Chapter 2: a*******n

1759 Words
Nang makarating sa hari ang pagdating ng apat na prinsipe kinagabihan ay agad itong nagpahanda ng kasiyahan sa loob ng palasyo at ang lahat ng pamilyang kabilang sa noble families ay imbitado.  "Goodmorning ladies and gentlemen! Today, we are honoured to have the opportunity to meet the Princes of Barcel, Wales, and Adora to our home..." Masayang wika ng hari habang katabi nito ang apat na prinsipe sa kanyang kaliwa. Nagkaroon nang bulungan ng mga tao dahil sa pagpakilala iyon ng hari.  "...You heard it right, this man beside me is the current crowning prince of Isidore's lineage, due of personal reasons ay ngayon lamang nagpakita sa publiko si Prince Leonidas." pagpapatuloy ng hari. Umabante ang naturang prinsipe at magalang na nagpakilala sa madla, "Good evening." Ang pagtataka ng mga tao ay agad rin naglaho at napalitan ng admirasyon lalo na sa mga maiden na naririto. "Kung ganyan kagwapo ay talagang tatanggapin ko na!" "Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ko nakakausap ang prinsipe!"  "Paunahan na lang tayo!"  Napailing na lamang ako sa kaharutan ng mga ito.  "...Hindi ko na patatagalin pa ito dahil alam kong sabik na rin kayong makilala ang ating mga panauhin. Princes, please enjoy the party." Ngumiti ang hari sa apat bago bumaba kasama ang reyna upang makihalubilo sa mga tao.  Sa pagtatapos ng maikling speech ng hari ay hindi na pinalampas ng mga noble families ang pagkakataon upang makausap ang apat na prinsipe. Ilan naman sa knights, kasama na ako ay nakabantay upang protektahan ang royalties.  Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid at nagmamasid ng lumitaw sa harap ko ang basong may laman na wine, nang tignan ko kung kanino ito galing ay isang nobleman ang bumungad sakin.  "Wine para sa magandang binibini." usal nito.  "Hindi ako umiinom." seryosong sambit ko.  "Wine lamang ito, tanggapin mo na."  "Pasensya na ginoo ngunit ayoko talaga." "Arte mo naman." Hindi nagpatinag ang lalaki. Walang sabing kinuha ang kamay ko at inilagay ang kopita sa mga pagitan nito.  "There. Hindi naman mahirap diba?" maangas na sambit nito. Kaunting pasensya havana, anak ng Marquess yan.  "Bakit napaka-ilap mo, Lady Havana?" usal ng lalaki habang hindi pa rin umaalis sa tabi ko at sumisimsim sa kanyang inumin. Hindi ko naman ito inimikan at Itinuon na lamang sa pagtingin sa ibang mga bisita ang aking ginawa.  "Sagutin mo ko." walang sabing hinablot nito ang aking braso upang mapaharap ako sa kanya.  "viscount, bitawan mo po ako. Mahiya ka sa inaasal mo nasa loob ka ng palasyo." tugon ko.  "Hindi ba't kabastusan rin ang hindi pag-entertain ng bisita?"  "Anong klaseng entertain ba ang gusto mo?"  "Simple lang naman..." malagkit nitong pinasadahan ang katawan ko at ngumisi.  Pumigtas na ang manipis na pisi ng aking pasensya. Bago pa man lumapat ang kamao ko ay may kung anong mabilis na pagbulusok ng baso mula sa aking likuran ang tumama sa mukha ng lalaki na naging dahilan ng pagkatumba niya.  Nakahakot ito ng pansin sa lahat. Nang marealize ng pamilya nito ang nangyare ay patakbong dinaluhan ng mga ito ang lalake sa kanyang pwesto.  "Anong ginawa mo sa anak ko?!" matatalim na tingin ang iginawad sakin ng Marchioness Peters. "Wala po akong ginagawa sa kanya." "Sinungaling!" galit na segunda ng Vuscount. "nakikipag-usap lang ako sayo ng maayos nang bigla mo kong binato ng baso!"  "Anong nangyayare rito?!" pagdagundong na ang boses ng hari sa di kalayuan. Nang makalapit ito ay bumungad sa matanda ang pamilyang nasa harapan ko. "Ang babaeng iyan mahal na hari! Sinaktan niya ang anak ko!" pagh-hysterical na turan ng Marchioness. Seryosong lumingon sa gawi ko ang hari, "Totoo ba iyon, Havana?"  Umiling ako bilang sagot. "Hindi po, sa katunayan ay binastos po ako ng anak niya." "Liar! Sabi ng anak ko kinakausap ka lang niya nang batuhin mo siya ng baso!"  "Huminahon ka Marchioness Peters..." lumingon ang hari sa Marquess at mukhang naintindihan ng matandang lalaki ang sensyas ng hari na agad nitong pinakalma ang asawa.  "Kung sa tahanan palang ay walang respeto hindi katakataka na kung sa labas ay asal hayop ito." usal ng lalaking may gintong buhok.  Natahimik ang lahat nang lumakad ito sa aking tabi at walang emosyon tumitig sa pamilyang kaharap namin.  "To see is to believe." Binuksan ng prinsipe Adora ang kanyang palad lumabas doon ang puting liwanag at ipinakita ang mga pangyayari kung saan naganap ang pambabastos ng lalaki sa akin hanggang sa tamaan ito ng baso. Namutla ang viscount habang nakatingala sa prinsipe at kahit ang Marchioness ay hindi rin nakaimik sa nakita.  Galit ang hinarap ng hari ang pamilyang Peters at agad na pinahuli ang viscount. "Ayoko ng makita ang pagmumukha mo sa aking tahanan." "T-teka wala kong kasalanan! Nakikipag-usap lamang ako!"  Rinig na rinig ang pagmamakaawa ng pamilyang Peters habang kinakaladkad ng mga kawal palabas ng hall. Humingi naman ng pasensya ang hari sa komosyon na nangyari sa party.  "Maraming salamat." turan ko sa prinsipe ng Adora. Hindi nito pinansin ang sinabi ko at walang sabing kinuha ang aking braso.  "Masakit ba?" tukoy nito sa pasa ko sa braso na nakuha ko mula sa vuscount. Muling sumikdo ang aking puso kung kaya't agad kong kinabawi ng aking braso. "Maliit na bagay lang ang pasa." "Nice scene." usal ni Darius, manghang pumalakpak ang tatlong prinsipe habang nakatingin sa amin.  "Idiots." mahinang usal ni Prince Leonidas bago nito hinarap ang tatlo na nakangisi.  "Kung sa tahanan ay walang respeto hindi katakataka na kung sa labas ay asal hayop ito." panggagaya ni Darius sa prinsipe ng Adora. "to see is to believe." segunda naman ni prince Achilles. "Ang angas! Nakakainlab!" pakikisali ni Prince Cicero at sabay-sabay na nagtawanan ang mga ito.  Napa-iling na lamang ang prinsipe ng Adora dahil sa kalokohan ng tatlo. Nang matapos ang kaguluhan ay doon na rin natapos ang kasiyahan, inutos ng hari na ikulong ng mahabang panahon ang viscount pero umalma ako. Hindi na kailangan pang ikulong ang lalaki dahil ilang beses na rin humingi ito ng tawad pati ang mga magulang niya, sapat na iyon. "Bakit hindi niyo ako sinamahan doon?" tanong ni prinsipe Leonidas.  "Ayoko, magmumukha akong alalay mo masama sa image ko yun." pag-angal ni Darius. Sumang-ayon rin ang dalawa pang prinsipe. "Ganun pa man ay maraming salamat sa pagtanggol mo sa aming prinsesa, prinsipe Leonidas." pagpapasalamat ng reyna rito. "Ginawa ko lang po ang tama, Reyna Juana." "Sigurado ka bang hindi na natin kailangan ipahuli ang bastos na iyon, anak?" umiling ako sa hari bilang tugon. Ngumiti ako rito. "Wala iyon pa, sabi ko nga po hindi dapat palakihin pa dahil humingi na sila ng tawad." "Dapat sinuntok mo sa nguso, vana!" "Malapit na sana kaso naunahan ako ng lumilipad na baso." sagot ko kay darius. Tumingin si Darius sa prinsipe Leonidas, "Oo nga e, gigil na gigil ba naman." H indi umimik ang prinsipe Leonidas.  Napuno ng ingay ang hapag-kainan ng gabing iyon dahil sa tatlong makukulit na prinsipe. Samut-saring kwento rin ang naikwento ng mga ito sa karanasan nila sa loob ng Academy.  "Ipagpapaalam po sana namin na pagkatapos ng meeting kasama ay agad po kaming aalis para bumalik ng Academy." pag-singit ni prince Leonidas na ikinatigil ng tatlong prinsipe.  "Ang bilis naman yata?" "Pasensya na po Reyna Juana pero isang araw lang po ang ibinigay na palugit sa amin ng Academy, magpapadala na lamang po kami ng mga tao upang makatulong sa paghahanda." turan pa ng prinsipe.  Mukhang naintindihan ng reyna ang isinagot ng prinsipe, "kung gayon ay magpahinga kayo ng maigi at para bukas may lakas kayo sa paglalakbay ninyo." "Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo sa amin, Haring Gregor...Reyna Juana." ngumitiang mag-asawa sa prinsipe at tumango. NAGING madilim ang gabi sa kaharian ng Monaccos, dahil ang buwan na nagbibigay liwanag ay natakluban ng mga ulap habang nakaratay naman sa mahimbing na tulog ang mga tao, ginawa itong pagkakataon ng itim na anino na kasulukuyang gumagala mismo sa loob ng kastilo.  Inisa-isa ng nilalang na ito ang mga kwarto at pasilyo ng kaharian. Walang pinaglagpas kahit isang lugar hanggat hindi natutunton ang pakay. Natigil ito sa dulong bahagi ng palasyo kung saan nahihimbing ang isang dalaga. "Ikaw nga." Ngumisi ang halimaw. "Oras na para harapin mo ang nakatakda para sa iyo... Eleanor." Itinapat ng anino ang kanyang palad sa katawan ng dalaga, agad na nilamon ng itim na usok ang babae kung kaya't madaling nailutang ito sa ere. Walang kahirap-hirap nakalabas sa kalapit na veranda ang anino, bago pa man makalayo ito ay isang espada ang lumitaw kung saan at tumama sa katawan nito.  Hindi naging handa ang anino at bumulusok ito pababa kasama ang babae, naging mabilis naman ang anghel sa pagsalo rito.  Naghuhumiyaw sa sakit ang halimaw. Nakatitig lamang ang anghel sa halimaw habang unti-unti itong nagiging abo.  "B-babalik kami... Babalik kami p-para patayin kayong lahat..." huling salita nang nilalang.  Walang imik na lumipad ang anghel sa kwarto ng dalaga at inilapag ito sa malambot na kama. "You're not safe here anymore." Mahinang sambit nito. Simula kaninang umaga ay usap-usapan na ang nangyare kagabi. Ayon sa report ng Popes ng simbahan nagkaramdam sila ng masasamang elemento na pumalibot sa bayan ng Monaccos. Kumukuha raw ang mga ito ng mga dalagang birhen para ialay sa kanilang diyos.  "Dalawang dekada na ang nakakalipas nang mangyare ang delubyo at ngayon ay mukhang mauulit na naman..." muling salita ni Pope Francis.  "Kung gayon ay kailangan muna natin itigil ang kompetesyon sa taon na 'to..." tugon ng hari bago umingon sa gawi ng apat na prinsipe.  "Huwag kayong mag-alala naipadala ko na ang mensahe sa headmaster patungkol sa nangyare kagabi, naiintindihan rin namin ang nangyayare." sagot ni prinsipe Leonidas.  "Maraming salamat prinsipe." Natapos ang pagpupulong pero ang tensyon ay hindi pa rin humuhupa. Magkakaroon ng cleasing of soul o pagsaboy ng holy water sa bawat sulok ng Monaccos bilang proteksyon pansamantala, ang lahat ng dalagang babae at bata ay ipinagiingat  at papaalalahanan magdala ng rosaryo sa kanilang katawan.  Mabilis naman akong gumalaw para pumunta makapuntang kampo pero hindi pa man ako nakakalabas ng meeting room ay agad akong pinigilan ng hari.  "Mayroon po ba kayong ipaguutos?"  "Sasama ka sa Academy..." walang gatol na sabi nito. Nagtataka akong tumingin rito.  "Anong dahilan ng pagsama ko ama?"  "Doon ka muna mananatili hanggat hindi nagiging maayos ang Monaccos." "Bakit biglaan naman po yata, ama? Paano ang kampo?"  "Hindi mo responsibilidad ang kampo Havana, nariyan ang Heneral Jaques para gawin iyon. Mapapanatag ang loob ko kung sasama ka sa Academy."  "Ama hindi--" natigil ako sa susunod na sinabi ng hari. "That's an order, Havana."  Mariin kong natikom ang bibig ko sa narinig, "Yes...your majesty."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD