Chapter 5: Broken jpeg.

1765 Words
#5 Zeb's POV Ilang araw ang lumipas katapos ng enrolment day. Iminulat ko ang aking mata ng masinagan ito ng araw mula sa bintana ko. Pupunta na pala ako ngayon sa dorm. Haist, malapit na magpasukan, kaya malapit na din ang kapaskuhan ng mga projects. Sa University na pinapasukan ko ay may dorm,; Yaman 'no? Mabuti nga't nakapasok ako through my scholarships kaya walang babayarin na makakapagstress sa amin. Monday to Friday dapat nandun' lang kami sa dorm , pag Saturday at Sunday naman ay pede na kami lumabas or umuwi. Mamimiss ko tuloy sila Mama at ate. Anyways, agad naman akong bumangon; slowly, kasi tulog pa ang dalawang katabi ko. Tiningnan ko ang wall clock dito sa kwarto namin. Masyado pa namang maaga. It's only 6:00, pero kailangan dapat andun na sa school pag 7, strict kasi ang rules, on time dapat. Well the earlier the better. Kaya tumayo na ako at agad na pumunta sa banyo, like always, naligo, nagtoothbrush at nagbihia, bumababa na din agad ako at nagluto ng sariling pagkain. "Arf! Arf!" tahol ni Chardy. "Shush! Baka magising mo sila!" pagkausap ko sa aming makulit at malaking aso. Kape, kanin, at sunny side up egg, iyan ang breakfast ko. Di naman kasi kami ganun kayaman, para maghanda ako ng magarbonng pagkain. Nang matapos sa pagkain, bumalik ako sa kwarto, at binitbit ko na ang maleta at isang backpack, at lumabas. Di ko namalayang may nakasunod sa akin kaya nagulat ako nang bumungad sa akin si Mama na sabog ang buhok at kinukusot pa ang mata, kaya napatawa ako. "Hahahahaha!" tawa ko. Agad na tiningnan ako ng masama ni mama. Patay tayo dyan; nagsmile ako ng konti at nilapitan siya para ikiss kaagad sa pisngi. "Good morning Ma!" masiglang bati ko. Tila nagtataka siya ng tingnan niya ang dala kong maleta, magpapaliwanag na sana ako ng unahan ako nito. "Lalayas ka na ba?" "Babalik ka pa ba?" "Magtatanan ka na?" "Saan ka pupunta?" "Aba, sapakin kita dyan ei!" nakapameywang na tanong niya habang tinititigan ako ng masama. Awits Ma! Sobrang advance mo! "Hay naku---" "Hoy, anak!, sagutin mo ako!" binatukan pa ako! Aber! Sobra na yan huhu! "Mama naman e! Una sa lahat, di ako lalayas, second babalik ako, third walang matatanan at fourth, pupunta na po ako university para dalhin ko dun na ang mga maleta ko sa dorm, "pagpaliwanag ko sa kanya. "Ganun ba?" bakas sa kanyang mukha ang lungkot kaya nilagay ko muna ang aking mga maleta sa gilid tyaka niyakap siya. Aw mamimiss ko si mama(T^T) "Mama, babalik ho ako, di po ako magpapasaway lalo ng di ako mag-gagala-gala, mag-aaral ako ng mabuti, okay ma?" "Mamimiss ka namin bunso!" sigaw ni ate nang naka labas siya sa kwarto at niyakap kami ni Mama. "Naku naman, kala niyo naman na pupunta ako ng abroad," "oh sige---" agad na pinutol ng isang tawag ang sasabihin ko. Kunot-noong kinuha ko ito sa pocket ng jeans ko. Af sinagot ko ang tawag at nilapit sa tenga [Hello?] [Oy! Babes asan ka na?] Oh no, nilingon ko sila mama, at tama nga ang hinala ko, kunot-noong tinitigan nila ako habang si mama ay nakahawak sa beywang at si ate naman ay naka-krus ng braso. Naku naman kasi! "Mama, Ate, si Job 'to boybestfriend ko, okay? Chill lang," kalma kong saad. Iba talaga 'tong mag-ina, inuunahan agad ako. [Babes? Andito na sila Marco at Ariane, nakita mo ba si...uhmm] Binalik ko na ang atensyon sa katawag ko. A smile crawls into my lips. [Ahh, sino naman job?] pagmamaangmaangan ko. Gusto ko kasi siya ang magsabi ng pangalan ng jowa niya. [Alam mo na babes.] [Hay naku babes, torpe pa din. Haha, di ko pa nakita 'yon, andito pa ako sa bahay, sunduin nyo naman ako oh.] [Haha okay babes, i'll be right away maam!] [Hahaha sige maghihintay nalang ako sa labas.] pinatay ko na ito at tiningnan ulit sila Mama. "Bye Ma! Ate Aly! Alis na ako ah! may kanin na doon kayo na ang bahala kung ano ang ulam ninyo, erkey?" magalang na pagpaaalam ko. Naku kung alam nyo lang, ako ang chef, waiter, dishwasher, cleaner etc. Lahat lahat na ata na nga gawaing bahay ako gumagawa, pero its okay lang naman atleast nakakatulong ako at di pabigat. "Oy, ikaw Ate, magmadali ka na dyan, may pasok ka pa," babala ko kay Ate, isa siyang manager ng Jollibee. "Opo bunso," sagot naman niya, nagthumbs uo ako sa kanya tsaka niyakap. "Asus ate! sige bye na!" bumababa na ako mula sa taas at tinahak ang daan papunta sa labas. Ilang minuto lang ang lumipas ay saktong kakalabas ko lang ay kararating lang din ni Job. "Babes ako na riyan medyo marami yata ang dala mo ah," sabi ni Job sabay buhat ng nga bagahe ko. "Ayy, hindi babes konti lang 'yan, promise" sarkastikong pagkasabi ko sa kanya dahilan para humagikhik siya ng tawa, kung pede lang talaga suntukin ko 'to kanina ko pa ginawa! Pasalamat 'to mahal ko 'to. Haha syempre as a friend. Aish, naalala ko tuloy si Marco, nasaan na kaya siya? Inaalagaan ba siya ng gf niya? Huwa ang sakit naman. Pumunta na ako sa passenger seat at nagseatbelt at agad na pinatugtog ang radio yata ito, ng kotse, umupo naman si Job sa driver seat nang matapos mailagay lahat ng bagahe sa likod. Pumili ako ng kanta at pinatugtog ko ang... Binalewala by Michael Dutchi Libranda Ikaw na pala Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko Nagstart nang magmaneho si Job na ngayon ay nakapokus lang ang atensyon sa daan. Pakisabi na lang Na wag ng mag-alala at okay lang ako Sabi nga ng iba Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo Hahayaan mo na mamaalam Hahayaan mo na lumisan, hmm... Kaya't humiling ako kay bathala Na sana ay hindi na siya luluha pa Na sana ay hindi na siya mag-iisa Na sana lang... Sinasabayan ko na din ang kanta with feelings. "Ingatan mo siya Binalewala niya ko dahil sayo" Kinanta ko na din ito ng napakalakas hanggang sa maumpog ang aking noo sa unahan. "Aray!" Nawalan na ng saysay ang pagmamahal Na kay tagal ko ring binubuo Na kay tagal ko ring hindi sinuko Binalewala niya ako dahil sayo, dahil sayo. "Anong nangyari sayo babes? Masakit ba? Hala sorry," paumanhin ni Job pero tinitigan ko lang ito ng masama. "Sorry ka dyan! etong nag-eemot ako dito eh!" sigaw ko. Heto 'ng huling awit na kanyang maririnig Heto 'ng huling tingin na dati siyang kinikilig Heto 'ng huling araw, ng mga yakap ko't halik Heto na, heto na... Sabi nga ng iba ha Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo Hahayaan mo na mamaalam Hahayaan mo na lumisan, oh... Ingatan mo siya Binalewala niya ko dahil sayo Nawalan na ng saysay ang pagmamahal Na kay tagal ko ring binubuo Na kay tagal ko ring hindi sinuko Binalewala niya ko dahil sayo, dahil sayo "Hala, Hahahah edi wow," sabi ni Job, sinapak ko ito sa mukha. "Shet! Babes naman! Nagdadrive ako!" sigaw niya na muntik na kaming makabangga. "Ikaw kasi!" Heto 'ng huling awit na iyong maririnig Heto 'ng huling tingin na dati kang kinikilig Heto 'ng huling araw, ng mga yakap ko't halik Heto na, heto na Ingatan mo siya. Saktong natapos ang kanta ay nakarating na kami sa University, lumabas agad ako at kinuha ang mga maleta, tinulungan naman ako ni Job, kaya di ako nahirapan, parang mag-aabroad talaga ako sa sobrang bigat ng maleta ko, Haha, ready na ready lang talaga ako, sori aken! Eto naman si Job tingin ng tingin sa paligid parang may hinahanap. Tumunog yung cellphone ko sa aking pocket, kinuha ko ito at sinagot ang tawag. [Zebby my ghorl!] Bati niya nang napakalakas kaya nailayo ko ng konti ang cp na cherry mobile na nagpalingon naman kay Job at agad lumawak ang ngiti. "Siya 'yan?" bulong ni Job, tinanguan ko lang siya. [Oh ano kelangan mo?] Tanong ko. [Ahm, eh kasi 'yong sasakyan namin, nasira, kung pede sana sunduin mo ako, you know?] [Anong sunduin kita? Eh wala nga akong sasakyan papunta dyan!] Sigaw ko sa kanya. Tumawa tuloy. [Eh? Sino nagsundo sa iyo?] Tanong niya at ibinaling ko ang tingin kay Job na malawak pa din ang ngiti. [Si Job, gusto mo sunduin ka? Job sunduin mo nga Prinsesa mo, bilis!] [Hoy! Hoy! Hoy! di ako nagsabing..] At boom pinutol ko ang tawag. "Sunduin mo na 'yong Prinsesa mo sa bahay nila, magpanggap ka na uber ka niya, Go!" utos ko kay Job na agad naman sumunod at sumakay sa kotse niya sabay paharurot ng kotse niya. "Ayys, makasanaol na nga," pailing-iling na sabi ko, pagkatapos ay binitbit na ang mga bagahe papasok sa university. "Love talaga, naku pahamak," sabi ko sa sarili ko. Di ko naman yun matatanggi kasi totoo naman na pahamak lang ang pag-ibig, uy di ako bitter ah! Sadyang totoo lang talaga yun. Pumasok na ako, same lang, bigay ng card tyaka tinahak ang daan papunta sa room kung saan ididikta kung saan na room ako titira at kung sino ang mga kasama ko. Pinaslak ko ang earphone sa tenga ko at pinatugtog ito. Kathang isip by Ben&Ben Habang tinatahak ang daan papunta sa dorm, nakita ko sk Ariane na nagsecellphone habang nakaheadset. Nilapitan ko siya at tinanggal ang headset. "Ayy bwesit naman sino-- Oy bes! hehe musta?" bati niya nang nakangiti. "Musta? Broken ako," malamig na sagot ko. "Edi wow, broken," umirap siya at kinuha ang headset niya at sinabit sa leeg niya. "Broken ka kahit hindi naging kayo? Aba matindi," patawa-tawa na sabi niya habang may tinatype sa cp niya. Napairap ako sa inasta niya. "Akala ko magbibigay ka advice, tsk." bulong ko. "Oh nasaan na sila Job? Kasama mo ba?" tanong niya habang nakatutok sa cp niya at may pangisi-ngisi pa. "Alam mong ako lang ang nandito, hahanapin mo pa sila. Medyo may sira ka din sa utak mo ano?" "Edi wow nalang," inirapan niya ako, hampasin kita dyan e! Tumingin ito sa likod ko kaya tumingin na din ako, nagbabasakaling si Marco(^o^). At minamalas nga naman, di ito sila Marco kundi mag-jowa na naghaharutan. Pati ba naman dito mas lalong pinapabroken ako. Respect sa mga single oy! "Tara na nga, baka mabulag ako dito," iritang sabi ko saka hinila si Ariane palayo sa naghaharutan. "Ah sige." Napailing nalang ako. Habang naglalakad, may biglang umakbay sa balikat ko, napalingon ako sa tabi ko at napasinghap ng makilala ko siya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD