Kinabig ni Vinusto si Lordes palapit sa sariling nitong katawan at niyakap ito ng mahigpit.
“Lourdes, mahal. Huwag mo ng isipin ang tungkol dun. Natitiyak kong maintindihan din ni Laveda at Liam. Kung bakit natin ginawa ang bagay na ‘yon. Ang mabuti pa kumain na tayo at ako’y nagugutom na.”
“Sana nga,” tipid na sagot ni Lourdes kay Vinusto at kumalas sa pagka-kayakap sa asawa.
“Patawarin mo ako. Kung sana lang marami akong pera hindi malalagay sa ganun sitwasyon ang mga anak natin. Ganitong buhay lang ang kaya kong ibigay sa inyo.” wika ni Vinusto habang tinutulungan ang asawa sa paghahain ng pagkain sa lamesa.
“Vinusto, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Dahil ginagawa mo naman ang lahat para sa amin ng mga anak mo. Hindi ka mayaman katulad ng dati kong kasintahan pero hindi ko pinagsisihan na ikaw ang naging ama ng mga ng anak ko. Binusog mo kami sa pagmamahal na kailanman hindi kayang bilhin ng ano man na yaman sa mundong ito.”
Matapos sabihin sabihin ni Lourdes kay Vinusto ang mga katagang iyon nginitian at nilapitan nito ang asawa para yakapin.
—--------
Pagdating niya sa bahay ng Pamilya Jin kaagad siya dumiretso sa silid ni Jensen. Pagpasok doon ay wala ito at ng marinig na nagduduwal sa direksyon ng banyo kaagad siya humakbang palapit doon. Nakita niya nakalupagi si Jensen habang patuloy na sumusuka sa inidoro. Napawi ang pagkainis ng makita na hang-hina iyon at halos nakapikit na ang mga mata.
“Diyos ko” Sir Jensen, ayos ka lang ba?!” nag-aalala wika niya hinimas ang likod nito.
“W-hat are you doing h-ere? Go a-way f-rom me! I don’t need you,” sagot ni Jensen na tinabig ang kamay niya.
Sa lakas ng pagkakatabig nito bahagya siya natumba. Mabuti na lang at nakahawak siya sa pintuan ng banyo.
“Sir, you're not okay! See, hindi mo nga kayang tumayo d’yan! Alam kong ayaw mo sa akin, pero sa oras na ‘to, wala kang ibang pagpipilian. Sa tingin mo ba gusto kitang puntahan dito ngayon!? Naplatan ng gulong si kuya Liam kaya ako ang pinapunta niya dito,” pagalit na sabi niya habang nakapamewang.
Hindi ito sumagot sa kanya at maya-maya pa tuluyan ng pumikit ang mga mata nito. Kaya’t nag-aalala siyang inalog-alog ang katawan ni Jensen.
“J-ensen, h-uwag mo akong takutin ng ganito! Hindi ka pa pwe’ding mamatay. Hindi ko pa nasabi sa ‘yo na crush kita simula pa nung 5 years-old ako.”
Sinasabi niya iyon kay Jensen habang hila-hila ang dalawang kamay nito mula sa banyo papunta sa ibaba ng kama. Bubuhatin na sana niya ito paakyat sa kama ng hawakan ng isang kamay nito ang kanyang kanang braso.
“Oh, my gosh! Pumikit lang ba siya?! Ibigsabihin narinig niya ang sinabi ko na, “Crush ko siya”. Bulong ng isip niya, habang kagat-kagat ang ibabang bahagi ng kanyang labi.
“A-no p-ang t-inatayo-t-ayo mo d’yan!? T-ulungan mo na a-kong m-akaayat sa k-ama ko,” anito na nahihirapan magsalita.
Napabuntong hininga siya dahil kahit sa ganitong kalagayan ang sama pa din ng trato nito sa kanya. Sana isang araw maging maayos ang pakikitungo ni Jensen sa kanya. Alam niyang imposible na mangyari ‘yon pero umaasa pa din siya na balang araw magiging mabuti ito sa kanya.
“Sir Jensen, please stop talking! Hirap ka na nga magsalita ang sama pa rin ng trato mo sa ‘kin. Pwede bang maging mabait ka, kahit ngayon lang?”
Wala itong imik sa sinabi niyang iyon nanatiling nakapikit ang mga mata ni Jensen hanggang sa maalalayan niya ito papunta sa kama.
“Maiwan na muna kita kukuha lang ako nang pwe’ding magpagaan sa pakiram mo,”
Sa pagkakataong yon hindi na siya umasa na sasagot pa sa kanya si Jensen. Kaagad na nagtungo sa kusina at pagdating doon kumuha siya ng isang kaserola at nilagyan niya ng isang litrong tubig at pagkatapos kumuha siya ng luya na kasing laki ng hinlalaki. Pinitpit niya iyon at inilagay sa kaserola na may laman na tubig at pagkatapos binuksan niya ang stove at isinalang ang kaserola. Nilagyan din niya ng dalawang kutsara ng asukal na pula at tinakpan iyon. Habang nag-aantay sa pagkulo ng luya kumuha siya ng maliit na planggana at nilagyan nang tubig mula sa gripo. Kinuha niya ang termo at bagagyang nilagyan ang palanggana nang mainit na tubig. Kumuha siya ng puting bimpo at pagkatapos dinala niya sa silid ni Jensen at marahan na inilapag sa lamesang malapit sa kama na kinahihiligan nito. Inumpisahan niyang punasan ng bahagya ang mukha ni Jensen habang nakapikit ito.
“L-aveda~L-aveda~L-aveda,” Lumulundag ang puso niya sa tuwing sasambitin ni Jensen ang kanyang pangalan.
Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya kaya’t naramdaman niya ang mainit nitong palad.
“S-ir J-ensen, b-akit?” nauutal na tanong niya habang patuloy na pinupunasan ang mukha nito ng bimpo.
Hindi sumagot si Jensen pero hawak pa din nito ang kaliwang kamay niya. Matapos mapunasan ang mukha nito marahan niyang binawi ang kamay dito para bumalik sa kusina. Pagdating doon kumukulo na ang salabat kaya pinatay niya ang apoy at nagsalin sa tasa. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa silid pagdating doon marahan na inilapag ang isang tasa ng salabat.
“Sir Jensen, wake up! Kailangan inumin mo ito. Makakatulong upang bumuti sa iyong pakiramdam,” aniya at bahagyang hinaplos ang mukha ng binata.
Ginger Tea Facts;
Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakakabawas ng paninigas at sakit ng 40%. Ang salabat ay maganda rin para sa pagduduwal, mabilis na pagpapagaling at pag-aalaga sa boses.
Kahit nakapikit ang mga mata nararamdaman niya ang bawat kilos ni Laveda. Nahihilo nanghihina at ang tiyan niya ay masakit kaya wala siyang pagpipilian kundi magpaalaga sa dalaga. Iminulat ng bahagya ang dalawang mata at doon niya nasilayan
ang napakagandang mukha ni Laveda. Ang inosenteng ngiti nito ang bahayang nagpaliwanag sa noo’y nanlalabo niyang paningin. Inalalayan siya nito na makaupo at nilagyan ang likod niya ng dalawang unan para doon siya sumandal.
“Kaya mo ba uminom mag-isa? Kung hindi mo kayang humawak ng tasa ako na lang ang hahawak.” aniya na bahagyang nginitian ang binata.
Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang tasa na may lamang salabat. Inilapit niya sa bibig nito na putlang-putla ang labi ng tasa upang makainom iyon. Paisa-isa itong lumagok hanggang sa maubos ang laman ng tasa. Pagkatapos inalalayan niya ito na humiga sa kama. Hahakbang na sana siya paalis sa silid nang hawakan nito ang kanang kamay niya.
“L-aveda, p-lease s-tay w-ith me t-onight,” anito na nahihirapan magsalita.
Hindi siya makagalaw sa pag kakatayo dahil hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Habang ang dibdib niya ay sunod-sunod na kumakabog. Ito ang unang pagkakataon na makakatabi si Jensen sa iisang kama kaya ganun na lang ang pag-iingay ng dibdib. Natatakot na tumabi kay Jensen baka atakihin siya sa puso ng wala sa oras.
“S-ir Jensen, hindi kita iiwan ngayong gabi pero doon na lang po ako sa sofa matutulog,” aniya habang bahagyang nakapikit ang mga mata.
“I want you to sleep beside me. P~lease,” he said to me sweetly.
“P-ero, sir,”
She was interrupted because he pulled her hand towards the bed.
“If you don't understand the English language! Tagalogin ko. Ang sabi ko, matulog ka sa tabi ko.” wika nito na hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay niya.
Pigil ang hininga dahil magkadikit ang braso nila ni Jensen at hawak pa din nito ang kanang kamay niya. Gusto niya tumayo at kumaripas pauwi sa bahay nila ngunit hindi niya magawa. Bukod sa amo niya si Jensen parang sa isang banda ng kanyang puso ay gusto niya itong makasama. Hindi siya makapaniwala na nasa ganito sila senaryo at para bang ang pagsama ng pakiramdam nito ang naging dahilan upang gustuhin nito na makatabi siya sa iisang kama.
“Tuba lang naman ang ininom ng lokong ‘to pero ginusto niya akong makatabi sa pagtulog with holding hands pa? Lord, bumabawi ka ba sa hindi pag pansin ni Jensen sa ‘kin noon?” pabulong na tanong ng isipan niya habang nakangiti.
Naputol ang mga na sa isipan ng marinig ang hilik ni Jensen. Bahagyang ibinaling ang tingin sa binata na mahimbing na natutulog. “Bakit ang gwapo mo pa rin kahit naghihilik ka?” mahinang bulong niya habang unti-unting ipinipikit ang mga mata.
------
Mag alas nuebe na ng gabi dumating si Liam kaya’t nag-alalang sinalubong ito ng mag-asawang Vinusto at Lourdes.
“Anak, Liam! Ginabi ka na ng uwi!?” nag-aala wika ni Lourdes na niyakap ang anak.
“Nag-alala kami sa ‘yo lalo na itong inay mo. Aba eh, halos ma praning kakaisip dahil kahit ang selpon mo hindi makontak.” wika ni Vinusto sa anak.
“Inay, itay, pasensya na po kung nag-alala kayo sa ‘kin. Matindi ang tama ng gulong ng sasakyan kaya medyo natagalan ako sa vulcanizing shop. Lowbat na rin ang selpon ko kaya hindi n’yo ako makontak.” sagot ni Liam sa mga magulang na nagmano sa mga ito.
“Gano’n ba. Alam kong nagugutom ka na kaya mabuti pa kumain ka na,” wika ni Lourdes na ipinaghain ng hapunan ang anak.
“Inay, hindi pa rin ba nakakauwi si bunso?” tanong ni Liam habang nag-uumpisa ng kumain.
“Hindi pa. Simula ng umalis si Laveda kanina ay hindi pa ito nauwi.” sagot ni Lourdes.
“Liam, kumain ka na d’yan. Huwag ka ng mag-alala sa kapatid mo baka sobrang sama ng pakiramdam ni Sir Jensen kaya hindi ito maiwan ni Laveda,” saad ni Vinusto.
“Paano kasi itong gago na si Renz, nilagyan ng nilagyan ang baso ni Jensen ng tuba kaya ayun sa malamang parang hinahalukay ang tiyan nito ngayon.” Pailing-iling si Liam habang sinasabi iyon.
“Pasasaan ba at masasanay din ang tiyan ni Sir Jensen sa tuba.” nakangisi sabi ni Vinusto.
Matapos sabihin ni Vinusto yon natawa na lang si Liam sa ama habang patuloy ito sa pagsubo ng pagkain.
( The Day After )
May bahagyang humaplos sa kanyang makinis na pisngi kaya’t bahagya niya iminulat ang mga mata.
“J-ensen,” sambit niya na halos pabulong.
“Laveda, I just want to say thank you for taking care of me last night,” Nakangiti ito sa kanya habang sinasabi iyon, kaya halos gusto n’yang magtatalon sa tuwa.