Namamangha si Vexie sa napuntahan nila. Kahit hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa isang exhibit. Nakasunod lamang siya kay Leon na tila sayang saya sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit. Solo Exhibition daw 'yun, at halatang halata na napakagaling ng tao sa likod ng bawat obra. Napansin niya, more on sa mga bulaklak ang gawa nito, isa sa mga gustong gusto niya. Sa katunayan nga, may mga paintings siya sa kanyang kwarto sa kanilang mansion. Kagaya kasi ng Ate Beatriz niya, nakahiligan nila ang mangolekta ng mga paintings. Excited si Vexie na makilala ang taong may gawa ng mga paintings na 'yun. Sabi ni Leon kaibigan nito ang artist, so malaki ang posibilidad na makita niya ito. Napatigil siya sa paglalakad nang tumigil din si Leon sa tapat ng isang painting.

