Inayos ni Vexie ang sukbit na bag, bago lumabas sa kanyang silid sa mansion ng mga La Gresa. Ngayong araw kasi ay Day-off niya at may usapan sila ni Genny na magkikita, kaya maaga siyang nakabihis. Bago pa magising si Alexus at pigilan siyang makaalis. Pero sa totoo lang ayaw niya sanang mag-off dahil mas nanaisin niyang manatili sa mansion at masilayan si Leon. Kaso, masyado na siyang marupok kapag nagkaganun. Dali dali niyang ini-lock ang pinto at nagtungo sa hagdan pababa. Pero bago siya tuluyang bumaba ay sinulyapan niya ang silid ni Leon na tahimik gaya ng dati. Umaasa siya na makita ito at bago siya umalis ay maipagtimpla niya ito ng kape. Ngunit bigo siya sa kanyang inaasahan, kaya napagpasyahan na lamang niyang umalis. Mabilisan lamang siyang nagpaalam sa mga kasama at tumalilis

