Sasagot na sana siya kay Jensen ng biglang umibabaw sa kanya ang binata dahilan para lalong mag-sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya. “S-ir J-ensen, ‘huwag po!” sigaw niya habang bahagyang nakapikit ang mga mata. “Gusto kong maging mabait sa ‘yo! Kasama sa kabaitan na iyon ay ang pagbibigay ng reward.” nakangiti ito at punong-puno nang pagnanasa ang mga tingin nito sa kanya. Sa sinabi na iyon ni Jensen alam niya kung ano ang gusto nitong mangyari kaya kailangan niya itong tapatin. “S-ir J-ensen, h-indi ako pwede! Wala pa sa isipan ko ang gusto mong mangyari,” aniya na sobrang takot na takot. Parang wala itong narinig dahil unti-unting inilalapit ni Jensen ang sariling labi sa labi niya. “S-ir, ‘huwag po! Huwag!...” sigaw niya na halos lumabas ang ngalangala. “Laveda!..” Isang

