MAKALIPAS ANG APAT NA TAON... "Ate Vexie, kain ka na raw sabi ni Nanay," sabi ng dose anyos na si Maureen kay Vexie. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga panindang gulay nila na hindi naubos kaninang umaga at tanghali. Nilingon ni Vexie ang bata at nginitian. "Sige na Maureen, mamaya na ako kakain at tatapusin ko lamang 'to," aniya rito. Tumango-tango ang paslit at nagtatakbong muli papasok sa maliit na bahay. Apat na taon na ang nakakaraan simula lisanin niya ang mansion nila at takasan ang Ama. Sa taon na lumipas na 'yun ay ni anino niya ay hindi na muling tumapak pa sa tahanan nila. Hindi rin siya nagpapakita sa Ate niya. Iniwan niya ang lahat-lahat, mga bank account niya na bigay ng Ama noon at kung anu-ano pang alahas niya, nagdala lamang siya ng kaunting pera na ipon niya mula sa

