CHAPTER 7
ICE'S POV
"Fvck!" inis kong sinipa ang upuan na nasa harapan ko. Pagkatapos ng nangyari kanina sa tambayan ako dumiretso. Tambayan naming lima tuwing ayaw naming pumasok. Ang tambayan namin ay nasa pikurang bahagi ng university, matagal ng hindi ginagamit ang kwartong to kaya ginawa nalang naming tambayan
"s**t!" nakita ko si sky na nasa pinto at hawak hawak ang labi nyang.... putok? What the?! Anong nangyari sa isang to?
Magtatanong palang sana ako ng dumating si aki na naka hawak rin sa labi nya. Anong nangyari sa dalawang to?
Bubuka palang sana ang bibig ko ng magkasunod na dumating si charles at nate na mga putok rin ang labi. What the heck? Anong nangyari sa apat na to?
"Anong nangyari sa inyo?" nakakunot na noong tanong ko
"Nasapak." yamot na sabi nilang apat
"Ikaw, anong nangyari dyan sa nguso mo?" tanong ni sky. Umasim ang muka ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Ang lakas nyang sumuntok tangina!
"Nasapak." yamot rin na sagot ko
"Sinong sumuntok sa inyo?" tanong ni nate
"Babae, yung kaibigan ng nakabangga ni ice kanina." sagot ni aki
"Same." sabi ni charles na nakatulala
"Ako din." sabi ni sky
"Yung nakabangga ko ang sumuntok sakin." inis na sabi ko
"Pare-parehas pala tayo. Paano kayo nasuntok?" tanong ulit ni nate. Tsk, bakit nya ba tinatanong
Nag kwento ang apat kung paano sila nasuntok kaya nag kwento narin ako. Kukulitin lang nila ako ng kukulitin kapag hindi ko sinabi
"Napagkamalan akong manyak." mangiyak ngiyak na sabi ni aki
"Hindi tinablan ng charms ko." nanghihinayang na sabi ni charles
"Nabasag pa ang cellphone ko." sabi naman ni nate. Umismid lang ako sa kanilang tatlong parang mga nalugi ang hitsura
"Balikan kaya natin ang grupo nila." napatingin kami kay aki dahil sa sinabi nya
"Hindi tayo nananakit ng babae pre." paalala ni nate sa kanya
"Hindi naman natin sasaktan. Babawian lang natin kahit isang beses lang." tumataba talaga ang utak ni aki kapag usapang katarantaduhan
"Paano natin babawian ang limang yun?" bahagya pang lumapit si charles kay aki. Iisa lang ang ibig sabihin nun, nteresado sya sa sasabihin ng gago
"Paano ba ang ginagawa natin sa mga taong bumabangga sa atin?"
"So sila ang bagong laruan natin?" tanong ni nate kay aki. Tumango lang naman si aki at ngumisi kaya napangisi narin kami. Mukang alam ko na ang ibig nyang sabihin
Hindi kami bully, sadyang binibigyan lang namin ng leksyon ang mga taong bumabangga sa grupo namin. Matagal-tagal narin nung huling may bumangga sa grupo namin, sila nalang ulit ang naglakas loob, tsk.
************************
ACE'S POV
Nagkasabay kami nila nicole at macey sa pagpunta ng tambayan. Parehas silang mga nakasimangot at bumubulong bulong. May sinusumpa ata silang dalawa?
"What happen?" tanong ko sa kanilang dalawa pag pasok namin ng tambayan
"May pangit akong nakita." sabay pa nilang sagot sakin. Magtatanong pa sana ako pero dumating na sila shin at blare na mga nakasimangot rin
"May pangit rin ba kayong nakita?" sabay na tanong ni macey at nicole sa dalawang bagong dating
"Paano mo nalaman? Manghuhula ka?"
"Ewan ko sayo blare." sabay na sagot nung dalawa. Kanina pa silang nagsasabay ha
"Anong nangyari?" seryosong tanong ko sa apat. Baka kasi mamaya may hindi magandang nangyari. Kahit naman cold ako sa kanila, mahal ko ang apat na bruhang to
Isa isa kaming nagkwento ng mga nangyari habang papunta kami sa tambayan
"Tingnan mo nga naman, ang limang pangit pala na yun ang may gawa nito." maangas na sabi ni blare na parang nandito ang sinapak nya
"Nakabawi naman tayo eh." sabi ni nicole habang kumakain
"Paniguradong maraming babaeng susugod satin." nakapangalumbabang sabi ni shin
"Edi maganda! Pustahan nalang tayo, paramihan ng mababasag na muka." pumapalakpak na sabi ni blare
"Sira ulo ka ba blare?!" inis na sigaw sa kanya ni shin
"Diba nga awat muna tayo sa away? Tapos gusto mo paramihan pa tayo ng babasaging muka? Baka sa presinto na tayo pulutin ng mga magulang natin kapag nagkataon." nakapamaywang samin si shin habang sinesermunan kami. Kami nga ba o si blare lang?
"Chill! Hindi lang ang sagot." ginulo ni shin ang buhok nya dahil sa sagot ni blare
"Ewan ko sainyo! Ewan ko na."
"Hindi malabong may sumugod sa atin at kapag nangyari yun.... wag nyo nalang sa muka patamaan para hindi manghiram ng muka sa aso." napahilamos nalang sa muka si shin dahil sa sinabi ko samantalang tuwang tuwa ang tatlong bruha
Naubos ang oras namin sa tambayan, hindi na kami pumasok sa natitirang subject namin. Hanggang alas dos lang kami ngayong araw kaya ng mag alas dos na ay umuwi na kami
Habang naglalakad kaming lima sa hallway hindi mawala wala ang masasamang tingin at bulungan ng mga babae. I guess, kumalat na ang balita sa lahat ng fans nila dito sa university
Nakarating na kami sa malawak na field ng KIU pero nandyan parin ang tingin at bulungan nila. As if naman may pake kami diba? Taas noo lang kaming naglakad habang nakangisi sa lahat pero mas lumawak ang ngisi namin ng makasalubong namin ang limang lalaki na may putok na labi
Masama ang tingin nila samin na parang pinapatay na kami sa isip nila. Hanggang sa isip lang naman nila kami mapapatay kaya pagbigyan na
"Maganda sana kung may black eye din kayo." sabi ni blare kaya mas sumama ang tingin sa kanya ng katapat nya
"Come on girls, gusto ko ng umuwi." maglalakad na sana kami ng may sumigaw mula sa likod namin, limang babaeng masama ang tingin sa amin
"Humanda kayo samin!" nanlilisik ang mata nila habang nakatingin sa amin tsaka sila sumugod
Malapad ang ngiti ni blare habang nakatingin sa limang babaeng papasugod sa amin, si nicole naman ay naka arko na naman ang kilay, si macey namang parang any time ay papalakpak na sa tuwa samantalag si shin ay mukang namromroblema. Hay, kawawa naman ang limang babaeng to
Nang malapit na sila sa amin ay sabay sabay naming silang sinipa sa tyan nila kaya napa atras sila
"Patulugin nyo." sabi ko tsaka bahagyang lumayo sa kanila. Hindi na ako makikisali dahil inaantok ako at baka mabali ko lang ang buto nila kapag hindi ako nakapag pigil
"Saan ka pupun--" hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya ng hilahin sya ni shin gamit ang buhok nya at pag untugin sila ng kaibigan nya
Inilibot ko ang tingin ko at ngayon ko lang napansin na marami ng nanonood sa amin. Ang limang lalaki naman ay nasa kabilang gilid, mga nakapamulsa na akala mo ay nanonood ng wrestling
"Ayoko sanang gawin to pero ang kulit mo eh." kinuwelyuhan nya ang kaharap nya at ni hinedbat nya kaya mabilis nakatulog ang babae
Saming lima si blare ang may pinaka matigas na ulo kaya kapag hinedbat ka nya, tulog ka talaga. Dati nagkabungguan ang ulo ni macey at blare kaya ayun, nakatulog si macey. Kaya nga rin siguro makulit si macey dahil naalog ang utak nya, kung meron man
"Gusto ko pa sanang patagalin ang away pero gusto ng umuwi ng reyna. Goodnight." sinuntok ni macey sa sikmura ang kaharap nya kaya nakatulog rin ito
"Huwag mo akong tinataasan ng kilay, hindi bagay sayo." sinuntok ni nicole sa muka ang babaeng kaharap nya kaya tulog rin ito. Ang dalawang kaharap naman ni shin ay kanina pang tulog dahil pinagumpog nya lang naman ang ulo nila. Hindi ako magtataka kung pag gising ng tatlo sa kanila ay may tama na sila sa utak.
"Tara na." humikab ako pagkatapos sabihin nun at aalis na sana ng hawakan ako sa braso ni namsan tower boy. Nakuha ko lang kay blare ang tawag na yun, okay?
"Ace!" sabay sabay na sigaw ng apat. Lalapit na sana sila ng senyasan ko silang tumigil
Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang braso ni namsan boy, ang isa ay
sa palapulsuhan tsaka ko sya binalibag
"s**t!" mura nya habang nakahiga. Umupo ako ng pa-squat para marinig nya ang sasabihin ko
"Next time kayo na ang nakahiga dyan." nakangising sabi ko sa kanya tsaka tumayo at inaya ang mga kaibigan kong umalis