"Bongga ka, girl. Ang ganda ganda mo lalo!" Impit tili ni Annie habang pinapaikutan siya. Kasama nito ang iba pang kasamahan nila. Nasa kusina sila nang mga oras na iyon at talagang hindi nakaligtas sa matatalas na mga mata ng mga 'to ang ayos niya. "Oo nga. Para ka na tuloy señorita!" manghang sabi naman ni Abby. Nakooo, kung alam lang ng mga 'to na dati rin siyang señorita at prinsesa ng Ama niya. "So, magkwento ka naman. Bakit ka pinaayos ni Sir?" -Annie Napakamot sa ulo si Vexie. Paano nga ba niya sasabihin sa mga ito? Umm... "Umm ano kasi, may pupuntahan daw kami mamayang gabi na exhibit. Eh kailangan niya ng taga bitbit ng gamit dahil absent ang sekretarya niya. So, ako na lang daw, " aniya na may halong kasinungalingan. Mukhang kinagat naman ng mga 'to ang sinabi niya. "Sa ganda

