Chapter One-Rebelasyon
Natigagal si Editha.Matagal bago ito nakabawi sa pagkabigla.Ngunit ng ito ay mahimasmasan saka lamang sumabog ang galit nito.
Naghisterikal na pinagsusuntok at sampal nito ang asawa.Hindi niya kayang paniwalaan ang mga ipinagtapat ni Manolo.
Sa loob ng mahabang taon ay pinaniwala siya nito na isang mabuting asawa at ama ito.
Hindi man perpekto ang kanilang pagsasama ngunit masasabi niyang sapat na iyun para maituring na mayroon silang masayang pamilya.
Subalit nagkamali pala siya dahil ang lahat pala ng iyun ay isa lamang pagkukunwari.Isang malaking kasinungalingan.
Pinaikot at namuhay sila ng mahabang taon sa panlilinlang ni Manolo.Hindi niya akalain na magagawa ito sa kaniya ng asawa gayung ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa sa lalake.
Isinakripisyo niya ang lahat pati na ang kaniyang career.Ibinigay niya ang posisyon sa kumpanya na dapat ay para sa kaniya kahit na may pagtututol mula sa kaniyang ama.Ito ang naging CEO ng Monsor Group Inc.
Lahat ay ibinigay niya sa kaniyang asawa.Ngunit masakit ang naging sukli nito.
Bakit ganito na lamang kasakit ang iginanti nito sa pagiging tapat at uliran niyang asawa.
"Lumayas ka sa pamamahay na ito.Ayoko ng makita ang pagmumukha mo dahil nandidiri ako sayo."sigaw ni Editha.
"Hon,patawarin mo ako.."nagsusumamong wika ni Manolo.
"Ang kapal ng mukha mo.Hindi mo makukuha ang kapatawaran ko.Sagad hanggang buto ang galit na nararamdaman ko sayo.."muling sigaw ni Editha.
May igting ang bawat katagang binibitiwan nito.
Puno ng galit at matinding pagkasuklam ang nararamdaman niya sa kaniyang asawa.
Walang kapatawaran ang ginawa nitong panloloko sa kanila ni Margareth.Lumuhod man ito at gumapang sa kaniyang paanan.
"Patawarin mo ako Editha.Hindi ko sinasadya ang lahat.Mahal ko kayo ni Margareth,pag-usapan natin ito ng maayos."pagmamakaawa ni Manolo sa kaniyang asawa.
" Wala na tayong dapat na pag-usapan.Simula sa araw na ito pinuputol ko na ang pagiging mag-asawa natin..Wala na akong asawa!"mariing wika ni Editha.
Pakiramdam niya ay nawala na parang bula ang pag-ibig niya sa asawa.
"Please,huwag naman humantong sa ganito."
"Huh!dapat inisip mo yan bago ka nagloko,.Lumayas ka! hindi ka namin kailangan ng anak mo."tulak nito kay Manolo.
Tahimik lamang si Margareth.Nanatiling blanko ang mukha nito.Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niya mula sa ama.
Mahirap paniwalaan ngunit malinaw iyun sa kaniyang pandinig na niloko sila ng ama.Dalawampu't taon silang pinaniwala ng kaniyang ama na sila lamang ang mundo nito.
It's a big s**t!hindi ba?
Sinungaling ang kaniyang ama.Paano nito naatim na lokohin sila ng mahabang panahon.
"Anak...Margareth,patawarin mo ako."baling sa kaniya ni Manolo.May pakiusap ang tinig nito.
Umiling si Margareth.Napatakip ito sa magkabilang tenga.Hindi niya ibig na marinig pa ang anumang sasabihin ng kaniyang ama.
Hindi madaling ibigay ang kapatawaran na hinihingi nito.
Paano pa niya papaniwalaan ang ama kung sa mahabang panahon ay puno ng kasinungalingan at pagkukunwari ang ipinakita nito sa kanila.
Masakit isipin na may iba pa pala itong anak sa ibang babae.
"Anak,alam ko nagkamali ako.Dapat noon palang ay ipinagtapat ko na sainyo ang totoo.Ngunit hindi ko sinasadya na lokohin kayo at itago ng matagal ang nagawa kong pagkakasala."patuloy na pagmamakaawa ni Manolo.
Hindi sinasadya?tanong ni Margareth sa kaniyang sarili.Nagkaroon ito ng pamilya sa iba ng hindi sinasadya?
Nagpapatawa ba ito?Malinaw pa sa ssikat ng araw ang ginawa nitong panloloko sa kanila.
Sinadya.Ginusto.Pinili ng kaniyang ama na ilihim sa kanila ng mahabang panahon ang pagkakasala nito.
Matagal na pinaikot sila nito sa isang kasinungalingan.
Hindi madaling magpatawad.
Hindi pa siya handang patawarin ang ama.
"Alam ko nagkamali ako.Sa una pa lang dapat ay ipinagtapat ko na sainyo ang lahat.Naduwag ako.Natakot na aminin ang totoo."
Natakot na aminin ang totoo.Subalit hindi natakot na mangaliwa.Hindi natakot na maaaring masira ang kanilang masayang pamilya.
Sinira at winasak nito ang masaya sana nilang pamilya.
Wala ng saysay ang paghinigi nito ng tawad.
"Lumayas ka!"muling pagtataboy ni Editha."Hindi ka namin kailangan ng anak ko.Tandaan mo simula sa araw na ito,kalimutan mong pamilya mo kami."
Naging bingi si Editha sa anumang sasabihin ni Manolo.Kahit anong pagsusumamo at paghingi ng tawad nito ay hindi na niya nais pa na pakinggan.
Sapat na ang mga nalaman niya upang talikuran ito.
Malungkot na tumalikod si Manolo at umalis.Wala itong nagawa kundi lisanin ang Mansion.
Ang galit ng mga ito ay nararapat lamang niyang tanggapin,ngunit balang araw ay umaasa siya na mapapatawad pa rin siya ng mga ito.
Hindi siya susuko hangga't hindi nakukuha ang kapatawaran ng kaniyang asawa't anak.
Inaamin niyang nagkamali siya.Ngunit kahit magkaganun pa man ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa kaniyang mag-ina.
Inaamin niyang naging mahina siya.
Nagpadala sa tukso.
Subalit hindi niya inaakalang sa maikling paanahon ng pagsasama nila ni Melit ay magagawa din niyang mahalin ito.
Nagpatuloy ang bawal nilang relasyon.Hanggang sa hindi inaasahan ay nabuntis si Melit.
Nagkaroon sila ng anak sa pagkakasala.
Huli na para siya ay magsisi.Hindi na niya maaaring iwanan si Melit.Hindi niya matitiis na iwanan ito at ang kanilang anak.
Pinili niyang ilihim ang pagkakaroon niya ng pangalawang pamilya upang patuloy na masuportahan ang mga ito.
Subalit pagod na siyang itago pa ang lahat.Hindi niya kaayang lokohin ng mahabang panahon ang kaniyang mag-ina.Kaya ilang libong beses na pinag-isipan niya,bago nakapagdesisyon na aminin sa kaniyang pamilya ang katotohanan.
Mahirap para sa kaniya ang ginawa niyang pag-amin sapagkat alam niyang kamumuhian siya ng kaniyang asawa at anak.Ngunit mas pinili pa rin niya na ipagtapat ang matagal na pinakatatago niyang lihim.
Habang papalayo si Manolo-isang malakas na sigaw ni Editha ang umalingawngaw.
Puno iyun ng poot at sakit.
Ang ginawa sa kanila ni Manolo ay walang kapatawaran.
Mamatay siyang hindi makukuha ni Manolo ang kaniyang kapatawaran.
Kinasusuklaman niya ang asawa.
Muling napahiyaw si Editha.Hindi nito matanggap ang lahat.Ang sakit naa idinulot sa kaniya ni Manolo.
Umiiyak na niyakap ni Margareth ang kaniyang ina,ramdam nito ang matinding paghihirap ng kalooban ng kaniyang ina.Sapagkat ganun din ang kaniyang nararamdaman.Hindi lamang ang kaniyang ina ang nasasaktan.
Mas doble ang sakit ng kaniyang puso dahil sa ginawang panloloko sa kanila ng ama.At ang makita kung paano nasasaktan ang ina.Ramdam niya ang pagkadurog nito.
"Ma-Mama."
Kasunod ng malakas na paghiyaw ni Editha.
Isang malakas na palahaw naman mula kay Maargareth