Tambayan

1217 Words
CHAPTER 3  MACEY'S POV Monday morning ** Morning universe! Bagong umaga, bagong kalokohan na naman hahahaha. May pasok so it means makakapang trip ako----- "Macey, walang mantitrip ngayon okay?" napatingin ako kay shin na bigla nalang pumasok ng kwarto ko. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya "What?" nanlulumong tanong ko. Iniisip ko palang bawal na agad? "First day palang macey. First day! Tama na muna ang mga trip mo na yan kung ayaw mong masermonan ni tita." nakanguso akong tumango sa sinabi nya. Umalis narin sya sa pinto ng kwarto ko pagkatango ko Why?! Bakit ang lupit ng mundo sakin?! Ginawa ko na ang morning ritual ko at bumaba na sa dining area. Nandito palang sa hagdan amoy ko na ang mabangong almusal. Grabe nagagaya na ako kay nicole na matakaw "Goodmorning Nicole! Shin! Blare!" malakas na bati ko sa tatlong bruhang nasa dining area na "s**t, yung eardrums ko." sabi ni nicole at tinakpan ang tenga nya "Nabingi na ata ako." sabi naman ni shin "Mapaos ka sana." inis na sabi ni blare. Ang sasama nila diba? Parang binabati lang eh "Ano bang problema nyo sa boses ko." nakangusong sabi ko sa kanila "Yuck." nandidiring sabi ni nicole "Gago wag kang ngumunguso nakakasuka." nandidiri ding sabi ni blare "Ang lakas kasi ng boses mo." si shin lang ang hindi pumansin sa pag nguso ko "Parang di naman kayo sanay." naupo narin ako katulad nila "Don't tell me tulog pa si ace." sabi ni nicole with nanlalaking mata. Muka syang kwago hahahahaha! "Gising na ako. Thanks to shin's alarm clock." narinig namin ang cold na boses ni ace kaya lumingon kami dito. Nandito na pala sya? "Welcome." matamis pang ngumiti si shin sa kanya kaya umasim ang muka nya Kumain nalang kami at ng matapos ay nag aya ng pumasok si ace "Come on ayokong malate." Nagpaunahan kaming sumakay sa sasakyan at ang driver namin ay si shin. As always  ************************ NICOLE'S POV Pagdating namin sa parking lot ng Kim International University lahat ng mata ay nasa sasakyan namin. Syempre maganda ang sasakyan namin pati ang mga nasa loob maganda hahahaha Pagkababa naming lima ay nag simula na ang bulungan nila. Walang kamatayang tsismis "Grabe pre ang ganda nung nasa gitna." "Mga chicks pre." "Totoo ba ang nakikita ko?" "Sila ata yung bago." "Hindi naman maganda." "Sino kaya sila? mukang mataray halata namang retokada." tumawa pa ang dalawang chismosa dahil sa sinabi nila. Bakit kaya ang daming chismosa sa school? Lalapit na sana si Blare sa kanila kaso pinigilan sya ni Shin "First day palang, wag muna tayong gumawa ng eksena." bulong ni Shin sa kanya pero dahil malapit lang kami narinig namin "Fine." binitawan na ni shin si blare at naglakad na ulit kami Dahil alam naman na namin ang schedule namin sa room na agad kami dumiretso. Hindi narin kami naligaw dahil kabisado na ni ace ang buong university. Sila kasi ang may ari nito  *******************  ACE'S POV Pag pasok namin ng classroom umugong na naman ang bulungan "Bakit ba hindi nalang nila itahimik ang mga bibig nila." sabi ni shin na katabi ko. I just shrugged my shoulders and starts walking. Sa dulo kami naupong lima dahil ang pwestong yun nalang ang vacant "Inaantok pa ako." sabi ni macey at  naghikab "Edi matulog ka that's not a problem macey." mataray na sabi ni Nicole. Nagsisimula na naman syang mag taray "Pano kapag duma--" hindi na nya natapos ang sasabihin ng dumating na si ma'am "Good morning class." nakangiting bati ni ma'am sa amin "Good morning ma'am." bati ng mga ka-klase namin. Hindi naman kami tumayo at nanatiling nakaupo lang, hindi nya rin naman napansin yun "Okay, nasan na ang limang bagong students?" tanong samin ni ma'am kaya tinaas namin ang kamay namin "Magpakilala na kayo dito sa harap." napasimangot ako sa sinabi nya. The fvck? Magpakilala? Nakakatamad talaga ang mga ganitong kaartehan