Mahigpit ang yakap na ibinigay ng dalawang kaibigan ni Margareth sa dalaga.Ramdam nila kung gaano kabigat ang nararamdaman ng kanilang kaibigan ng mga sandaling iyun.
"Be strong,Babe."ani Patty."nandito lang kami."
Sina Patty at Roxie ay ang matalik na kaibigan ni Margareth.
Hindi iniwan ng mga ito si Margareth.Nanatili silang nasa tabi ng kanilang kaibigan.
Pinapalakas ang loob.
Batid nila ang nangyaring kaganapan sa pamilya nito.Kaya alam nila kung gaano kasakit ang nangyaring iyun kay Margareth.
Maya-maya pa ay nag-alisan na ang mga nakipaglibing.
Ang tatlong magkakaibigan na lamang ang naiwan.
"Gusto ko munang mapag-isa."ani Margareth.
Nagkatinginan sina Patty at Roxie.Nag-aaalangan ang dalawa na iwanan ang kaibigan ng mag-isa.
"Please...I need space."
"Okay.pero nasa sasakyan lang kami,huh."ani Roxie.
Tanging si Margareth na lamang ang naiwan sa puntod ng kaniyang ina.
Gusto muna niyang mapag-isa ng mga oras na iyun.Bigyan ng oras ang kaniyang sarili na kausapin ang puntod ng ina.
"Ma,hindi ko alam kong kakayanin ko ba ang lahat ng ito na mag-isa.Alam mo naman na ikaw lang ang lakas ko.Paano na ako ngayong wala kana."kausap ni Margareth sa puntod ng ina."ang daya-daya mo naman.Ma.Bakit mo ako iniwan?"
Maya-maya pa ay maririnig na ang mahinang paghagulhol nito.
Ang kawawa niyang Mama.
"Huwag kang mag-alala,Ma.Sisiguraduhin ko na hindi sila magiging masaya.Ako ang magiging tinik sa buhay nila."
Naglapat ang mga ngipin ni Margareth.Naikuyom nito ang dalawang kamao.
Hindi siya makapapayag na maging masaya ang pangalawang pamilya ng kaniyang ama.
Hindi niya hahayaan na magdiwang ang mga ito ngayong wala na ang kaniyang ina.
Kinasusuklaman niya ang mga taong naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang ina.Higit ang kaniyang ama.
"Paalam,Mama..Mahal na mahal kita."mga huling kataga ni Margareth.
Mabibigat ang mga hakbang na nilisan niya ang puntod ng ina.
Puno ng kalungkutan at kahungkagan ang lumukob sa buong pagkatao ni Margareth ng makauwi na siya ng bahay.
Ang bawat sulok ng kabahayan ay nagpapaalala sa kaniyang ina.
Parang pinipiga ang kaniyang dibdib sa sakit na nararamdaman.
Isa itong napakasakit na bangungot para sa kaniya na mahirap takasan at kalimutan.
Kaya mas makabubuting lisanin na muna niya ang lugar na ito.Marami lamang masasaya at magagandang alaala ang maghahatid sa kaniya ng matinding kalungkutan.At magpapaalala ng masaklap na pangyayari sa kaniyang buhay..
Mag-isa na lamang siya ngayon.
Siguro ay kailangan na muna niyang lumayo upang bigyan ng peace of mind ang sarili.
Sa ngayon kasi ay sariwa pa sa kaniya ang lahat ng mga pangyayari..Hindi niya basta na lamang makakalimutan ang lahat.
Kaya nagdesisyon siya na umalis muna ng Pilipinas.Nais niyang makalimot at iwan ang mga masasakit na alalang sumugat sa kaniyang puso.Siguro ay kailangan na muna niyang magpahilom ng sugat.Magagawa lamang niya iyun kung lalayo siya sa mga taong naging dahilan ng masalimuot na trahedya sa kaniyang buhay.
Nakakalungkot lang isipin na sisirain lamang ng kaniyang ama ang pagtitiwalang ibinigay niya rito.
Sinira nito ang magandang pagkakakilala niya na ito ay isang mabuting padre de pamilya.
Nakakagulat at hindi kapanipaniwala na magagawa iyun ng kaniyang ama.
Kahit na ilang beses pa niya itong sumbatan ay hindi na mababago pa ang katotohanan na niloko sila nito.
Siguro naman ay hindi siya matatawag na walang kwentang anak kung tatalikuran niya sa mga pagkakataong ito ang kaniyang ama.
Pakiramdam niya may tila mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib habang nag-eempake ng kaniyang mga damit .
Ngayong araw din kasi ang kinuha niyang flight patungong America.Sapagkat hindi na niya kakayanin pa na tumagal ng kahit ilang minuto lang sa bahay na ito.
Mamayang gabi pa naman ang kaniyang alis.Maaga lamang siyang tutungo sa hotel para doon na lamang magpalipas ng oras.
Paglabas ng kaniyang kuwarto ay nadaanan niya ang silid ng mga magulan.Saglit siyang huminto sa tapat na iyun.Bago nagpasiya na buksan ang silid at pumasok.
"Ma.."
Iyung bigat na kaniyang nararamdaman ay mas lalo pa nadagdagan ng makita ang litrato ng kasal ng kaniyang mga magulang. Makikita ang saya at nakapagkit na mga ngiti sa labi ng bawat isa..Pamilyang inalagaan at iningatan ng kaniyang ina ngunit napunta lang sa wala.Dahil hindi ito pinahalagahan ng kaniyang ama .
Itinapon niya sa trash can ang hawak na litrato. Isa lamang iyung basura sa bahay.
Tinanggihan ng kaniyang Mama ang posisyon ng pagiging CEO sa kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang lolo Anton na ama ng kaniyang ina.Mas pinili nito ang maging ulirang maybahay at pagsilbihan sila.Buo ang pagtitiwalang ipinasa nito ang pagiging CEO sa kaniyang ama. Kahit na labag iyun sa kalooban ni Lolo Anton. Subalit wala na itong nagawa są naging desisyon ng kaniyang ina.
Pagkatapos ng lahat na pagsasakripisyo ng kaniyang ina ay napunta lang sa wala.
Walang panghihinayang na tinalikuran nito ang career bilang isang magaling na Abogada.
Maging ang pagtanggi sa posisyong ibinigay ng kaniyang Lolo Anton.Maging isang fulltime na maybahay lamang ito para sa kanila.
Tapos gagaguhin lamang pala ng kaniyang ama.Walang utang na loob!Pagkatapos ng lahat na isinakripisyong ginawa ng kaniyang ina.
Maingat na humiga siya sa kama .
Niyakap ang damit ng kaniyang ina na paborito nitong sleep wear.Kahit sa huling sandali ay mayakap at maamoy man lamang niya ito sa pamamagitan ng damit nito..
"I miss you,Ma."
Ilang minuto na ganuon ang naging ayos ng dalaga.Bago ito bumangon saka maayos na inilapag sa ibabaw ng kama ang damit ng ina.
Pagkuwa'y nagmamadaling lumabas na ng silid na iyun.
Nadatnan niya ang mga katulong sa recieving area at naghihintay sa kaniya.
"Manang laura,kayo na po ang bahala rito.Sainyo ko po ipagkakatiwala ang bahay na ito habang wala ako.."pagbibilin niya sa matanda."Kinausap ko na ho si Atty..siya ho ang bahala na magpasahod sainyo."
Napatango ang matanda.
Makikita din naman ang lungkot sa mga mata..
"Margareth,mamimiss kita.."
"Mamimiss ko din po kayo,Manang.Mamimiss ko kayong lahat."baling ni Margareth sa iba pang katulong.
Malapit sa puso ni Editha ang mga kasambahay nila. Kaya hanggang gusto ng mga ito na manatili sa bahay ay hahayaan niya. Lalo na at hindi na rin iba ang turing niya sa mga ito.
Kinausap na niya si Atty. tungkol sa mga naiwan ng kaniyang Mama.Ito na ang bahala ang sa lahat.