Kabanata 10-Paliwanag

1000 Words
"Bitiwan muna ako,ano ba.." "O..okay,bibitiwan naman kita eh!basta ipangako mo makikinig ka muna sa akin."pakiusap ni Brylle."Wala akong balak na anuman sayo,wala akong masamang intensyon." Marahas na napabuntong-hininga si Margareth. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang pagbigyan ito. Kaysa naman magtagal sila sa ganuong ayos,Aba!sinuswerte naman ng lalakeng ito. Aba'y kaunti na lang halos magyakap na sila. Opps, anu pa nga ba ang tăwag sa posisyon nila?eh, di ba nga yakap-yakap na talaga siya nito.. Hindi lang m******s,mapagsamantala pa. "Oo na..bitawan muna ako."pagpayag niya. Dahan-dahan binitiwan ni Brylle si Margareth. "Salamat ho." At saka lumayo ng distansya si Brylle sa babae. Hindi niya gustong isipin nito na sinasamantala niya ang pagkakataong iyun.Lalo na at nakatapis lamang ito ng tuwalya. Hindi niya gustong bigyan ito ng dahilan para isipin talaga ng babaeng ito na manyak siya. Malaki ang respeto at paggalang niya sa mga babae.. "Pe..pero maaari bang magbihis ka muna."medyo naiilang na pakiusap ni Brylle.. Hindi siya makatingin ng diretso sa babae at baka bigyan na naman nito ng malisya. Hindi naman kasi magandang tingnan na nag-uusap sila sa ganuong ayos ng babae .Ang sagwa naman ata tingnan.. Lalong nanlaki ang butas ng ilong ni Margareth.Aba't demanding pa ang m******s na ito.At sino ito para utusan siyang magbihis. Paano kung samantalahin nito na nagbibihis siya sa banyo.Pagkatapos ay bigla siya nitong pinasok upang gawin ang masamang balak nito. "HIndi."matigas na wika ni Margareth. Bakit ba kung nakatapis lang siya,hindi naman siya makikitaan nito.Nagsusuot nga siya ng two piece,hindi siya nahihiya. Iyun pa kayang nakabalot naman ang kaniyang katawan.. "baka alibi mo lang yan pero tatakasan mo lang ako or talagang pinagnanasaan mo ako.Sinasabi ko sayo,hindi ka makakalabas sa hotel na ito kapag may ginawa kang masama sa akin..." Napabuntong-hininga si Brylle.Masyado naman kung magreact at akusahan siya ng babaeng ito.Mukha ba Siyang m******s?bakit hindi na lang nito pakinggan ang kaniyang paliwanag. Nagmalasakit lang naman siya na ligpitin ang mga kalat nito.Bilang employee ng hotel naisipan lang naman niyang magmagandang-loob,hindi naman niya akalain na mamasamain pa pala nito at aakusahan pa siyang manyakis.. "Okay..humihingi ho ako ng paumanhin kung basta na lamang ako pumasok.Kanina pa ho kasi ako katok ng katok sa labas,wala naman nagbubukas ng pinto.Nakita ko naman ho na bukas kaya pumasok na ako ,para sana iwanan nalang itong pagkain.."paliwanag ni Brylle. Hindi pa rin kumbinsido si Margareth sa paliwanag nito. "Ba..bakit hawak mo ang__ang underwear ko.." muli niyang singhal sa lalake. "Ka..kasi naman ho subrang kalat ng kwarto ninyo.Kaya naisipan ko na rin ho na ligpitin na rin ang mga kalat,a_at di_di ko naman alam na iyun na nadampot ko..Pasensya na ho..Nagmagandang loob lang naman ho ako.Huwag nyo naman masamain." Bigla naman ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Margareth.Medyo napahiya siya ng kaunti sa sinabi nito. Pasimpleng inilibot ang mata sa paligid ng kwarto..Oo nga naman! Malinis na ang kaniyang kuwarto.Nakaligpit at maayos na ang kaniyang mga gamit. Paano ba naman,hindi niya mahahalungkat ang damit mula sa kaniyang dalang maleta ay hindi niya nakukuha ang mga pasalubong niya