"What's up men." Ang bungad ni Ariel- kaibigan niya, they've known each other for a long time. Tinapunan niya ito nang mabilis na tingin, umupo ito sa upuan na nasa harap ng office table niya. Taliwas sa propesyon niya, hindi abogado ang kaibigan, isa itong businessman. "What are you doing here?" Walang kangiti-ngiting tanong niya rito at muling ibinaling sa papeles na binabasa ang tingin. "That's it?" Tanong pa nito. Nangunot ang noo niya at muling tinignan ang kaibigan. "What?" Asik niya rito. Kabaligtaran niya, palangiti si Ariel at tila walang pasan na problema. "Ganoon lang ang sasabihin mo sa akin? One week din tayong hindi nagkikita," anito na ngumuso pa na tila bata. Galing kasi ito sa isang business trip sa singapore. "What do you expect me to do? Hug you?" pauyam niyang sabi

