Nang mga sumunod na araw ay may mga dumating na bisita, at dahil bago pa nga lamang siya sa mansion na iyon ay hindi niya kilala ang mga 'to. "Annie, Sino ang mga dumating?" usisa niya kay Annie habang tinitignan nila sa may Living room ang mga ito, kalong ng isang matandang lalaki si Alexus. Tago naman ang pwesto nila kaya at hindi sila mahahagilap. "Iyan ang mga magulang ni Sir Leon. Si Señora Ysabela at Señor Greg. Tapos ang babaeng maganda na may kasamang bata, si Ma'am Adella 'yun, kasama ang asawang si Sir Apollo." Isa isang turo ni Annie sa mga tao para matandaan niya. Pinagmasdan niya ang mga 'to. Seryoso ba ang nakikita niya? Bakit ang gaganda ng mga lahi ng mga La Gresa? Napakasarap pagmasdan. "O di ba? Napakasarap magpalahi sa mga La Gresa?" banat ni Annie na tila nabasa a