sa mga kaibigan,kaya ganun na lang kagulo at kung saan saan nagkalat ang kaniyang mga gamit..At wala na Siyang oras para ibalik pa iyun dahil nagmamadali na Siyang puntahan ang mga kaibigan.at pag-uwi naman niya kanina ay inabot na siya ng subrang antok..Kagigising lang naman niya at inuna muna niya ang paliligo at pagkatapos sana niyang kumain saka siya magligpit..kaya lang malay ba niya na mangangahas pumasok ang lalakeng ito at nangahas na rin na ligpitin ang kaniyang mga kalat. "Okay..I accept your explanation..."Mataray pa ring wika ni Margareth.."pero hindi na mauulit ang pangyayaring ito,matuto kang maghintay sa labas,kung wala pa rin di ibalik mo saka ka tumawag sa telepono para magkompirma sa guest." Tumango si Brylle.. "Pasensya na ho talaga." "Sige na, you may leave.." "Sige ho..Salamat." Parang nanuyo ang lalamunan ni Brylle sa nangyari. Kaya't kumuha ito agad ng isang basong malamig na tubig upang lapatan ang nanunuyo niyang lalamunan. Kamuntik pa siiyang mapahamak dahil sa pagmamalasakit niya.Masyado ba naman kasi siyang pakialamero at naisipan niyang ligpitin ang mga nagkalat na gamit ng guest. Ayun tuloy,dahil sa pakikialam niya ay kamuntik pa siyang mawalan ng trabaho. Mabuti na lamang at napakiusapan niya ang babae.Nakinig pa rin ito sa kaniyang paliwanag.At hindi tuluyang tumawag ng security. Sapagkat kung nangyari iyun.Tiyak na sisante na siya ngayon. Mabuti na lang dahil kahit paano ay may itinatago naman palang kabaitan ang babae. Kahit na nga may pagkamataray ito.. "Hoy,parang ang lalim naman ng iniisip mo."siko są kaniya ni Harold. "Huh ah.." Hindi naman mapuknat-puknat sa katatawa si Harold. Matapos na ikuwento rito ni Brylle ang nagyari sa kaniya.. Kung paanong kamuntik na sana siyang mawalan ng trabaho sa mga oras na iyun. "Bakit kasi pinakialaman mo pa na ligpitin.Ayan tuloy kamuntik ka ng masisante dahil sa pagmamalasakit mo sa babaeng iyun,bakit naman kasi sa dinami-dami ng dadamputin mo ay yun pa."tawang-tawang wika nito. "Malay ko ba..Napakaburara ng babaeng iyun,parang hindi babae.."napalatak na wika NI BRYLLE.. "Maganda ba?"may panunudyong tanong ni harold. Natigilan si Brylle. Muling sinariwa sa isipan ang hitsura ng babae..Blonde ang buhok nito,maputi na parang labanos,matangkad ito,siguro hindi naglalayo ang height nila at may prominenteng ilong na nagbagay sa medyo pahaba nitong mukha,may mapupulamg mga labi at mga matang maliliit na alanganın tsinita at bombay,sa madaling salita maganda ito.. "Hoy,natahimik ka na,ang sabi ko kung maganda ba?" Tumango siya bilang tugon,dahil magiging sinungaling ang kaniyang mga mata kung sasabihin niyang hindi.. "Aww,,swerte mo dahil nakayakap ka sa kaniya.." Siniko niya ang kaibigan,hindi naman niya sinasadya na mayakap ito,ginawa lamang niya iyun para pigilan ang babae.. "hindi ko naman ibig na gawin yun,kailangan lang talaga." "ays..pagkakataon muna,maganda ikamo.." Napailing si Brylle.Hindi naman niya sinasadyang gawin yun.nagkataon lang na dapat niyang protektahan at ipagtanggol ang sarili.At iyun lang ang naisip niya para pigilan ang babaeng guwag sumigaw. At isa pa hindi niya ito matitipuhan.Isa sa mga nakakaturn-off sa isang babae ay ang pagiging burara. At kahit gaano pa ito kaganda,kung ganun naman kaburara.Useless ang kagandahan nio para sa kaniya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD