Chapter 3: Semideus Academy

1221 Words
TATLONG araw na ang nakakalipas nang isama ako ng apat sa Academy, simula rin noon ay hindi ko na ulit sila nakita pa. Sa pamamalagi ko sa Academy nalaman kong 'Elites' ang tawag sa grupong kinabibilangan ng apat na prinsipe, sa grupong ito nabibilang ang mga estudyanteng may 'superior mana' o mga estudyangteng may kakayahan magexceed ng hanggang level 10 gamit ang kanilang abilities. Mayroon rin lamang treseng (13) miyembro ang elites at sila ang madalas pinapadala sa mission na may kinalaman sa labas ng paaralan. "Vana, nagugutom ako samahan mo ko sa cafeteria, pleaseee." napatingin ako sa kabilang kama kung saan isang maliit na babae ang kasulukuyan nakanguso sakin. "Katatapos lang natin mag-lunch ah, Nagugutom ka na naman?" "Pano ako mabubusog dun, eh gulay ang halos ulam!" natawa ako sa tinuruan nito. Si Gaia ang naging room mate ko sa kwartong Ibinigay sakin, hindi naman ito mahirap pakisamahan dahil mabait ito and thanks to her nagkaroon ako ng kaalaman patungkol sa Academy. Dahil linggo ngayon kasalukuyan kaming nasa dorm at nagpapahinga,"Tara na please. Ililibre kita!" pangungulit pa niya. Agad akong tumayo bago nag-unat, "Madali naman akong kausap e. Tara na." "Wow, kung hindi ko pa pala sasabihing libre hindi mo ko sasamahan." "Magic word yun." inirapan naman ako nito ng pabiro. Habang naglalakad palabas ng dorm ay hindi ko maiwasan hindi mamangha sa istraktura ng buong lugar. Mukha itong malaking mansyon na may maraming kwarto, marmol ang sahig at nahahati ang dorm sa east at west wing paths habang sa ground floor naman makikita ang malaking chandelier na nakapwesto sa gitna ng hallway. Pagkalabas ng girls dorm ay makikita ang Garden of Eden, isa itong hardin kung saan makikita ang iba't-ibang uri ng bulaklak at halaman na maaaring gamitin panggamot, madalas itong gamitin ng healers ng paaralan. Sa dalawang araw ko rito, kasama si Gaia inikot na namin kaagad ang bawat sulok ng Academy para hindi ako maligaw kung sakali man na hindi ko siya kasama. Hindi naman ganun kahirap sauluhin ang bawat lugar dahil nahahati lang ang Academy sa tatlong parte. Nasa East wing ang girls dorm, West wing ang boys dorm at nasa gitna nito ang main building na kung saan kami papunta ngayon ni Gaia. Pagkapasok namin ng cafeteria kapansin-pansin ang pagdami ng tao ngayon kesa kaninang lunch time. Mukhang kababalik lang ng iba galing sa short break. "Ano pala sa'yo, vana?" lingon sakin ni Gaia habang nakatingin sa menu. "Hmm. Coffee lang." sagot ko. Tumango ito bago umorder, sandali akong nagpaalam kay Gaia para humanap ng mauupuan. Dahil crowded ang tanging bakante nalang ay ang mga seats sa bandang dulo ng cafeteria. Umupo na rin ako kesa sa wala, tahimik akong nanonood sa mga estudyanteng masayang nag-uusap usap sa pag-uwi nila. Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung hanggang kelan ako dito pero sana sandaling panahon lang. Gusto ko ng umuwi at magtraining kasama ng ibang knights ng Monaccos. Hindi ko din kasi maintidihan ang hari bakit ipinadala pa ko dito, when in fact I am one of the strongest warrior in the whole kingdom. I'm not bragging, I'm just stating that I can take care of myself and I don't need any kind of protection. "You are finally here..." Napabalik ako sa malalim kong pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang boses. "I've been waiting for so long..." Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng cafeteria kung meron bang gumagamit ng abilities nila pero mga estudyanteng may kanya-kanyang usapan lang ang nakikita ko. Isang tray na puno ng pagkain ang bumaba sa lamesa na umagaw ng atensyon ko. "Havana, are you okay?" tanong ni Gaia na kakaupo lang. "Do you hear that?" tanong ko rito. Napakunot ang noo nito sa sinabi ko, "Hear what?" balik na tanong rin nito sakin. "I heard a voice. Faint voice." "Nako, baka pinagtitripan ka lang ng mga mages na nandito, vana. Nangyari na rin sakin yan e." sabi nito habang inaayos ang mga pagkain. Inilagay ni Gaia ang kape at slice ng cheesecake sa harap ko, "Ikain mo nalang yan. Wag mong pansinin yun." dagdag pa niya. "Thank you." Baka nga pinagtitripan lang ako. TAHIMIK akong nakatulala sa kisame habang inaalala ang nangyare sa headmaster's office. Pabalik na kami ng dorm ni Gaia nang harangin kami ni Darius para sunduin, dahil pag-uusapan daw ang pags-stay ko rito. Kaso hindi ko inaasahan na ang dapat pansamantala naging pansamantagal. "On the following days you'll gonna have your screening para malaman kung anong level at section ka ba dapat ibilang." seryosong sabi ng Headmaster. "Walang galang na po pero pansamantala lang naman po ako rito, kailangan pa po ba talaga akong pumasok?"  "Wait... king Gregor, didn't tell you?" hindi ako nagsalita at nagtatakang tumingin sa matandang babae. "He enrolled you. Actually, dapat last year ka pa nga nandito kaso sabi ng niya ay I-postponed muna at this year ka nalang pumasok." "Wha...what?!" tumango ang ginang at ngumiti sakin. "Based on your reaction mukhang hindi mo pa nga alam." "But he told me--" "Oh! you know alibis..." muling pagsasalita nito. Mas lalo akong naubusan ng salita nang tumayo ang ginang at ibinigay sa akin ang may kalakihang bag. "Welcome to the Semideus Academy, Havana Hughes..." "Hindi mo talaga alam na inenrolled ka ng magulang mo dito?" paguusisa ni Gaia sakin. Umiling ako, "Hindi. Ang alam ko lang pinapunta ako ng tatay ko rito para magtago...pero hindi ko alam na matagal na pala akong enrolled sa eskwelahan na 'to." napahilamos ako ng kamay sa mukha dahil sa inis. Yakap ang unan lumipat sa kama ko si Gaia, bahagya akong napangiti sa ayos nitong color pink pajamas. Cute. "Kasi alam mo nagtataka rin ako nung sinabi mo na pansamantala ka lang dito. Against kasi sa rules ng Academy na magpapasok ng outsiders unless dito ka mag-aaral or magtatrabaho." pagpapaliwanag ni Gaia. Hindi na ko nagsalita. Pakiramdam ko tinraydor ako ng sarili kong magulang. Alam niyang hindi ako papayag na umalis ng Monaccos kaya palihim niya kong inenroll sa Academy, kaya pala walang angal ang apat sa pagpasok ko dito kasi kasabwat rin sila. Napabuntong hininga nalang ako sa mga nalaman ko ngayon araw. Wala na kong magagawa kundi mag-stay dito sa Academy. Nararamdaman ko na ang presensya niya, naririnig ko na rin t***k ng puso niya. Nasa malapit lang siya. Alam ko. Kung kaya ko lang sana tanggalin ang bwisit na kadenang to! Muli kong inihampas ang kadena sa sahig at pader pero bigo akong magkalamat ito. "Pakawalan niyo ko! Damn it!" parang walang narinig ang mga ito at patuloy lang sila sa kanilang ginagawa. "Chill man, wag masyadong mainit ang ulo." sagot ni Isiah sakin. Prente itong naka-upo sa sofa habang naglilinis ng espada niya. "How can I calm? Ang lapit na niya sakin...konti nalang..." Ilang araw ko nang nararamdaman na nandito siya pero binalewala ko lang, pero kanina nang makita ko siyang nakaupo sa Cafeteria. Hindi ko napigilan sarili kong magparamdam. "You do know na hindi natin siya pwedeng biglain, right?" pasegundo ni Magdalena na kapapasok lang ng living room. I sighed, "I know... I just want to see her..." "Behave yourself, Theo. You'll meet her sooner." "Hear that? Calm your a*s, man. Wag masyadong takam sa babae." pangaalaska ulit ni Isiah. Sinamaan ko naman ito ng tingin bago umupo ulit sa sahig. Just wait... I'll come to see you...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD