Chapter 6: Teach Me How To Kiss‼️

1719 Words
“S-orry, n-akakalat k-asi k-aya d-inampot ko p-ara l-igpitin. Nauutal siya sa kaba habang unti-unting yumuyuko para pulutin ang kahon na nahulog. Sa pakiwari niya mga sulat ang laman ng kahon dahil mga nakatuping papel ang bumungad. “Don't touch my box!” sigaw ni Jensen na halos mapatid ang litid nito sa leeg. Sa labis na takot hindi na niya dinampot ang kahon. Umatras siya palayo sa kahon at nang makalayo kaagad na pinulot ni Jensen ang kahon at ang mga nakatuping papel. “Halos lumuwa ang mga mata mo sa galit. Parang love letter lang naman ang laman niyan,” aniya na tinaasan ng kilay si Jensen. “Wala kang pakialam kung ano man ang laman nito. Sagrado ang kahon dahil mga love letter namin ito ng girlfriend ko! From now on, you are not allowed to enter my room!” Napako ang mga paa niya sa sahig at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Parang may pinong-pino na kumurot sa kanyang puso sa sinabi na iyoni ni Jensen. Alam niya na crush lang ang kanyang nararamdaman para sa binata pero bakit ganun. Parang nagsisikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siya huminga. “Ano pa ang tinatanga-tanga mo d’yan?! Get out of my room!” Sa pabulyaw sa kanya ni Jensen tila doon pa lang siya nahimasmasan. Napalunok at nakatitig sa mga mata ng binata dahil kahit galit na galit iyon ay para bang may nakatago sa mata nito na hindi nito masabi sa kanya. “I said, get out of my room!” Sa muling pabulyaw sa kanya ni Jensen hinablot na nito ang kanyang braso dahilan para makaramdam ng pananakit. Humihigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kanyang braso dahilan para pumalag na sa pagkakataon na iyon. “Let go of me! You have no right to hold me so tightly! Princesa ang turing sa ‘kin ng pamilya ko, kaya wala kang karapatan hawakan ni kuko ko,” matapang na sabi n’yang inirapan iyon. Imbes na bitawan siya nito tumawa iyon ng malakas at sa sobrang lakas umalingawngaw sa apat na sulok ng silid. “Hindi ka pa rin nagbabago, for 12 years. Isip bata ka pa din, “Laveda Belmonte”. “Hindi na ako bata! Bawiin mo ang sinabi mo!” nanggagalaiti sigaw niya na pinag-susuntok ng kaliwang kamay ang dibdib nito. “Talaga?! Patunayan mo sa ‘kin na hindi kana bata,” nakangisi sabi nito sa kanya habang hawak pa din ng mahigpit ang kanyang braso. “Ano ba’ng patunay ang gusto mo, huh!?” tanong niya na nakataas ang mukha. Hindi ito sumagot pero binitawan nito ang braso niya at kinabig siya palapit sa sariling nitong katawan dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya ng makitang gumagalaw ang Adam's apple nito habang nakatingin sa mga labi niya. Gusto niya basahin kung ano ang nasa isipan ni Jensen sa oras na iyon, ngunit bigo siya. “Simple lang, teach me how to kiss,” wika ni Jensen habang nakatingin sa labi niya, at seryoso ang mukha. “Mayroong girlfriend pero hindi marunong humalik? Ang kapal ng mukha! Ako pa talaga ang gusto niya magturo na humalik? Ano’ng alam ko sa paghalik? I have never been kissing! I have never been touched! Like a vìrgin, aw!” sa isip-isip niya sa oras na iyon. “Ano na?! You're blushing, huh!” wika nito na ngumiti sa kanya ng bahagya. Napakagat labi siya at bahahyang ipinikit ang mga mata sa sinabi na iyon ni Jensen. Hindi niya alam pinamulahan na pala siya ng mukha. Habang nakapikit ang mga mata nag-ipon siya ng lakas para kumawala sa pagkakahawak ni Jensen. Matapos ang ilang sigundo nagawa niya makawala kaya’t hindi na siya nagsayang ng oras patakbo na lumabas sa silid. “Laveda! Come back here, hindi mo pa ako natuturuan humalik,” Hindi niya iyon nilingon kahit pa tinatawag siya nito. Habang papalayo naririnig pa rin niya ang halakhak ni Jensen na lalong nagpadagdag ng pagkabwesit niya. Napabuga siya ng hangin ng makita ang papalayong presensya ni Laveda. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagawa at nasabi ang bagay na iyon. Nakainom siya ng alak kaya kung ano-ano ang kanyang pinagsasabi. Habang nakatingin sa kisame biglang umikot ang paningin at nag-iinit ang kanyang buong katawan. Sakto lang ang ininom na alak kaya lang hindi siya sana’y uminom ng tuba. Biglang kumulo ang sikmura at pakiramdam na babaligtad iyon. Kahit nahihilo bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at dahan-dahan na tinungo ang banyo habang hawak ang bibig. Pakiramdam niya na sa b****a at lalabas na ang suka mula sa bibig. Pagdating sa banyo napalupagi sa ibabang bahagi ng inidoro at doon na dumuwal. Pinagpapawisan siya ng malamig at nanghihina. Lahat ng kinain kanina ay isinuka niya lahat. Itinukod ang kanang kamay sa inidoro para makatayo ngunit hinang-hina siya kaya hindi niya nagawang makatayo. Dinukot niya ang selpon sa bulsa at idinayal ang numero ni Liam. “Hello, Jensen! Napatawag ka?” tanong ni Liam sa kabilang linya. “L-iam, w-here are you? P-untahan mo a-ko d-ito sa b-ahay. H-indi ako m-akatayo, p-agkatapos kong m-agsuka,” aniya na hirap huminga at nakapikit ang mga mata. “Hinatid ko si Renz sa bahay nila pero pauwi na din ako. Tawagin mo si Laveda, magpatulong ka sa kanya.” saad ni Liam sa kabilang linya. “Jensen, my friend! Lilipas din ‘yan! Ngayon pa lang masanay kana sa tuba,” singit ni Renz sa kabilang linya habang tumatawa ng malakas. Hindi maganda ang pakiramdam niya kaya hindi na siya sumagot kay Renz. “L-iam, u-malis na si L-aveda. P-lease come now,” sagot niya sa kaibigan. “Okay, sige.” wika ni Liam bago pinutol ang linya. ---------- Bawat damo na madadaanan ginagabot niya sa labis na pagkainis kay Jensen. Maya-maya pa narating na niya ang manokan at itikan. Kaagad niya kinuha ang pagkain ng itik at manok at nagsimula bigyan ng pagkain ang mga iyon. “Pakainin ko lang kayo araw-araw ang saya n’yo na. Buti pa kayo mabait sa ‘kin, samantalang ‘yong amo n’yo ang sama niya! Ang kapal ng mukha mag girlfriend pero hindi marunong humalik?” aniya na nakataas ang kilay habang isa-isang nilalagyan ng pagkain ang mga manok at itik. “Laveda, bakit ganyan ang mukha mo, hindi maipinta? Sa ginawa mong pakikipag-usap sa kanila mamaya sumagot ang mga ‘yan.” Napalingon siya sa boses ng itay niya mula sa likuran. “Itay, ikaw pala! Nakakainis kasi si Jensen ang sama ng ugali niya. Hanggang ngayon hindi nagbabago ang pakikitungo niya sa ‘kin,” nakanguso wika niya. Ngumiti ng bahagya ang kanyang itay habang pailing-iling na nakatingin sa kanya. “Laveda, anak. Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Sir Jensen?” tanong ng itay niya. Nag-init ang kanyang mukha sa tanong ng itay niya kaya agad siyang tumungo. “Itay, naman eh! Bakit mo naisip ang bagay na ‘yan?” aniya na nakatungo pa rin. “Bakit, mali ba ako ng iniisip? Alam mo, anak. Hindi ka naapektuhan ng ganyan kung wala kang gusto sa kanya,” Nakangiti hanggang tenga ang itay niya habang sinasabi iyon sa kanya. “Itay, wala po akong gusto sa kanya. Kung mayroon man siguro, paghanga lang. Langit siya lupa ako at saka hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan ni Jensen. Bukod pa dun may girlfriend na ito sa Korea,” mapait na wika niya. Sa sinabi niya na iyon biglang nawala ang ngiti sa mukha ng kanyang itay. Para bang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi sa kanya. “Anak, gumagabi na. Ang mabuti pa umuwi na tayo,” Matapos sabihin iyon ng itay niya humakbang na ito paalis kaya sumunod na rin siya dito. ( After a few minutes later ) “Mahal, nakaluto ka na ba ng hapunan? Nagugutom na kami ni Laveda,” ani ng kanyang itay sa pagdating nila sa bahay. “Oo naman, mahal. Mabuti at dumating na kayong mag-ama. Aba eh, paalis na sana ako para hanapin si Laveda.” ani ng inay niya na tumingin sa kanya. “Inay, bakit mo ako hahanapin? Alam mo naman na, pagpatak ng ala sais ng hapon nakatuka sa akin ang pagpapakain ng itik at manok,” aniya na yumakap sa inay niya. “Kaya nga, bakit may problema ba mahal?” pagtatakang tanong ng itay niya sa kanyang inay. “Tumawag ang iyong Kuya Liam. Pina-pupunta ka niya sa malaking bahay dahil masama daw ang pakiramdam ni Sir Jensen.” saad ng inay niya. Napapikit siya sa narinig mula sa inay niya. Sa sinabi ni Jensen sa kanya kanina ayaw muna niya itong makita. Muli na naman umakyat ang dugo niya sa ulo ng maalala ang nangyari kanina. “Inay, bakit ako!? Bakit hindi na lang si Kuya Liam ang pumunta doon,” nakasimangot na wika niya. Sa naging reaksyon niya nagkatinginan ang inay at itay niya. “Dapat ang Kuya Liam mo ang pupunta sa malaking bahay kaya lang naplatan siya ng gulong. Tumawag siya sa ‘kin at ikaw na lang ang pinapupunta niya,” sagot ng kanyang inay. Napabuga siya ng hangin at bahagyang napapikit ang mga mata. “Anak, humayo ka na, puntahan mo na si Sir Jensen. Kung ano man ang trato niya sa ‘yo palampasin mo na lang dahil amo na ‘tin siya.” wika ng itay niya na inakbayan at pinisil ang kanyang kanang pisngi. “Itay, pupunta na po ako kaya tigilan mo ng pisilin ang aking pisngi.” pabirong sabi niya. “Dalaga na ang bunso ko, ayaw ng magpalambing sa itay.” ani ng kanyang itay na niyakap siya ng mahigpit. “Sus, ngayon pa kayo naglambingan mag-ama eh may emergency si Sir Jensen.” singit ng inay niya sa kanila. Ngumiti lang sila ng itay niya sa kanyang inay at inihakbang na ang mga paa papunta sa bahay ng Pamilya Jin. “Dalaga na si Laveda at bukod dun napakaganda niya. Parang ikaw noong kabataan mo.” nakangiting sabi ni Vinusto kay Lourdes habang pinagmamasdan ang papalayong presensya ni Laveda. “Dalaga na si Laveda at nalalapit na rin lumabas ang katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nun kay Laveda at Liam.” wika ni Lourdes na may bahagyang luha sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD