Halos mamula ang kanang pisngi ni Vexie, nang dumapo roon ang kamay ng Ama pagpasok na pagpasok niya sa kanilang mansion. Nakakaliyo ang sampal nito na akala mo ay umikot ang mundo niya. "How dare you! How dare na magpaumaga sa labas?! Tell me, saan ka galing?!" naggagalaiting sigaw ng Ama niya sa kanyang harapan na halos magpabingi na sa kanya. Nakikita niyang nagagalit ang Ama noon, pero hindi kasing tindi nito. But yeah, hindi siya masyadong kinakabahan na o takot, dahil alam naman niyang mangyayari ang bagay na 'to. Sa madaling salita, naihanda na niya ang sarili. "I'm sorry po," mahinang bulong niya. Mas lalo siguro itong magagalit kapag nalaman nito kung ano ang ginawa niya kagabi. Pero hindi siya tanga para sabihin iyon. "Sorry? I'm tired of your 'Sorry's'! Problema talaga ang

