Nagising si Vexie dahil sa paglunday ng kama kung saan siya nakahiga. Nang imulat niya ang mga mata ay, nakita niya si Alexus na masigla nang tumatalon-talos sa taas ng kama. Napangiti ang dalaga, tila wala ng lagnat ang kanyang alaga. Marahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at nakangiting tiningala ang bata. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" usisa niya kay Alexus. Ngumiti at pinisil pisil pa ni Alexus ang braso na tila nagyayabang. "I'm okay. I'm strong!" malakas na sabi nito. Natawa ang dalaga sa ginawi nito. "Mabuti naman kung ganoon. You look happy..." Excited na bumaba sa kama si Alexus at hindi maitatago ang saya sa mukha nito. "I'm happy because 5 days from now, it's my birthday!" Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya kasi alam ang tungko

