Kabanata 6

2257 Words
Pabalik-balik ako sa paglakad at hindi mapakali habang kinakagat ang kuko. Si Kiel ay kanina pa umalis at sinabi sa akin na may pupuntahan lang daw siya. Si Tito Jershun naman ay hindi pa nakakabalik mula kanina kasama si Kuya Vicente. Samanatalang si Kelvin naman... ewan ko roon. Baka nilamon na ng lupa mula sa kung saan. Charot! Bad! Kanina pa nga ako sinasabihan ng ilang maids rito na kung ano ba daw ang problema ko o kung natatae ba daw ako. Kinakabahan kasi talaga ako at saka patuloy na iniisip ang mga nangyayari. Kung hindi ba ako pumayag noon sa kahilingan ni Mrs. Soleriana ay hindi ako mahihirapan ng ganito? Stop ka nga, Lei! Wala ng puwang ang magsisi kasi nakapayag ka na at nakapagdesisyon, huhuhu. "Lei, anak!" Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at umusbong ang tuwa sa dibdib ko bagaman may pagtataka nang makita ko siya rito. "Hala! Nay!" niyakap n'ya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Sa sobrang okupado ko pala kanina ay hindi ko namalayan na dumating na pala sina Tito Jershun at kasama pa nila si nanay! "Anak..." lumuluha siyang kumalas sa akin at nahawa naman ako."S-Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?" Tanong nya. Kinagat ko ang labi at unti-unting tumango. "O-Opo, nay. Kung ito ang kapalaran ko ay malugod ko itong tatanggapin.." Hinaplos niya ang aking pisngi. Parang may tumusok sa puso ko nang makita ang lungkot sa mga mata n'ya,"Bakit ka nga pala narito, nay?" Hindi naman sa ayaw ko pero kasi curious talaga ako. "Tutol ako rito, Leticia.. pero kung ito ang gusto at tingin mong makakabuti para sa iyo ay hindi na kita pipigilan pa," At doon ay ngumiti siya,"Sumama ako kay Jershun nung sabihin n'ya sakin na rito ka na titira sa mansyon nila, magwawala pa nga sana ako kundi lang niya sinabi na pumayag ka na pala. Nakasuporta lang ako sayo, anak. Basta sabihin mo lang sa akin kapag nahihirapan ka na, ah? Kukuhanin kita rito kapag nalaman kong sinasaktan ka nila," Aniya at napalunok ako ng palihim. Hindi naman ako sinasaktan nina tito Jershun at Kiel diba? E, si Kelvin? Hindi niya naman ako siguro sasaktan.... "Sige po, nay. Malaki na po ako at alam ko po ang ginagawa ko," Nginitian ko rin s'ya. Mula sa pagkakangiti niya ay nangunot ang kan'yang noo. "Pero teka, paano ang mga kaibigan mo? Hindi maaaring hindi ka nila hanapin sa bahay kapag bumisita sila," Dahil sa sinabi n'yang iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Oh, no! Oo nga pala, bakit hindi ko naisip iyon? Omygoshie.. isip isip ng paraan, Lei! Sa huli ay bumuntong hininga ako at hinawakan siya sa kamay. "Napagdesisyunan ko na rin po na sabihin na rin sa kanila ang totoo kapag nagtanong sila, nay.. feel free po kayong sabihin sa kanila ang totoo, handa na po akong harapin ang mga consequences ng pagpayag ko sa kasunduan na ito." Lumambot ang mukha niya at niyakap ako muli. "Okay, anak. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila," Niyakap ko sya pabalik. Narinig ko ang tikhim ni tito Jershun kalaunan. Hala? Nandyan pa pala sila? Hindi namin na-notice, ah. "Magmeryenda ka muna, Patricia." Sinabi nito at bumaling kay manong Vicente na naroon pa rin pala."Let the maids assist Leticia's things, Vicente. You can go now," Utos n'ya at tumango naman si Manong at umalis na. Dumating ang ilang maids at dinala nga iyon sa sinasabing kwarto ko. Nacurious tuloy ako kung saan doon ang kwarto ko pero sige mamaya nalang siguro. "Hindi na, Jershun. Uuwi na rin ako," tumingin sa akin si nanay at humalik sa pisngi ko saka ako niyakap sa huling pagkakataon."Basta ba ay nasa mabuti at nasa maayos na kalagayan ang anak ko ay panatag na ako," Naluluha na tuloy ako. Namulsa si tito,"Of course she is. I will take care of your daughter, Patricia." Aniya at tumango naman si nanay na magsasalita na sana ngunit may dumating kaya napatingin kami roon. Si Kelvin Vanhouger na hindi nagbago ang malamig na tingin kahit pa nakita na n'ya ang nanay ko."Umaasa akong mabait at irerespeto ng inyong anak ang anak ko," Umismid si nanay nang sabihin iyon habang nakatingin kay Kier na umigting ang panga."Mauna na ako. Bibisita ako ulit rito, Leticia. I love you, anak." Ngumiti s'ya sa akin. "Bisita ka ulit nay, ah? I love you rin po." Akma na s'yang aalis nang magsalita si Tito. "Ihahatid na kita pabalik," Wika nito at tumingin sa kaniya si nanay saka umiling. "Huwag na at kaya ko naman maglakad." At pagkatapos niyon ay umalis na s'ya hanggang sa hindi ko na s'ya matanaw pa. "Tss." Rinig ko ang singhal ni Kelvin na umaakyat na pataas ng hagdan nila. Bumuntong-hininga naman si tito at pagkakuwan ay ngumiti ng tipid sa akin. "Follow me, hija. I'll bring you to your new room." Tinuran n'ya at nanguna sa paglalakad sa akin. Sumunod naman ako kagaya ng sinabi niya. Lutang ako sa mga iniisip at hindi ko napansin na nakaakyat na pala kami at nasa itaas na palapag na ng mansyon nila kung saan naroon ang mga hilera nilang silid. Sinundan ko si Tito at tumigil kami sa isang silid na nasa pangalawang bilang, binuksan niya iyon at pumasok na kami. Hindi ko maiwasan na mapanganga nang makita na ang loob ng kwarto. "Wow! Magiging kwarto ko po ito?" Namamangha talaga ako sa linis at aliwalas ng silid. "Yes, hija. From now on, this is going to be your new room. Welcome to the Vanhougers family," Tugon niya at n ako ng tuwa roon kaya hindi napigilan na mapayakap sa kan'ya. "Salamat, Tito Jershun! Ang bait nyo talaga ni Mrs. Soleriana," mahina siyang natawa sa sinabi ko at kumalas na ako. "You should call my wife tita, too." Formal na aniya at napakamot naman ako sa batok. "Okay po noted hehe," Nilibot kong muli ang buong silid ng magiging kwarto ko. Hmm... pwede kaya itong gawing disney princess motif? Ang cute kaya! Naiimagine ko tuloy. Makarequest nga kay Tito mamaya tapos ako na ang bahalang magdesign, hehe. Omygoshie! I'm excited to the maximum level! Kinusot-kusot ko ang mga mata nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ng pintuan. Nababagot kong tiningnan ang alarm clock na nasa side table at ang inaantok pa na mga mata ay dahan-dahan nanlaki nang makita kung anong oras na! Lunes na nga pala ngayon at umpisa na ng aking trabaho! Hala! Nagmadali na ako sa pagtayo sa kama at halos magkandarapa pa ako dahil sa nakapulupot na kumot sa aking paa. Natataranta ko iyong inalis at nagtatakbo sa pintuan upang pagbuksan ang kanina pang kumakatok. Bumungad sa akin ang isang kasambahay. Hindi siya si manang Agnes kasi mas bata ito kumpara sa kan'ya. "Maligo na daw po kayo at magbihis, ma'am." Aniya at doon ay napatingin ako sa hawak niya. Damit iyon na puro itim. "Corporate attire? Mag-o-opisina ba ako, ate?" Nakunot ang noo kong tinanong siya. Umiling naman s'ya. "Ah, kasi hinihintay na kayo ni Sir Kelvin---" At dahil doon ay naalala ko ang napag-usapan namin kahapon. Pumayag akong maging secretary niya pero teka, ngayon na iyon?! "Ano? Ngayon na iyon?!" Malakas kong sinabi pero mukhang naguluhan naman si ate kaya mabilis ko nalang na kinuha ang hawak niya."Sige, ate. Salamat!" At pinagsarahan na sya ng pintuan. Sorry nalang kay ate huhu, natataranta na talaga ako, e. Bakit ba naman kasi nakalimutan ko ang usapan namin ng hatdog na lalaking 'yon? Anong gagawin ko ngayon? Nag-apply na ako bilang graphic designer tapos ngayon secretary pa? Pwede bang part time nalang iyong isa? Hay. Isinantabi ko nalang muna ang mga isipin at nagmadali na sa pagligo. Gusto ko pa nga sana magconcert sa loob ng banyo ang kaso wala na akong oras kaya nakasimangot akong lumabas roon nang nakatuwalya lang wala naman sigurong papasok rito ng biglaan 'di ba----- "I don't wanna f*****g wait for too long, you----" Nagulat at napatalon ako nang biglang may nagsalita at bumukas ng pintuan ng kwarto. Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan at ganoon rin naman s'ya nang nakita ang aking ayos ngunit nawala rin iyon kalaunan at bumalik sa salubong na kilay. "K-Kelvin? Bakit ka nandito?!" Nataranta ako at hindi malaman ang gagawin! Nakatuwalya lang ako at... basang-basa pa kalalabas lang ng banyo. "Ayaw ko nang pinaghihintay ako. Dress yourself faster kung ayaw mong ako ang kusang magdamit sayo." Mabilis niyang sinabi at madilim ang mukhang isinara muli ang pinto. Ni hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga at ngayon ko lang iyon naibuga. Tuluyan na rin humupa ang nagkakarera sa bilis na t***k ng puso ko. Okupado ako habang nagsisimula nang suotin ang damit panloob at isang pink sleeveless kasunod ang corporate attire na dinala ng kasambahay kanina. Naghanap ako ng maisusuot sa paa at nakahinga ng maluwag nang may makita sa gilid na isang black stilettos na alam kong mamahalin saka bago pa kasi nagsusumigaw iyon sa kintab at kinis. Inilugay at sinuklay ko na lamang ang kulot at mala-tsokolate kong kulay ng buhok. Hindi ko rin alam kung saan ko ito namana. Siguro ay sa aking ama. Maputla ang aking mukha pero hindi ko na inabala na maglagay pa ng make-up kasi wala naman talaga ako ng mga 'yon. Liptint lang ng kaunti ang idinampi ko sa aking labi at nang makontento na ay huminga ako ng malalim saka lumabas na sa kwarto at naglakad pababa sa hagdanan. Babatiin ko na sana ng goodmorning sina Tito Jershun at Kiel pero wala akong nakita ni anino nila sa hapagkainan. Nagtataka kong nilingon ang isang kasambahay."Ate? Nasaan po si tito Jershun at Kiel?" Humarap naman ito sa 'kin at itinigil ang pagpupunas sa ibabaw. "Maaga po silang pumupunta sa opisina upang asikasuhin ang kumpanya, ma'am." Sagot niya at doon ay nagpatango-tango nalang ako. "Ah ganoon po ba... Sige salamat." Inilibot ko ang paningin at kukuha na sana ng isang pizza sa nakalapag na isang kahon niyon sa lamesa nang may baritonong boses ang nagsalita. "Let's go, Leticia." Inangat ko ang tingin at nakita si Kelvin na nakacorporate attire na rin. Ang pagtunog ng kaniyang mamahaling sapatos habang bumababa sa hagdan ay nagsusumigaw sa awtoridad. Fresh na fresh ang hitsura n'ya at masasabi kong makalaglag talaga ng panty ang kagwapuhan nya kung hindi lang sya masamang ugali ay naging crush ko na sana siya. Pero wait... panty? Nasabi ko ba 'yon? Haha panga pala dapat. Ang dirty na talaga ng mind ko. Nakakainis kasi itong Vanhouger na 'to. "H-Ha?" Napakurap ako nang makalapit na sya sa akin. Itinutupi n'ya ang palapulsuhan ng sleeves nya habang mariin na nakatingin sa akin. "I won't repeat it anymore," pinasadahan niya muna ng tingin ang kabuuan ko pagkatapos ay bumaling siya sa kasambahay na kasunod lang pala niya."Give her the papers and documents," Aniya at nanlaki ang mata ko nang ibigay nga niyon sa akin ang hawak na mga papel at folders. "Ano ba? Hindi ba pwedeng mag-almusal muna ako?" Grabe, ang bigat pa naman ng mga ibinigay niya sa akin! Malamig n'ya akong tiningnan,"You're my secretary from now on. Hold all of that f*****g papers and follow me." Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako,"There's no time for your breakfast. Late ka na gumising kaya kasalanan mo 'yan. Magtiis ka." Sinabi niya. Binabawi ko na talaga ang pagpuri ko kanina sa kan'ya! Ang panget nya pala! Sobrang panget niya! Tse! Nagtaas-baba ang dibdib ko sa galit at hindi napigilan na sigawan siya,"Ang sama mo talaga, Kelvin! Ikaw na ang pinakamasamang tao na nakilala ko!" Nagpupuyos ako sa galit at wala nalang nagawa kundi sumunod sa kaniya palabas ng mansiyon. Pumasok at sumakay na s'ya sa isang kotseng sa tingin ko ay Range Rover. Hindi na ako nagtakha kung sa kaniya ang sasakyan na iyon at pumasok na rin ako sa loob sabay upo sa likurang upuan. Masama at matalim parin ang tingin ko sa kanyang malapad na likuran. Napapout nalang ako habang pinagmamasdan ang nakapatong sa hita ko na mga dokumento at papeles. "Don't f*****g glare at me or I will make your eyes shut." Bumuntong-hininga naman ako. "E, hindi mo naman sinabi na ngayon na pala itong pagiging secretary ko sayo. Mayroon kasi akong in-apply-an na trabaho at ngayon na rin 'yon! Pwede bang part time nalang itong pagiging secretary ko sayo?" Pakiusap ko sa kanya at sinamahan pa ng paawang mukha. Kaso mukhang hindi parin gumana. "I don't care with your damn work. Kasalanan mo 'yan, 'wag mong isisi sa akin," Lareho parin ang tono niyon kaya mas lalo akong nainis. "Nakakainis ka na, ah! Sana makagat ng langgam 'yang talong mo!" Sigaw ko at bago ko pa marealize ang aking sinabi ay salubong ang mga kilay na siyang tumingin sakin. Napalunok ako. Hala, lagot. Hala, patay ka Lei! Huhu why mo naman kasi sinabi 'yon? Omg ka... "What the f**k?" Malutong na mura niya,"Get out." Dagdag n'ya pa at kinabahan na ako. "A-Ano? Sorry na! Peace na tayo, Kelvin. Joke lang naman 'yun, e! Ang seryoso mo naman masyado," Natataranta ko nang wika at pilit ngumiti habang nagpepeace sign sa kaniya. Tinitigan n'ya lang ako. Naiiyak na ako, grabe. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko habang pilit ngumingiti sa kaniya. Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay kaya mas lalo rin akong kinabahan. "Just don't say that again or I'm gonna punish you really hard." Iniiwas n'ya ang tingin at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Nakahinga naman ako ng maluwag at nagdasal nalang na sana ay maging pabor sa akin ang araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD