Napabuntong hininga si Vexie, habang pinagmamasdan si Nanay Mira na binibilang ang kinita nila ngayong araw. Nilukob ng awa ang puso niya sa nakikitang kalungkutan at katamlayan nito. Kung sanang may magagawa lamang siya, pakiramdam niya tuloy nakakabigat pa siya sa mag-ina, imbes na ang mga sarili na lamang ng mga ito ang dapat intindihin. Naglakad siya patungo sa luma nilang upuan sa sala, umupo siya roon, hindi kalayuan kay Nanay Mira. "Nay, maghanap na lang po kaya ako ng trabaho? I mean, ibang trabaho po. Para naman kahit paano ay makatulong ako sainyo ni Maureen." Binalingan siya ni Nanay Mira na may pagkagulat sa mukha, pagkaraan ay humiling. "Vexie, hindi na kailangan. Kung alam mo lang kung gaano na kalaki ang naitulong mo sa amin ni Mau," malumanay na sabi ng Ginang. Tila n

