Punch

1225 Words
CHAPTER 6 MACEY'S POV Pagdating ko sa CR walang tao kaya mabilis akong naka pasok sa isang cubicle at naka ihi. Pagkatapos kong umihi ay inayos ko na ang sarili ko at binuksan ang pinto ng cubicle pero napa-atras ako sa nakita ko What the fvck?! Anong ginagawa ng lalaking to dito? At bakit sya naka luhod sa harap ng cubicle ko na parang naninilip? Tangna! Naninilip ba sya?! "Manyak!" sigaw ko sa lalaking gulat na nakatingin sa akin "H-ha? H-hindi." nauutal pa ito habang umiiling "Anong hindi! Kung hindi ka naninilip bakit ka nandyan?!" "Kasi yung pera ko lumipad---" hindi ko na sya pinatapos mag salita. Inangat ko sya gamit ang kwelyo nya at pinagkatitigan "Sinungaling! Manyak ka manyak." sasampalin ko na sana sya kaso bigla syang nag salita "Ikaw yun!" "Anong ako yun?" tanong ko habang naka hawak parin sa kwelyo nya "Yung kaibigan ng nakabanggaan ni ice kanina." "Ikaw din yung kaibigan nya. Anyway, walang akong pake! Manyak ka!" sinampal ko sya sabay ng pag bitaw ko sa kwelyo nya. Sa lakas ng sampal ko baka mag iwan pa ito ng pulang marka "s**t! Ang sakit mo manampal miss." sabi nya habang hawak hawak ang pisngi nya "Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae." inis na sabi nya habang masama ang tingin sakin "Kasalanan mo yan! Manyak ka kase!" "Hindi ka lang masakit manampal, masakit ka rin pala sa tenga." "Ano?!" lahat siguro ng dugo ko ay napunta na sa ulo ko dahil sa sobrang inis ko sa manyak na to "Sabi ko hindi kita sinisilipan. Hindi nga kita type kaya bakit kita sisilipan? Hindi ka naman maganda. Hindi karin naman sexy at ang type ko yung mga model, matangkad. Ang liit mo kaya." tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa. Napasinghap ako sa sinabi nya at kumuyom ang kamao ko dahil sa inis. Ininsulto ako ng manyak na to! "Gago ka!" mabilis lumipad ang kamao ko sa muka nya. Nawalan sya ng balanse at napa upo habang sapo ang bibig nyang pumutok siguro "Holyshit!" "Buti nga yan sayo." umalis na ako dun at sinipa ko pa ang paa nyang naka harang sa dadaanan ko. Bwisit! Sakto lang naman ang height ko ah! Hindi naman ako maliit, bwisit na manyak na yun! Ang kapal kapal ng muka ng gago!  ************************ BLARE'S POV Habang nag lalakad ako nakatingin ako sa mga librong dala dala ko. Baka kasi mahulog sila. Dahil sa libro ako nakatingin hindi ko napansin na may mababangga na pala ako kaya ang ending napa upo ako at ang mga librong dala ko ay nag kalat. Ang swerte ko naman oo! Tumayo ako at isa isang pinulot ang mga librong dala ko, buti nalang at tumulong ang naka bangga sakin. Inabot nya sakin ang librong napulot nya at talagang sinadya nya pang hawakan ang kamay ko kaya mabilis ko itong inilayo. Yuck! Kailangan ko ng alcohol mamaya "Thanks." sabi ko at aalis na sana kaso nag salita sya "Ikaw yung babae kanina." lumingon ako sa kanya at nakangiti sya sakin "Babae kanina?" "Oo, yung kaibigan ng nabangga ng grupo namin kanina." "Ahh si Namsan tower boy?" tanong ko pero kumunot lang ang noo ko ng tumawa sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Loko to ah! Ginawa pa akong clown "Bakit? May nakakatawa?" maangas na tanong ko sa kanya "Wala. Anyway, pwede ko bang makuha ang number mo?" "Bakit papa-loadan mo?" nakita kong nagulat sya sa sagot ko pero mabilis ring naka bawi "Nakakatawa ka pala. I want to know more about you pero pwede naman kitang loadan." nakangising sabi nya "Babe!" napatingin kaming dalawa sa bagong dating na babae. Parang ahas itong lumingkis sa lalaking nasa harapan ko at hinalikan sya sa....... labi! Yuck! May girlfriend na pala sya pero kinukuha nya pa ang number ko. Playboy! Aalis na sana ako kaso tinawag nya na naman ako "Miss." tamad akong tumingin dito. Ano bang problema ng isang to? "Yung number mo?" naningkit ang mata ko dahil sa sinabi nya. Ayoko talaga sa mga playboy eh. Hilig nilang manakit ng babae, tsk. Ibinaba ko muna ang mga librong hawak ko at lumapit sa kanya. Matamis akong ngumiti sa kanya "Eto oh." sinuntok ko sya sa muka kaya nawalan sya ng balanse at napa-upo "Kung gusto mo ng isa pa tawagan mo lang ako, pupuntahan kita." pinulot ko ang librong nasa sahig at umalis sa lugar na yun. Mabaog sana ang isang yun!  ************************* NICOLE'S POV  Papunta na ako sa tambayan dala dala ang pagkaing binili ko. Yung ibang chips nasa plastic at ang isa ay nasa kanang kamay ko at kinakain ko na. Masaya akong kumakain habang nag lalakad ng may makita akong twenty pesos sa sahig. Ang swerte ko! Pinulot ko ang twenty pesos at tatayo na sana ng may bumunggo sa akin kaya napa upo ako, tumapon pa ang ibang laman ng chips ko! Shit, yung cellphone ko!" sunod kong narinig ay ang pag c***k ng kung anong bagay Tumayo na ako at tumingin sa lalaking naka upo at pinupulot ang basag nyang cellphone. Oh! Bakit kasi naka upo ka dyan miss." inis syang humarap sakin. Aba, bakit parang kasalanan ko? Sya kaya itong hindi tumitingin sa dinadaanan nya. Ipinasok ko muna sa plastic ang chips na kinakain ko bago sumagot "Hoy! Kahit saan ako umupo kung nakatingin ka sa dinadaanan mo, hindi mo ako mababangga." nakapamaywang na sabi ko sa kanya "Kahit na, daanan ng tao yan. Hindi ka dapat umuupo kung saan saan." umarko ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Aba't ipinagdidiinan nya talaga na ako ang mali "Hindi ko kasalanang hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, okay? Wala akong panahon dito, bye." aalis na sana ako ng mag salita sya "Paano itong cellphone ko? Hindi mo man lang babayaran?" natatawa akong lumingon ako sa kanya. Sino ba namang hindi matatawa sa sinabi nya. Haler, muka syang mayaman "Alam mo kuya muka ka namang mayaman so bumili ka nalang ng bago mong phone okay?" pilit ko syang nginitian at inirapan "Ganyan na pala mag sorry ngayon." ano bang pinaglalaban ng lalaking to? At bakit ako mag sosorry sayo? Ikaw ang mag sorry sakin kasi dahil sayo natapon ang pagkain ko." "Magsorry ka muna sakin." "At bakit ko gagawin yun?" umarko na naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ilang beses na bang tumaas ang kilay ko sa kanya? Tinalikuran ko na sya at aalis na sana ulit kaso nag salita na naman sya "Nakikilala kita. Ikaw yung kaibigan ng babaeng nabangga ni ice kanina. Kaya ba hindi ka makapag sorry dahil mataas ang pride nyong magkakaibigan?" napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya. What the? Anong sinasabi ng isang to? "Alam mo hindi ko na alam ang sinasabi mo. Pwede ba? Aalis na ako." sa pangatlong beses, aalis na sana ulit ako kaso hinawakan nya ang braso ko "Hindi na ako natutuwa Mr. Cellphone kaya kung ako sayo bitawan mo na ako dahil kapag ako nairita sayo, dudugo ang ilong mo." madiing sabi ko sa dulo "Dapat ba akong matakot sa sinabi mo?" nakangising tanong nya. Ang sarap tanggalin ng ngisi sa muka nya!  Kaysa mag salita ay ngumiti nalang ako sa kanya. Yung matamis na ngiti tsaka ko sya sinuntok sa muka. Mukang hindi nya inaasahan ang gagawin ko kaya nabitawan nya ako at napa-upo sya "Hindi mahaba ang pasensya ko sa mga tulad mo Mr. Cellphone at binigyan kita ng warning kaya wala akong kasalanan kung ikamatay mo ang suntok ko. I hope makabili ka ng bagong cellphone.  Bye." I flip my hair and smile at him before I leave Hindi talaga mahaba ang pasensya naming lima, lalo na si ace. Siguro kung pahabaan kami ng pasensya si shin ang mananalo Ang kulit nya kasi eh, ayan tuloy 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD