CHAPTER 8
Ace's POV
Habang buhay na ata akong magigising dahil sa alarm clock ni shin. Pang ilang alarm clock ko na ba to? 100? 200? O baka naman nakaka limang daang alarm clock na ang nasira ko?
"Good morning ace! Bumangon ka na dyan, okay?" pagkatapos sabihin ni shin yun ay umalis narin sya
Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba sa dining area. Nandun na silang lahat at kumakai na kaya naupo narin ako para kumain
"Tingin nyo dapat mag handa tayo?" saglit kaming napatigil sa pagkain ng mag salita si shin
"Mag handa saan?" tanong ni blare tsaka nagpatuloy sa pagkain
"Gaganti yung mga yun syempre."
"At kapag gumanti sila......" binitin pa ni nicole ang sasabihin nya
"Ano?" sabay na tanong ni macey at blare sa kanya
"Wala ng peace, peace." lumiwanag ang muka ni blare sa sinabi ni nicole
"Ayun!" nakangiti itong kumain pero nawala rin ang ngiti nya ng mag salita si shin
"Pero hindi ibig sabihin nun makikipag away ka ng walang tigil."
"Oo na po, alam ko na. Bawal makipag away nanay." umamba si shin na babatuhin sya ng kutsara dahil sa sinabi nito
"Kapag may ginawa sila edi patulugin nyo." natuwa ang tatlo sa sinabi ko samantalang napa iling nalang si shin. Hindi naman kasi porket gangster kami, gusto na naming palaging nakikipag away. Sa underworld lang kami ganun. Kahit si blare, ganyan lang yan mag salita pero napapagod din makipag away yan
"Patutulugin ko talaga si aki. Ang manyak na yun." nanggagalaiting sabi ni macey. Kilala na namin ang limang 'king' daw ng KIU
Si Mark Aki Sanchez, ang lalaking sinapak at sinampal ni macey dahil sinilipin at ininsulto sya. Ang pamilya nila ay isa sa mga pinakamayayaman na pamilya sa buong mundo
"Patutulugin ko din si charles. Yung tulog na pang habang buhay para wala na syang mapaiyak na babae." nanggagalaiting sabi rin ni blare
Si Prince Charles Maniquiz, ang lalaking sinapak ni blare dahil sa kalandian nito. Sa lahat ba naman kasi ng hihingan nya ng number, si blare pa. Kaunti lang ang pasensya ni blare sa mga ganung klase ng tao. Mayaman rin ang pamilya nila
"Isasampal ko sa muka ni nate ang maraming cellphone." sabi naman ni nicole
Krist Nate Madrigal, ang lalaking humingi ng cellphone kay nicole. Mayaman rin ang pamilya nila kaya nakakapagtakang humingi sya ng pambayad para sa cellphone nyang nasira
"Ihahampas ko sa pinto ang ulo ni sky para magtanda." sabi naman ni shin na mahigpit ang kapit sa kutsara at tinidor nya
Sky Jin Seok, ang lalaking nag sabi na lampa si shin. Mayaman rin ang pamilya nila
"Ikaw anong gagawin mo?" ngumisi ako sa tanong nila sakin
"Ibabalibag ko ng paulit ulit si ice para malaman nyang hindi dapat kinakaya kaya lang." napangiti sila sa sagot ko at kuminang ang mata nila
Alexander Ice Rivera, ang lalaking ilang beses akong binabangga. Mayaman at well, gwapo silang lima kaya siguro 'hari' ang turing sa kanila. Pero hindi natatakot sa kanila
Lahat ng mata ay nasa amin habang naglalakad kami sa hallway. Lahat ng babae ay masama ang tingin sa amin, yung iba naman ay iniirapan pa kami. Ang sarap lang dukutin ang mata nila
"Ang kapal ng muka"
"Patay sila ngayon"
"Nasaan daw sila jade?"
"Hindi ata papasok."
"Sino ba namang papasok pagkatapos silang patulugin diba?"
"Mga papansin."
"Sugudin narin kaya natin."
"Ayoko nga! Ikaw nalang. Ayokong magaya kila jade."
Pigil ang tawa nila blare, macey at nicole sa narinig namin. Dapat lang silang matakot sa kaya naming gawin sa kanila
Kilala narin namin ang limang babaeng pinatulog nila kahapon. Si
Jade Alvarez, ang number one fan daw ni Ice. Si Lery Wilson, ang babaeng patay na patay kay nate. Si
Jessa Vasque, ang babaeng may gusto kay aki. Si Suzy Wilson, ang babaeng gustong mapangasawa si sky at si
Cathy Suarez, dating fling ni charles. Limang tangang babae, nakakaawa sila.
Hoy kayo!" napatigil kami sa paglalakad ng humarang sa harapan namin ang limang babae. Isa sa kanila ay mataba at sya ang nasa gitna
Hoy karin!" sigaw sa kanya ni macey
Aba't! Bago lang kayo dito kaya wag kayong umasta na parang reyna!" sigaw sa amin ng matabang babae. Tinuro nya pa kami isa isa habang nagsasalita
Hoy taba! Kung ayaw mong magaya sa limang babae kahapon......" binitin nya pa ang sasabihin nya at bahagyang lumapit sa matabang babae "umalis ka na." maangas na sabi ni blare
Pinatunog ng tatlo ang mga kamao nila na parang naghahanda sa isang laban
U-umalis na t-tayo." nauutal na sabi ng babaeng payat
May araw rin kayo samin." umalis na silang lima kaya pinagpatuloy na namin ang paglalakad
Ang lakas ng loob na harangin tayo takot naman pala." natatawang sabi ni blare
Gawin kong tocino yung matabang yun eh." natawa si nicole dahil sa sinabi ni macey
Malapit na kami sa room ng tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang cellphone ko at isang message ang bumungad sa akin. Message mula sa underground arena, kanino galing to?
Pumunta kayo dito mamaya 7:00 sharp
Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko pagkatapos basahin ang message. Mamaya ko nalang pro-problemahin ang tungkol dun.
*****************
Nicole's POV
At last ay nakarating narin kami sa room. Pag bukas namin sa pinto ng room ay bumuhos sa amin ang kulay pink na pintura. Kumuyom ang kamao ko dahil sa tawa ng mga kaklase namin
"Wahahahaha." ang sarap putulin ng dila nila
Sabay sabay kaming apat na tumingin kay ace, nararamdaman na kasi namin ang nakakatakot na presensya nito. Walang reaksyon si ace ng tingnan namin at bigla nalang syang umalis kaya sumunod nalang kami sa kanya
Pagdating namin sa cr sinipa ni ace ang pinto. Kawawa naman ang pinto, napagbuntunan ng galit
Ganito pala ang gusto nila. Mga isip bata." gigil na sabi blare habang hinuhugasan ang kamay at braso nyang may paint
Laruin nalang natin ang gusto nilang laro." makahulugang sabi ni macey. Magtatanong palang sana ako kung anong ibig nyang sabihin pero may narinig kaming yabag na papunta dito sa cr kaya nagtago kami sa isang cubicle. Buti nalang at medyo malaki ang cubicle dito kaya kasya kaming lima
"Hahaha ang galing ng 5 Kings."
"Oo nga, sila ang nag set up dun sa paint right?"
"Oo ahahhaha buti nga sa kanila"
"Nagtext na sakin si chib tara na daw"
Nang masigurado namin na wala ng tao ay lumabas na kami sa cubicle kung saan kami nagtago
"Alam na natin kung kanino tayo gaganti." nakangising sabi ni macey
"Anong naiisip mo?" tanong ko sa kanya
"Well, kung gusto nila ng ganitong laro edi pagbigyan natin. Buhusan rin natin ng kung ano ano."
"Ang boring naman nun." tamad na sabi ni blare
"Syempre hindi lang yun."
"Ano pa?" tanong ni shin
"Basta, akong bahala." kumindat pa sa amin si macey
"Wala pa tayong isang linggo dito may kaaway na agad tayo." naiiling na sabi ni shin
"Ganun talaga kapag maganda." mayabang na sabi ni macey
Hindi na ako nakinig sa usapan nila at tinanggal nalang ang paint ko sa katawan. Gulo pala ang hanap ng limang lalaking yun eh.