CHAPTER 4
Ace's POV
Kringg* kringgggg*
Binato ko yung alarm clock ko kung saan tsaka umupo habang ginugulo ang buhok ko. The hell! Bakit ba lagi nalang nasisira ang tulog ko ng alarm clock ni shin! Damn!
"Ace gumising ka na!" sigaw ni shin sa labas ng kwarto ko
"Isang oras nalang shin. Isang oras pa." inaantok sabi ko
"Male-late na kami, bahala ka na mag sara ng mga pinto! Una na kami." sabi ni shin pagkatapos ay nakarinig ako ng yabag papalayo and i guess umalis na sya kaya naman natulog pa ako
/ 20 minutes later /
Nagising na naman ako dahil sa tunog ng alarm clock. Ibabato ko na sana kaso napansin kong cellphone ko pala yun at hindi alarm clock. Tsk, akala ko nag lagay na naman si shin eh
"Bakit?!" bulyaw ko sa kung sino man ang tumawag
"May balak ka pa bang pumasok?!" bulyaw rin sa akin ni shin
"Ang aga pa!" inis na sabi ko
"Maaga pa para sa second subject." sarcastic na sabi nya
"Exactly."
"Gumisig ka na!" sigaw nya bago ko marinig na ibinaba nya na ang linya
"Ang aga aga pa eh!" inis na sabi ko at pinagsisipa ang unan at kumot ko
At dahil nagising na ako hindi na ako natulog ulit. Pumasok na ako ng CR at naligo pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako para kumain. Hindi narin naman ako nagmadali dahil kahit magmadali pa ako ay late parin naman ako
Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot papuntang school
Pagdating ko sa school ay pachill chill lang akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Pag pasok ko wala pa si ma'am. Buti nalang late sya
Umupo ako sa upuan ko at dumukdok sa lamesa ko tsaka natulog ulit. Sa kalagitnanan ng tulog ko someone disturb me
"Miss Kim!" sigaw ni ma'am kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya
"What?" irita kong tanong
"Miss Kim I'm your teacher so you must respect me." nanlalaki ang butas nito sa ilong dahil sa galit
"What do you want?" poker face na tanong ko
"Answer my question! Why are you sleeping in my class?" galit na tanong nya sakin
"Cause I'm sleepy." tamad na sagot ko. Parang mas lalo naman itong nagalit dahil sa sagot ko
"Go to detention with your friends!" sigaw ni ma'am kaya naman napa tingin ako sa mga kaibigan ko na may iba't ibang ginagawa
Si Shin ay naka earphone habang nakadukdok rin, si blare ay nag cecellphone, si macey ay nag cecellphone rin at si nicole ay kumakain
"Go now!" malakas na sigaw ni ma'am kaya napa ayos ng upo ang apat na bruha
"Anong meron?" bulong na tanong ni macey
"Detention daw." sagot sa kanya ni nicole
"Sino?"
"Tayo, nakikinig ka ba." masungit na sabi ni nicole sa kanya
Umalis kami ng room at pumunta sa detention. Pag pasok namin sa loob nag kanya kanya na ulit kami.
*********************
Ice's POV
"So sila pala yung bago." sabi ng maingay na si aki. Pag pasok palang namin sa gate ng university naririnig na namin ang usapan tungkol sa limang babaeng bago
"May bago na akong pagkaka-abalahan." nakangising sabi ni charles
"Maglalaro ka na naman charles." naiiling na sabi ni nate
"Goodluck. Mukang mahihirapan ka sa mga yun." naka smirk na sabi ni sky
"Ako mahihirapan? Kailan pa? Baka wala pang isang linggo girlfriend ko na ang dalawa sa kanila." napa iling nalang sila sa sinabi ni charles. Ang pinaka babaero saming lima. Ikamamatay nya kapag hindi sya nakapambabae. Hindi narin namin mabilang kung ilang beses na syang nasampal dahil sa pagiging playboy nya eh
"Tatawanan kita kapag ni isa sa kanila hindi mo makuha." sabi naman ni nate. Ang pinaka mabait saming lima. Mabait sya sa lahat ng babae kaya ang tawag sa kanya ay paasa. Pero kahit mabait yan, sumasama yan sa kalokohan ni aki at charles
"Ipupusta ko ang bagong kotse ko. Walang makukuha si charles sa lima." sabi naman ni aki. Ang pinaka maloko sa aming lima. Basta kalokohan sya ang pasimuno. Babaero din sya katulad ni charles pero hindi sobra, sakto lang kumbaga
"Tama na nga yan." awat sa kanila ni sky. Ang referee kapag nagkakainitan na ang tatlo. Tahimik lang din sya at mas gusto nya pang obserbahan ang nasa paligid nya
"Ikaw ice, sa tingin mo ba may makukuha sya sa lima?" tanong sa akin ni aki
"Wala." sagot ko at ngumisi sa kanila. Natawa naman ang tatlo sa sagot samantalang sumimangot si charles
Ako ang pinaka tahimik saming lima. Tipid lang ako sumagot at hindi pala salita dahil katulad ni sky, mas gusto kong inoobserbahan lang ang paligid
-----
Habang naglalakad kami sa hallway nakita ko ang limang babaeng nadetention na kasalubong namin. Nag uusap silang lima kaya hindi nila napansin na magkakasalubong ang grupo namin
Hindi ako umiwas kaya nakabangga ko ang babaeng nasa dulo. Napa atras sya kaya napahinto ang mga kasama ko maging ang mga kasama nya
"Damn, hindi marunong tumingin sa dinadaanan." narinig kong bulong nya. Tsk, ako pa ang hindi marunong tumingin?
"Baka ikaw." nag angat sya ng tingin sa akin kaya nakita ko na ang muka nya. What the? Sya yung babae sa namsan tower!
"Ikaw na naman." yamot na sabi nya
"Small world." nakangising sabi ko sakanya
"Kaya naman pala. Hindi ka nga pala marunong tumingin sa dinadaanan mo." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Nang aasar ba sya?
"Hindi ko kasalanang nag ku-kwentuhan kayo ng mga kaibigan mo kaya hindi ka gumilid."
"Nakita mo naman pala edi dapat ikaw na ang gumilid." inikutan nya pa ako ng mata. Ibinaba ko ang ulo ko para magkapantay ang ulo namin bago mag salita
"Ayokong may humaharang sa daan ko kaya kung gusto mong mabuhay ng tahimik dito sa university, wag ka ng haharang sa daan ko." nakipag titigan pa ako sa kanya ng ilang segundo bago tumayo ng maayos at namulsa
"Pasalamat ka babae ka." lalampasan ko na sana sya kaso hinawakan nya ang braso ko at ibinalik ako sa pwesto ko kanina. What the? Bakit ang lakas nya?
"Tingin mo matatakot ako sa sinabi mo? Sa susunod na banggain mo pa ako hindi ako mag dadalawang isip na lagyan ng pasa yang muka mo." pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya kasama ang mga kaibigan nya. Sinanggi nya pa talaga ako habang papaalis sila
"Pre sino yun?" tanong ni aki
"Kilala mo pala ang isa sa kanila ah." sabi ni nate
"Ang laki ng galit sayo pre. Siguro ex fling mo yun no?" napatingin ako kay charles at sinamaan sya ng tingin
"Gago! Hindi ako katulad mo." nauna na akong maglakad sa kanila
"Wait lang naman. Sino yung mga yun, bakit kilala mo yung isa sa kanila?" tanong ni nate na humahabol sa akin
"Nabangga ko sa namsan tower." walang ganang sagot ko
"Sya ba yun?" tanong ni sky na humahabol rin sakin. Tumango lang ako sa kanya habang naglalakad
*****************
ACE'S POV
"Kilala mo yun?" tanong sakin ni macey habang naglalakad kami
"No." tamad na sagot ko sa kanya
"Eh bakit parang mag kakilala kayo?" tanong naman ni nicole
"He looks familiar." sabi naman ni shin
"Sya yung nasa namsan tower." sabi ko kaya napa-ahh sya. Yung tatlo naman naguluhan
"Ha? Anong meron sa namsan tower?" tanong ni blare
"Nakabanggaan ko rin sya sa namsan tower." walang ganang sagot ko
"Meant to be." sabay na sabi nila nicole at macey
"No." mabilis na angal ko sa sinabi nya. What the fvck?! Meant to be?!