Chapter 23: Dearly Love‼️

2090 Words

Hindi siya makasagot kay Jensen dahil hindi niya alam kung seryoso ba ito sa itinatanong sa kanya. "J-ensen!" sambit ni Laveda sa pangalan ng binata habang nakatingin sa mga mata nito. "Hindi ka makasagot, noh? Dahil hindi ako kasama sa mga pangarap mo. Mabuti pa si Gerald, kasama mo sa mga pangarap mo. Hindi kasi nalalayo ang pangarap mo sa kanya. Piloto siya at ikaw ay nangangarap na maging isang flight attendant." wika ni Jensen, na muling humihit nang sigarilyo at ibinuga ang usok. "Huwag mo nang isama si Gerald sa usapin na ito, pakiusap! Bakit kita isasama sa pangarap ko? May relasyon ba tayo? Ni hindi ko nga alam, kung ano ba talaga ako sa 'yo at ano ba talaga tayo?" Sa sinabi ni Laveda para bang inipit ang puso niya at bahagyang piniga dahil ang sakit ay kumakalat sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD