"Vexie..." Natigil sa tangkang pagpasok sa silid niya ang dalaga nang hapon na iyon, nang tawagin siya ni Leon. Bigla na naman siyang kinabahan, ano kaya ang kailangan nito sa kanya? "B-bakit ho, Sir?" may pagkautal na tanong niya sa lalaking seryosong nakatingin ngayon sa kanya. Medyo napaatras siya nang maglakad ito papalapit sa kanya. "I saw you yesterday, with that guy..." Bahagyang natigilan ang dalaga at pilit ina-ansorb ang sinabi ng kaharap. "Sinundan mo ako kahapon, Sir?" Kita niya ang pagdidilim ng anyo ni Leon na ikinangiwi niya. "Joke lang po," biglang bawi niya. Bigla niya rin na-realized ang pagsundo ni Genny sa kanya kahapon sa hindi kalayuan sa mansion. Baka doon nakita sila nito? "Is that your boyfriend?" seryoso at malamig na usisa nito. Nanlaki ang mata niya, pero k