eh "Hello everyone, my name is Macey Ann Montejo." nakangiting sabi ni macey "Ang ganda nya." "Mukang mabait." "Makipag kaibigan kaya ako sakanya mamaya?" "s**t, ang ganda." Kita kong mas lumawak ang ngiti ni macey dahil sa mga narinig nya. Lumaki na naman ang ulo ng bruha  "Kylie Nicole Ramos." Nicole said. Kumaway pa sya sa mga ka-klase namin "Mukang mataray." "Ang ganda." "Gusto ko to, palaban." "Mukang hindi easy to get." Ngumisi si nicole sa mga kaklase namin. Isa pa to, lumaki na naman ang ulo "Princess Blare Reyes." maangas na sabi ni blare at bahagyang ngumiti sa kanila. Ngiti nga ba o ngisi? "Mas palaban to." "Boyish, ganyan ang gusto ko." "s**t, bakit ang gaganda nila?" "Miss pahingi naman ng number mo!" Natawa si blare sa sumigaw na nanghihingi ng number nya "Baka mawalan ako ng number kapag binigay ko sayo." natawa ang lahat sa banat nya. Samantalang napangisi naman ako. Damn, muntik na akong matawa dun "Shin Mae Park." bahagya lang na ngumiti sa kanila si shin "Woah, nabuhay ba ulit si Maria Clara?" "Ang ganda nya." "Ang inosente ng muka nya." "Mukang mabait." "Siguro naman hindi ito tulad ng kaibigan nyang namimilosopo?" "Alexandra Ace Kim." cold na sabi ko "May dumaang freezer." "Hindi na pala kailangan ng aircon kapag sya na ang nag salita." "Bakit parang si ice sya?" "Oo nga no, parehas sila." Ice? Sinong ice ang sinasabi ng mga babaeng to? Gusto ko sanang mag tanong pero hindi ko nalang ginawa. Hindi ako chismosa "Okay you may take your seat." sabi ni ma'am kaya naman bumalik na kami sa upuan namin at syempre umupo na kami alangan naman na tumayo lang kami dito Habang nag di-discuss si ma'am ay may kanya kanya naman kaming ginagawa. Macey is sleeping, si Nicole hawak ang cellphone, si blare naka headset, si shin nag babasa at ako naman ay heto, nakatingin lang sa labas. Nagkabaliktad pa kami ni macey Dumaan pa ang ilang subject bago mag break "Class dismiss!" anunsyo ni ma'am kaya nagising bigla si macey, sa lakas ba naman ng boses ni ma'am hindi ka magigising? Pwera nalang sakin dahil tulog mantika daw ako "Come on I'm hungry na." sabi ni macey at naghikab "Tara, gutom narin ako eh." umuna ng maglakad si shin kaya sumunod na kami Pagdating namin ng cafeteria ay kami na naman ang usapan nila. Seriously? Wala ba silang sariling buhay at kami ang pinag uusapan nila? Mabilis kaming bumili ng pagkain at nag hanap ng upuan pero wala, puno na "Saan tayo nito kakain?" nakangusong sabi ni macey "Kingina naman macey, sabing wag kang ngunguso eh." nandidiring sabi ni blare "Sa tambayan ko." napatingin silang apat sakin "Tambayan mo? Saan yun?" hindi ko na sinagot ang tanong ni nicole at nag lakad na palabas ng cafeteria Hindi naman malayo dito ang tambayan ko dahil may shortcut akong dinadaanan. Nasa likod ito ng school kaya walang student dito "Ang ganda naman dito." amaze na sabi ni macey habang nakatingin sa fountain na nasa gitna ng garden. Dalawa kasi ang garden ng university namin. Yung isa nandun sa harapan at ang isa ay nandito sa likod. Sinabi ko talaga kila mom and dad na pagawaan ng garden na may fountain ang  likod ng school "Tara sa kubo." sabi ko at nauna na ulit mag lakad. Hindi lang fountain ang meron dito, may kubo rin na nakatago dahil para samin lang yun "Cool." sabi ni blare ng makapasok na kami sa kubo. Well, para syang maliit na bahay. May kusina, banyo, sofa, dining area at kwarto ang kubong ito "Ang cute naman dito." sabi ni macey habang inililibot ang tingin nya sa paligid "Pwede bang dito nalang ako tumira." sabi rin ni Nicole na nakatingin sa mga maliliit na halamang nandito sa loob "Pwede naman." naupo na ako sa dinning area at ibinaba ang pagkain ko tsaka nag simulang kumain "Tambayan mo to ace diba?" tanong ni shin na nasa harapan ko narin at kumakain "Tambayan natin." sabi ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD