Kabanata 7

2216 Words
Halos wala pang isang oras ay tumigil na ang sinasakyan namin. Mula sa dulo ay umusog ako upang sumilip sa tinted na bintana nito para makita ang sinasabi nilang kompanya ng mga Vanhouger. Nanliliit ang mata ko iyong tinitigan at kalaunan ay napanganga ako at nanlaki ang mga mata. "Hala?! E, dito ako nag-apply noong isang araw, ah!" Naibulalas ko habang nakanganga parin na nakatitig roon. Napakalaki niyon at hindi mo pa lang nalalapitan ay alam na bigatin talaga ang may-ari. Malawak ang estruktura na may nakalagay na 'DE VNHGRS' sa itaas ng entrada ng kompanya. Gusto kong kutusan ang aking sarili. Bakit ba hindi ko agad napansin 'yon? Inalis lang nila iyong vowels, e! Narinig kong binuksan na ni Kelvin ang pinto at lumabas na siya doon samantalang ako ay naestatwa na lamang habang nalilito sa nakikita. Nagpakurap-kurap nalang ako nang makita s'yang kumakatok sa bintanang katapat ng mukha ko habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Nagmadali ko naman binuksan ang pinto nang matauhan at lumabas na rin. "What the f**k is happening to you? You're like a stupid shit." Bungad na angil niya sa akin. Nasaktan naman ako roon pero siguro masasanay rin ako sa ugali niyang iyan. "Hindi lang ako makapaniwala na rito pala ang kompanya n'yo, kung saan ako nag-apply bilang graphic designer," Mapait kong sinabi. Namulsa s'ya. "Oh it's you, huh? Who was the one that hired you?" Napapalunok ako sa intesidad ng kan'yang titig. "I-Iyong maganda, sexy, maputi at matangkad na babae." Sinagot ko. Totoo iyon. Ito talaga ang naghire sa akin. Medyo mataray ito pero thankful ako kasi ni-hire parin ako nito. Sinundan ko ng tingin ang pagtaas ng kamay niya at paghilot sa nose bridge niya."Ah, My former f*****g secretary," Tumikhim siya at tumingin ulit sa akin,"So, because you're hired as a graphic designer on our company, you will do the both of your job once a day." At tumalikod na siya."Being my new secretary and one of the graphic designer on DE VNHGRS." Pagkasabi n'ya niyon ay nauna na siyang humakbang. "Ano?! Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Kelvin?!" Sigaw ako nang sigaw habang pilit humahabol sa kaniya. Medyo marami rin kasi itong mga hawak kong papel. Hindi siya sumagot bagkus ay patuloy lang talaga siya sa paglakad na para bang hindi ako naririnig. Matalim na tingin nalang ang ipinukol ko sa likuran n'ya at sinisiguro kong ramdam nya iyon! Pero nang makarating na kami sa entrance ay may babaeng nagwawala-----wait, si Iza? Hala! Yung Iza nga! Nagsusumigaw sya habang hawak ng dalawang guard. "Let me go! I'm Kelvin's secretary! Don't you recognize my beautiful face?! It's me! His one and only sexy secretary!" Patuloy s'ya sa pagsigaw at nang mapansin na kami papalapit ay nagliwanag ang mukha niya nang makita si Kelvin,"Oh there you are!" Tumigil si Kelvin kaya tumigil na rin ako. Nanatili naman na hawak ng mga security guard si Iza na nakangiti na ng malawak kay Kelvin. Hindi nya yata ako napapansin o nakikita man lang kasi nasa malapad na likuran ako nito nakatayo. "Let go of her." Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Kier samantalang halos magtatalon naman sa tuwa si Iza. Binitawan nga sya ng dalawang guard kaya napangiwi nalang ako ng deretso s'yang magtatakbo payakap sana kay Kelvin pero,"I'll be the one to throw her away from this place," Malamig na dagdag niya at mas lalong nanlaki ang mata ko. "C-Come again, Kelvin?" Gulantang na ani Iza at napaigik nalang s'ya nang marahas na kuhanin ni Kier ang braso niya. Kinabahan ako. "You f*****g slut. I don't want to see your shitted face again. Get the hell out of this building or I will smash that dirty body of yours." Nanlamig ang buong pagkatao ko at kinilabutan nang sabihin n'ya iyon kahit na hindi naman ako ang sinasabihan niya. Napalunok ako ng makita ang takot sa mukha ni Iza at pamumutla niyon. Nakakatakot naman si Kelvin... akala ko hindi siya nananakit pero... ano itong nakikita ko.. "K-Kelvin.. niloloko mo ba ako? Kahapon lang masaya tayo, ah! Masaya tayo sa pinagsaluhan natin! Pero bakit ngayon fired na daw ako bilang secretary mo, ha? Nagbibiro ka lang 'di ba? Please, Kelvin babe naman, e..." Ako ang naaawa sa pinaggagagawa nitong si Iza. Halos kasi lumuhod na siya kay Kelvin. Umusbong ang takot ko nang pabalang na binitiwan ni Kelvin ang braso ni Iza at dinuro ito."Yes, stupid slut. I'm just playing around. Didn't you know that I love playing especially with stupid w***e like you? At anong masaya? Ikaw lang ang masaya noon. I'm not even pleasured enough and you're not that good on bed so leave, Iza." Aniya habang nakapamulsa. Nang hindi umalis si Iza ay galit na s'yang sumigaw."Leave now!" At roon na lumuluhang tumakbo papalayo si Iza. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko na pala ang mga hawak ko. Nang bumaling sa akin si Kelvin ay iniwas ko ang paningin sa kanya at natatarantang kinuha ang mga nahulog na dala. Mas lalong umusbong ang takot at kaba ko nang maglakad na sya papalapit siya akin. Pakiramdam ko ay isa talaga s'yang villain na sobra mong kakatakutan. "You saw what happened to her so behave, Leticia. You better be behave, my new secretary." At pagkatapos no'n ay nilampasan na niya ako at nanguna na ulit sya sa paglalakad papasok ng kanilang kompanya. Huminga ako ng malalim at nilunok ng panandalian ang takot ko saka sumunod na sa kan'ya. Pinagtitinginan kaming dalawa habang naglalakad papunta sa dulong elevator. Ang ilan ay nakatingin sa akin nang may kyuryosong mata at ang iba naman ay nakataas ang mga kilay na para bang hindi pa man ako kilala ay nanghuhusga na. Itinungo ko na lamang ang ulo at hindi na sila pinansin pa. Marami naman ang nakatitig kay Kelvin lalo na ang mga babaeng empleyado na halos maglaway na nga sa kanilang pwesto. Edi sya na ang gwapo! Basta cute ako! "Put that all on my table and tell me the f*****g schedules," Unang sinabi niya pagkaupo palang niya sa kan'yang swivel chair. Sinunod ko naman at ibinaba ang mga hawak. Natataranta ang kamay ko habang hinahanap ang sinasabi n'yang schedules. First time ko naman ito sa pagiging secretary at wala pa akong experience! Graphic designer naman ang in-apply-an ko, e. Hindi ko lang talaga alam takbo ng utak nitong Vanhouger na 'to. "Bakit ang tagal? Bilis!" Napatalon ako nang sumigaw siya. Mas binilisan ko pa ang paghahanap. Pinunasan ko ang pawis sa noo at nanginginig na hinawakan ang schedules na sinasabi niya. "Uhm, 9 am, appointment with Mr. Porter. 11 am, discussing the plans with Mr. Gustave and 1 pm checking the papers including the documents from the Westelnns..."Pagbabasa ko at kinagat ang pang-ibabang labi. Nakakakaba naman ito. Dagdagan pa ng titig nyang parang mangangain. Magkasalubong kasi ang perpekto niyang mga kilay habang ang kamay ay nasa bibig at pinaglalaruan iyon. Lumunok-lunok ako at tumungo na lamang. "Is that all?" Tumango ako sa tanong niya. Kinuha n'ya ang telepono na nasa table at may tinawagan roon."Bring the laptop here on her table. Yes, also the folders with the list of designs inside. Don't make me wait or else I'll fire you." Mariin siyang nakatitig sa akin habang sinasabi ang mga iyon sa kausap niya. Hindi pa man nakakalipas ang isang minuto ay may kumatok at pumasok na sa kanyang opisina. Isang payat na lalakeng nakasalamin iyon na may dalang laptop at patong-patong na folders. Hirap na hirap nga syang buhatin iyon patungo roon sa sinasabing table ko daw kaya naawa ako at tinulungan ko s'ya. "Ako na ang maglalagay ng laptop, kuya, salamat!" Kinuha ko iyon sa kaniya at inilapag sa table. Tutulungan ko pa sana s'ya sa mga folders pero may nagsalita na. "Let him do his job. Laptop at folders lang ang mga 'yan," sinamaan ko ng tingin si Kelvin na malamig ang tingin sa lalake at sa akin. Laptop at folders lang daw? E, siya kaya itong magbuhat! Laking-laki ng katawan niya dyan, e. "Done na, Sir. Una na po ako, ma'am," Sinabi nya iyon sa amin habang nakatungo bago nagmamadaling umalis. Nagpakawala ako ng buntong hininga at umupo na lamang sa swivel chair na pwesto ko daw. "Mula ngayon ay rito na ang pwesto mo. Dito ka na gagawa ng trabaho, bilang designer ng kumpanya ko at bilang sekretarya ko. Naiintindihan mo ba?" "Kumpanya mo? Sure ka?" Lumabas iyon sa bibig ko at bago ko pa mabawi ay tumaas na ang sulok ng kan'yang labi. "Yes. Because sooner or later, dad will give me this whole company. In exchange of marrying you, bitch." Madilim s'yang ngumisi at unti-unting nagsalubong ang kilay ko sa kan'yang sinabi. "Ano? E, akala ko pumayag ako na maging secretary mo para pumayag ka sa kasal? Bakit parang naiba? Ano ba talagang trip mo, ha?" Inis na inis na talaga ako sa kanya! Nakakalito ang takbo ng utak niya! Sumandal siya sa upuan n'ya,"That's my condition. If you two are really willing to push that damn deal then I need to push mine, too, so that everything will be fair." Fair daw? Fair n'ya ang mukha niya! "Hindi iyon fair! Mas pabor 'yon sayo. Ang daya daya mo, Kelvin." Mapait kong tiningnan ang reaksyon n'yang wala parin pinagbago. "That's how a wise billionaire think. He'll make sure that he'll be the one controlling the game where he was the target. b***h, don't act like you have a clean motives here. You're just desperate pretending to be an innocent angel." May nagbara sa lalamunan ko sa malamig n'yang sinabing iyon. Pinili kong huwag na lamang magsalita at simulan nalang ang trabaho. Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa nangingilid na luha ngunit pilit ko iyong inaalis sa paraan na hindi niya nahahalata. Hindi ko na siya pinakealaman buong sa oras ng trabaho at pareho rin naman kaming abala sa tingin ko. Sa trabaho ko bilang secretary n'ya ay doon niya lang ako tinatawag at sunod-sunod ang kaniyang utos. Nakalimutan na yata na may isa pa akong trabaho na iniintindi. Kaya naman pagpatak ng alas nuebe ay nakahinga ako ng maluwag dahil may appointment nga pala sila ni Mr. Porter. Magsasaya na sana ako kaso... "Leticia, you come with me." Aniya habang inaayos ang necktie. Kumunot ang noo ko s'yang tinignan. "May pinatapos pa ako rito. Pwede bang hindi na ako sumama? Kailangan ba talaga?" Kaya niya naman siguro mag-isa 'di ba? "You. Are. My. Secretary. You f*****g need to come with me or I will drag you by myself?" Bumalot ang takot sa pagkatao ko at sa huli ay nanghihina na lamang na tumango sa kaniya. "Sige..." wala naman akong magagawa, e. Kailan ba talaga siya magbabago? Hayaan na nga, masasanay rin ako rito. Natapos ang sunod-sunod na schedule niya na kasama ako kaya sa huli ay hindi ko natapos ang ginagawa kong mga disenyo. Gusto ko nga siyang palakpakan sa galing n'ya bilang boss ko. Nang magtanghali na ay unti-unti ko nang naramdaman ang gutom na dahilan ng hindi pag-aalmusal kaninang umaga. Dumukdok ako sa table dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. Sana pala binilisan ko ang pagkuha kanina ng pizza kahit isa lang. "Ma'am, lunch ka na raw po." Mula sa pagkakadukdok ay inangat ko ang ulo nang marinig iyon galing sa kung sino. Nakasalamin na babae ang may dala niyon. Tingin ko ay isa siya sa mga empleyado,"Uh, kanino galing?" Tanong ko. Malay mo kasi may lason iyon, mategi pa ako dito mismo. "Kay Sir Kelvin po," Nanlaki ang mga mata ko roon at dali-daling kinuha ang paper bag sa kanya."Enjoy eating po, ma'am!" Hindi ko na tuloy s'ya napasalamatan dahil sa gulantang ko parin na reaksyon. Totoo kaya iyong sinabi ni ate na kay Kelvin nga ang mga ito galing? "Hindi kaya may lason ito?" Humagikhik ako at nagsimula nang buksan iyon at napangiti ng malawak nang makita ang laman. Wow! Chicken fillet at sausages ang ulam! Inamoy ko iyon at mas lalong kumalam ang sikmura ko. Tumunog pa nga, e hahaha! Agad ko na iyong nilantakan. Bakit kaya wala rito ang lalaking 'yon? Hindi ba siya rito naglu-lunch? Baka siguro sa mga restaurant sa labas 'no? Mga bilyonaryo nga naman. "Hay, may tinatago ka rin palang concern sa akin, ha." Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang litrato ni Kelvin sa isang malaking frame na nakasabit sa gilid ng dingding ng office. Napakaseryoso nya roon ni hindi man lang makitaan ng ngiti sa labi pero kahit ganoon ay gwapo parin siyang tignan. Akala ko hindi na niya ako papakainin, e. Mabuti naman may awa pang natitira sa katawan n'ya. Mamaya nalang ako magpapasalamat rito sa lunch na pinadala niya hehehe. Feeling ko kaunti nalang, lalambot rin siya. Hindi naman magiging bakla, ah! I mean, lalambot rin ang puso nyang nagyeyelo sa tigas parang kan'yang... joke lang! Kaya kahit anong pahirap pa ang gawin niya sa akin ay hindi ako susuko dahil ramdam kong magbabago rin s'ya. Mapapaamo ko rin s'ya. Kembot lang ng kembot, Lei! Teka, sayawan ko kaya s'ya? Tama! Dapat gumawa ako ng plano para mapaamo ko ang bilyonaryo! Okay, starting tomorrow the OPAMNB is up! (Oplan Paamuhin Ang Malupit Na Bilyonaryo). Sana naman magtagumpay ako nito! Titiisin ko lahat mabayaran lamang ang utang sa kanila ng nanay ko at ang ipinangako ko! Lagot ka sa akin, Kelvin Vanhouger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD