iza nya? Paano kung matulad ako sa kay Iza? Paano kung ipaggawa n'ya rin sa akin iyong-----omygoshie! Hindi pwede! No!
"Ano? Hindi ba may secretary ka na? Iyong kanina? Si Iza?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya at gumalaw-galaw ang panga.
"I don't f*****g care. I can replace her at ikaw ang gusto kong ipalit sa kanya."
Napaisip naman ako. Siguro kapag pumayag ako roon ay mas mapapalapit ako sa kan'ya at mas may tyansa na mapaamo ko siya. Tama! Okay sige bahala na nga. Basta para sa utang ni nanay at sa hiling ni Mrs. Soler! Go, go fight Lei!
"Sige. Pumapayag ako," Kinilabutan ako nang madilim siyang ngumisi nang isinagot ko iyon.
"Good choice. Be ready for the true hell that'll coming into your life, Leticia." Huling sinabi niya pagkatapos ay nakapamulsang naglakad na palayo.
Naiwan akong nakatulala at saka ko pa naalala na comfort room ang ipinunta ko rito pero bakit naging ganoon ang nangyari? Wala talagang magandang ginawa iyang si Kelvin. Nakakainis!
At saka anong hell iyong sinabi niya? Ano naman kaya ang pinaplano n'ya? Ano na naman kayang kawalanghiyaan ang ipapakita n'ya sa akin?
Tsaka... bakit ganoon nalang ang bilis ng t***k ng puso ko no'ng lumapit siya? Hayyy, kinakabahan lang siguro talaga ako sa kan'ya kaya ganoon.
Ah bahala na nga! Basta gagawin ko ang lahat mabayaran lang ang malaking utang sa kanila ni nanay at maisakatuparan ang hiling ni Mrs. Soler. Alam ko kasing patuloy na umaasa sila ni tito at pati na rin si Kiel sa akin na magagawa kong baguhin ang ugali nitong si Kelvin.
Pumayag na akong maging secretary n'ya kapalit ng pagpayag niya sa kasal namin. Grabe, napakaarte naman niya. Pero teka muna! Mayroon nga pala akong trabaho sa lunes kaya bakit ako pumayag na maging secretary niya? Anong gagawin ko?
Ang boplaks mo naman Lei, e!
Lugong-lugo ako kakaisip kung paano ko pagsasabayin ang pagiging secretary ni Kelvin at ang pagtatrabaho ko simula sa lunes hanggang sa mabungaran ko na sina Tito Jershun, Kiel at... Kelvin na nasa hapag parin ngunit ang hawak ay puro alak na. Shocks! Nawala lang ako saglit, nag-iinuman na agad sila? At saka mabilis rin itong si Kier, ah. Kanina lang kausap ko pero ngayon... hayyy.
"Nakapag CR ka ba ng maayos, hija?" Tanong ni tito. Napatingin ako kay Kelvin.
Nainom siya sa hawak niyang baso na may alak pero kitang-kita ko ang ngisi nyang nagtatago roon. Sumipol si Kiel.
"N-Nakapag CR naman po ako ng ayos," Umupo na ulit ako sa kaninang pwesto.
"That's good. Anyway, I want you to stay here in our mansion," Wika pa ni tito at napabaling naman ako sa kan'ya nang may kunot sa noo.
"Po? E, narito na naman po ako, ah?" Hilo ba itong si tito?
Ibinaba n'ya ang basong hawak."Stay in this mansion until you and my son get married," nawala ang pagkunot ng noo at nagulat ako sa tinuran n'ya.
Napasinghap ako. Narinig ko ang marahas na pagbaba ng babasagin na baso sa babasagin rin nilang table.
Huwaat?! Mag-i-stay ako rito hanggang sa maikasal kami ni Kelvin?
Kanina ay pumayag na akong maging secretary ni Kelvin tapos ngayon? Eto naman? Consequences ba ito ng pagpayag ko sa kasunduan?
"So you are really going to push that freaking marriage, huh?" Malamig na sinabi ni Kier kay Tito.
Napakagat labi ako at tumungo.
"Yes, son. Actually, your engagement party will be on early next month." Napa-angat ako ulit ng tingin roon at hindi na makapaniwalang napatingin kay Tito.
"P-Pero---"
"f**k that engagement party! Mag-plano ka nang mag-plano sige at ikaw naman lagi ang nasusunod." Ang sinabing iyon ni Kelvin ang pumutol sa sasabihin ko.
Mabibigat ang hakbang n'yang umalis ng mansyon. Parang may humaklit sa puso ko pero hindi ko na lamang pinansin iyon at sa halip ay kausapin si Tito Jershun na nagpailing-iling nalang sa sinagot sa kanya ng kan'yang anak. Si Kiel naman ay parang walang pakealam at hawak na ang cellphone habang pangisi-ngisi sa screen.
"Pero tito.. t-tama po ba ang narinig ko kaninang sinabi n'yo? Na mag-i-stay ako rito hanggang sa kasal namin ng anak n'yo?" Bumaling s'ya sa akin at tumango pagkakuwan.
Bumagsak ang balikat ko."Hindi naman po kayo nagjojoke 'di ba?" Kumunot ang noo nya pero umiling rin sa sinabi ko. Bumuntong-hininga ako."Edi paano na po niyan si nanay? Sure po ako na hindi s'ya papayag na manatili ako rito.."
Sumimsim muna siya sa alak niya bago sumagot."Ako na ang bahala na magsabi kay Patricia. Alam ko naman na maiintindihan nya iyon, hija."
"E, pero----" pinutol n'ya ako.
"No buts and what ifs. My decision is final. I can see that my son is slowly having an improvements," Tipid s'yang ngumiti sa akin."And that's because of you, Leticia."
Kung alam nya lang...
Kaya wala na akong nagawa kundi ang dahan-dahan nalang na tumango,"Okay, Tito..." At may naisip ako,"Pero pwede naman pong bumisita rito si nanay 'di po ba?" Umaasa kong tinanong.
"Of course," At doon ay nakahinga ako ng matiwasay."Ipapakuha ko na ang mga gamit mo kay Vicente," Aniya at may tinext sa cellphone.
At maya-maya lamang ay may dumating na lalaking-----omygoshie!
"Isa sa men in black?" naiusal ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kiel sa gilid. Bumaling ako kay Tito na nagkibit-balikat na lamang.
"Vicente, Pakikuha na ng mga gamit ni Leticia sa kanila and----oh wait, ako nga pala ang kakausap kay Patricia tungkol rito," Tumango ang tinawag n'yang Vicente at tumayo na si Tito Jershun at inayos ang kanyang tuxedo na suot saka magkasabay na silang umalis.
Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at dumukdok na lamang sa lamesa. Napakaraming gumugulo sa aking isip at hindi ko alam kung ano ang uunahin.
"Hey, are you alright?" Nag-angat ako ng tingin kay Kiel at tumango.
"Okay lang ako, Kiel. Huwag mo akong intindihin at magtext-text ka lang dyan," napakamot naman siya sa kan'yang batok at ipinagpatuloy nga ang pakikipagtext.
Mayroon palang bilyonaryo na nakikipagtext? Ibang klase talaga.
Dumukdok ulit ako sa lamesa habang mahinang inuuntog ang noo roon. Napakaraming nangyari ngayong araw so paano pa kaya sa mga susunod pang araw kung saan magiging secretary pa ako ni Kelvin? Ikakasal na nga ako sa kan'ya tapos secretary pa niya? Hindi nya naman ako favorite niyan 'no?
Hahaha syempre hindi talaga, Lei! Kasi una sa lahat, ayaw ka naman talaga n'yang pakasalan! Ewan ko ba kung ano na naman ang trip niya at gagawin akong secretary nya. Sana lang talaga ay hindi ako matulad roon kay Iza.
Ano kayang magiging reaksyon ni nanay kapag nalaman n'yang rito na ako titira sa mansiyon ng mga Vanhouger? Panigurado akong magwawala 'yon. Hayyy, bahala nalang talaga.
Basta go with the flow nalang ako!