Naghiyawan ang mga katutubo habang nakatingala sa langit para bang isang milagro iyon sa mga ito na kulang na lang ay lumuhod ang mga iyon sa buwan at bituin. Sina Jensen at Laveda naman ay hindi na nakagalaw sa pagkakatayo dahil sa bilis nang pangyayari. "Kasalanan mo ang lahat ng ito. Ipapakasal nila ako sa 'yo ng wala sa oras. Bakit ka pa kasi lumapit sa 'kin?" nanggigil na sabi ni Laveda kay Jensen. Ngumisi si Jensen at bahagyang kinabig ang dalaga paharap sa mukha nito. "Okay nga 'yon, para makapag honeymoon na tayong dalawa." Sa sinabi ni Jensen nadagdagan ang inis ng dalaga dahil tila tuwang tuwa pa ang binata sa nangyayari. "Honeymoon mo mukha mo! Siguro plinano mo ito, noh!? Ito ba ang parusa na sinasabi mo sa akin?" bulong ni Laveda na nanggagalaiti kay Jensen. Hindi n

