Sinundan ni Leon sina Vexie, hangang sa makarating sila sa isang mall. Hindi muna siya bumaba nang nasa parking lot, hinintay niya muna kasing makababa sina Vexie. Hindi naman nagtagal, nakita na niyang umibis sa sasakyan ang dalaga, at tila hinintay na makaibis ang kasama. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang isang matangkad na lalaking bumaba mula sa driver' seat at lumapit kay Vexie. Nangunyapit naman si Vexie sa braso nito na ang lawak ng ngiti sa mga labi. Tila excited na excited ang dalaga sa kung ano man ang gagawin nila o pupuntahan ng lalaking kasama. Kasintahan ba nito ang lalaking kasama? Kaya ba ito nagalit nang halikan niya dahil may kasintahan na ito? bahagyang nagdilim ang mukha niya dahil sa naisip. Hindi niya maintindihan ang sarili nang mga oras na 'yon.

