"Grabe ka talaga isipin mo natiis mo kaming hindi kontakin ng mahigit apat na taon.."ani Patty.
"Hindi nyo lang alam kung gaano ko gusto kayong tawagan,kaya lamang ay hindi talaga maaari,kasama ang pagtikis ko sainyo sa mga plano ko."
"Besh,mahigit apat na taon na ang nakakalipas,hindi ka pa rin ba nakakalimot."
Napailing si Margareth sabay tungga ng alak..hindi madaling kalimutan ang lahat lalo na at sobrang sakit ang idinulot nito sa kaniya..
"Mahirap kalimutan ang sakit na idinulot nila sa akin.Kahit ânong gawin ko at pilit kalimutan ay nanatiling sariwa pa rin ang sakit,nanatiling nakaukit dito sa aking puso at hindi pa rin naghihilom."
"Wala pa ba diyan są puso mo ang pagpapatawad."
Pagpapatawad?Napailing si Margareth,at may pait na gumuhit sa mga labi.Paano niya patatawarin ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina..
Ang taong sumira ng kaniyang mga pangarap.
Ang taong naging dahilan kung bakit malungkot ngayon ang kaniyang buhay at mag-isa na lang.
Hindi madaling magpatawad lalo na kung malałim ang sugat na nilikha nito.
"Magsisimula pa lang ako Roxy.Sa aking pagbalik ipinangako ko sa aking sarili.Sila naman ang luluha at magdadanas ng hirap at sakit..."
"Besh,sigurado ka ba dyan sa mga binabalak mo?"may pag-aalalang tanong ni Patty."Baka sa bandang huli ikaw na naman ang masaktan."
"Hindi na mangyayari iyun,dahil sisiguraduhin kung pagsisihan ni Papa ang ginawa nya sa amin panloloko ni Mama.."may pait sa tinig na wika ni Margareth..
Sa muli niyang pagbalik ay wala siyang ititira sa kaniyang ama,pagsisihan nito ang ginawa sa kaniyang Mama..
Hindi deserve ng kaniyang Mama ang lokohin at mamatay ng may sama ng loob..
Kaya walang kapatawaran ang ginawa ng kaniyang ama,dahil dito ay maaga siyang nawalan ng pinakakamahal na ina..
Tapos ang nagpapakasaya lamang ay ang kabet at bastarda nitong anak.
"Pero ama mo pa rin siya."
"Kinalimutan ko ng may ama pa ako,Roxy.Kasama ko ng ibinaon sa lupa ang koneksyon namen dalawa.Nang mamatay si mama ay tinapos ko na rin ang pagiging anak ko sa kaniya.."
"Besh...alam kung masakit para sayo ang lahat.Pero mahabang taon na ang lumipas,baka pinagsisihan na ng iyong Papa ang pagkakamaling nagawa niya."
"Huli na para magsisi siya,Patty.Nawalan ako ng ina.Hindi na niya kailanman maibabalik pa ang buhay ni Mama."
"Hindi ka namen masisisi kung matindi pa rin ang galit na nararamdaman mo,pero bago ka gumawa ng mga hakbang pag-isipan mo munang mabuti.Ikaw lang ang inaala namen."
"Salamat sainyo...pero buo na ang desisyon ko.Babawiin ko ang anuman dapat ay sa akin."
"Nasa likod mo lang kami.Hindi ka namen pababayaan.Pamilya mo kami ni Roxy."
"Yeah!..anuman ang mangyari nandito kami para sayo.."
"Salamat talaga sainyo."aniyang may ilang butil na luha ang pumatak sa mga mata.
Mapalad pa rin siya dahil may mga kaibigan siya na handang umunawa sa kaniyang nararamdaman.
"Ay naku!huwag nalang nga iyan ang pag-usapan natin.Nandito tayo para magsaya sa pagbabalik mo,at hindi para malungkot."ani Roxy.."mag-enjoy tayo ngayon..namiss ka namen ng sobra kaya dapat sulitin natin ang araw na ito na magkakasama."
Tumango si Margareth..
"Tama.."sang-ayon ni Patty."ang mabuti pa ay balitaan mo naman kami ng naging buhay mo sa America.Ano nakarami ka ba ng afam doon?"
"Sira!wala no, kahit isa.."
"Huh,ang hina mo naman.Nandun kana,hindi mo pa sinamantaala ang pagkakataon."
"Wala są isip ko, ang pokos ko ay ang pag-aaral."
"Hay naku!mahinang nilalang.."ani Roxy.
Tinawanan lamang ito ni Margareth.May mgaa nagtangka naman na manligaw sa kaniya.Subalit hindi naman niya iyun binigyan pansin,Hindi pa kasi siya handa na magentertain ng manliligaw ng mga panahong iyun. dahil nasa pag-aaral ang kaniyang pokos..
At saka kahit isa sa mga nagtangka ay wala man lang kilig siyang naramdaman sa mga ito,wala man lang kahit na kaunting katiting na spark.Kaya basted sa kaniya lahat.
Hindi niya bet ang Afam,pinoy pa rin ang pipiliin niya.
"Kayo ba,kumusta naman ang mga lovelife nyo?"
"Well,ako heto.Hanggang ngayon hinihintay pa rin si MR.Right."
"Antagal munang naghihintay hanggang ngayon hindi pa rin dumarating."pambubuska ni Roxy kay Patty.
Napaismid ito.
"Hmm..porke may love life ka..ikaw na ang mahaba ang hair.."
"Bakit sino ba ang boyfriend mo ngayon?'nacurious na tanong ni Margareth..."bago na ba ulit?'
"As usual,kailangan ba yan nagkaroon ng long term relationship.Kapag ayaw na..pakk!para ng basura na itatapon."nakairap na wika ni patty.
"Uy,hindi ako ganun ano?"
"Anong hindi...para lang sila sayong basahan.Kapag luma na ay itsapwera na.Goodbye loverboy.."
"Tumigil ka nga,Eh!hindi ko lang talaga mahanap sa kanila yung gusto ko sa lalaki,yung masasabi mong siya na panghabambuhay."
"Ay girl,sa dami ng lalakeng dumaan sa mga kamay mo, hindi mo pa ba nakita sa kanila?"
"Oo nga naman,"nangingiting Sabad ni Margareth sa usapan ng dalawa."teka,ano nga ba ang hinahanap mo sa isang lalake?Baka naman sa kahahanap mo mawalan ka tuloy at tumanda kang dalaga."
"Correct, kapipili bungi ang napili."pang-aalaska ni Patty.
"hoy!'anitong biglang nag-knock on the wood.."wag nga kayong dalawa ganyan sa akin mamaya magkatotoo yan,nakikipaghiwalay ako sa kanila kasi hindi na nagwowork ang relasyon,mahirap naman pilitin ko ang sarili ko kung hindi na ukol hindi ba?"
"Ang labo mo kasi,halos may mga perfect and right guy ng dumating sayo,pinakawalan mo pa.Ano pa bang hinahanap mo sa kanila?"
Napabuntonghininga ito.
"Ewan ko,hindi ko rin alam.."
"Ay,ang hirap mo espelingin gurl...sige ka,masama daw magtapon ng grasya.Kapag ikaw nabusungan ang kalalabasan mo matandang dalaga."ani Patty sabay tawa."sana naman ay na kay Yohan na ang hinahanap mo dahil kawawa naman yang tao,super duper inlababo sayo,maawa ka naman."
Napabuntong-hininga si Roxy,pagkuway bumaling kay Margareth.
"Ikaw ba kailan mo balak kulayan ang lovelife mo?"
"Wala pa są isip ko,iba ang priority ko sa ngayon."ani Margareth,sabay tungga ng alak."saka kusa naman yan dumadating eh kahyt hindi hanapin."
"Mahirap umasa na hintayin nalang natin na kusang dumating,dahil baka sa kahihintay natin uugod-uugod na tayo ay wala pa rin ang hinihintay natin."
Napabungisngis si Roxy sa tinuran ni Patty.
Nang araw na iyun ay sinulit talaga ng magkakaibigan na magkakasama .
Nagdesisyong ang tatlo na sa bahay na lamang ni Roxy umuwi para don na sila magpalipas ng gabi..
Namiss nila ang isa't isa.
Kaya naman hindi nila pinalagpas ang pagkakataon na iyun.
At katulad ng dati ay magkakatabi silang natulog..
"