"Naku, ang sarap pa naman ng chikahan natin. Pero sad to say, may emergency sa house namin kaya kailangan ko ng magpaalam." Natuon ang pansin ni Genny sa kanya matapos sabihin ang mga salitang 'yon. "Beshy, hindi na muna kita maihahatid kina Aling Mira ah? May kailangan akong asikasuhin," anito na tila humihingi ng dispensa. Kilala niya ang kaibigan, malamang sa malamang ay mahalaga ang gagawin nito. Nakakaunawa siyang ngumiti at tumango rito. "Ayos lang beshy. Unahin mo na 'yang emergency. Mukhang seryoso eh, ayos lang ako," aniya rito na nakapagbigay naman ng assurance sa kaibigan. Marahan itong tumayo. "Don't worry about Vexie. Ako na ang maghahatid sa kanya sa dapat niyang puntahan and I promise she'll be safe. " Kapwa sila ni Genny napatingin kay Rigel na tahimik lamang na nakiki

