Chapter Two-Pagdadalamhati

1000 Words
Namumugto na ang mga mata ni Margareth.Kanina pa ito walang tigil sa pag-iyak. Ilang libong beses man niyang kurutin ang kaniyang sarili.Isipin na ang lahat ay isang panaginip lamang. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakakagimbal na balita ng Doctor. Wala na ang kaniyang Mama.Tuluyan na siyang iniwanan nito. Hindi na nito pinili pa ang lumaban.kahit man lang sana para sa kaniya. Iniwan siya nito na gulong-gulo ang isipan. Nag-iisa.Paano na siya ngayong wala na ang kaniyang ina. Hindi nito nakayanan ang matinding sama ng loob sa ginawang panloloko ng ama. Hindi niya akalain na ang masayang pamilya na kanilang pinakaiingatan ay mauuwi lamang sa masaklap na trahedya.Ang magiging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina.Hindi niya lubos maisip na ang iniidolo niyang ama ay may itinatagong 'kabulukan'.Hindi niya akalain na magagawa silang lokohin nito. Nagkamali siya ng pagkakakilala sa ama. Nais niyang sumigaw ng mga oras na iyun.Gusto niyang pakawalan ang galit sa kaniyang dibdib. Maatinding pagkasuklam ang nararamdaman niya ngayon sa kaniyang ama.Ito ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang ina. Magmula sa araw na ito ay kakalimutan niyang mayroon pa siyang ama.Walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang manloloko niyang ama. Kaagad na naisaayos ang burol ng kaniyang ina sa tulong ni Atty.Mendes.Matalik itong kaibigan ng kaniyang ama.Ito rin ang tumatayong lawyer ng kanilang pamilya.Kaya hindi na ito iba saa kanila. Mas pinili niya na maging pribado ang burol ng kaniyang Mama.Tanging mga malalapit na kaibigan lamang at kamag-anak ang binigyan niya ng karapatan na pumunta sa burol... At mahigpit niyang ipinagbawal sa mga security guard na huwag papasukin si Manolo Alvaro..Wala itong karapatan na pumunta roon. "Margareth,a..anak.." Si Manolo.Namumula ang mga mata nito.May nagbabantang mga luha na sumungaw sa mga mata. Hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari.Ngayon ay wala na si Editha. Nais niyang lapitan ang anak upang yakapin ito. Batid niya kung gaano ito nasasaktan ngayon.Maging siya man ay nasasaktan.Namatay ang kaniyang asawa na may sama ng loob sa kaniya.Mabigat sa kaniyang dibdib ang mga hindi inaasahan pangyayari.May guilt siyang nararamdaman sa kaniyang puso.. Sinisisi niya ang sarili.HIndi siguro hahantong sa puntong ganito kung hindi niya ipinaalam ang lahat kay Editha. Kasalanan niya ang lahat. "What are you doing here?" Hindi niya gustong makita ang pagmumukha ng kaniyang ama. Paanong nakapasok ang kaniyang ama,gayung mahigpit niyang ipinagbawal na hindi ito papasukin.May lakas ng loob pa talaga itong pumunta sa burol ng kaniyang Mama.Wala itong karapatan na tumuntong doon. Hindi niya hahayaan na babastusin nito ang mga natitirang araw na labi ng kaniyang ina. Ang kapal din talaga ng mukha nito para magpakita pa sa kaniya.Pagkatapos ng lahat na ginawa nito. "Anak,nais kitang damayan.Masakit isipin na wala na ang iyong ina.Iniwan na niya ito." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Naningkit ang mga mata ni Margareth.Puno iyun ng pagkasuklam at galit sa ama.Ito ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ina. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ito nagloko. "Kung hindi dahil sayo,buhay pa sana ang Mama.Ito naman ang gusto mong mangyari,hindi ba?Ang mawala sa buhay mo si Mama." "Anak,hi..hindi.Mali ang iniisip mo.Masakit din para sa akin na wala na ang iyong ina.Kailan man ay hindi pumasok sa isipan ko ang bagay na iyan." "Masakit?Masakit ba?"sigaw niya sa kaniyang ama."Oo,masakit isipin na ikaw mismo ang pumatay kay Mama." "Margareth.." Nanggilalas si Manolo.May pagkakasala siya at inaamin niya ang bagay na iyun.Ngunit hindi niya ginusto na umabot sa ganito. Mahal niya si Editha. Masakit din para sa kaniya ang pagkawala nito. "Hindi ko ginusto ang nangyari.Maniwala ka sa akin,anak.Nasasaktan din ako sa pagkawala ng iyong Mama." May pait ang ngiting sumilay sa mga labi ni Margareth.Pati ba naman sa harap ng burol nang kaniyang Mama ay nagagawa pa rin nitong magsinungaling. Punong-puno ng kasinungalingan ang pagkatao ni Manolo Alvaro. "Pati ba naman sa burol ni Mama magsisinungaling ka pa rin." "Maniwala ka,anak..mahal na mahal ko kayo." "Sinungaling!"halos magtagis ang mga ngipin ni Margareth. Kahit kailan ay hindi na siya maniniwala pa sa mga salitang binibitiwan nito. "Anak,patawarin mo ako."may pagsusumamong wika ni Manolo."Hindi ko ginustong mangyari ito." "Hindi mo makukuha ang kapatawarang hinihingi mo."mariin ang pagkakabigkas na iyun ni Margarteh. Kahit maglumuhod pa ito sa kaniyang harapan ngayon.Hindi na nito maibabalik pa ang buhay ng kaniyang ina. "Lumayas ka rito."may diin ang bawat katagang binibitiwan ni Margareth."Hindi kita kailangan." "Anak..." "Aalis ka or ipapakaladkad pa kita sa security." Napayuko si Manolo habang pinapahid ang pumatak na mga luha. Nasasaktan siya sa mga salitang nagmumula sa bibig ni Margareth.Para iyung patalim na tumatarak sa kaniyang dibdib. Laylay ang mga balikat na tumalikod ito.Mabibigat ang mga hakbang papalayo.. Ngunit umaasa pa rin siya na mawawala rin ang galit sa kaniya ng anak. Galit lamang ito dahil nasasaktan pa ito sa pagkamatay ni Editha.Lalo na at siya ang sinisisi nito sa nangyari. Ngunit hanggang sa huling hantungan ni Editha ay bigo si Manolo.Hindi ito pinayagan ni Margareth na dumalo. Kaya walang nagawa si Manolo.Nirespeto nito ang desisyon ng kaniyang anak.Kahit masakit para sa kaniya na tuluyan siyang inalisan ng karapatan ni Margareth sa labi ni Editha.Batid niya na matindi ang galit na nararamdaman nito sa kaniya. Kaya hindi na siya nagpumilit pa upang maiwasan ang gulo.Ngunit hindi ibig sabihin nun ay tuluyan na siyang sumuko. Nagkasya na lamang siya na tanawin mula sa malayo ang kaganapan. Gustuhin man niyang yakapin ang kaniyang anak ng mga sandaling iyun ay hindi niya magawa. Masakit para sa kaniya na wala siya sa tabi ng anak upang damayan ito. Masakit para sa kaniya na hindi man lamang niya nasilayan ang asawa kahit sa mga huling sandali nito. Pumatak ang luha sa mga mata ni Manolo.Puno ng pagsisisi ang dibdib nito. Mama...mahinang usal ni Margareth. Mag-isa na lamang siya ngayon. Hindi na niya muling masisilayan ang mukha ng kaniyang Mama. Hindi na niya ito mahahagkan at mayayakap.Wala ng sasalubong sa kaniya kapag siya ay uuwi galing school. Wala na siyang mahihingahan ng problema.Wala ng magluluto sa kaniya ng paborito niyang pagkain. Lahat ng iyun ay mamimiss niya sa kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD