Chapter 1: Prince Of Adora

2002 Words
NOTE: This story contains grammatical errors if your are the one who can't bear with that, I think this story is not for you. "... Learn to stand with your own. Let your guards up and be cautious on your surroundings... Never trust anyone except on your senses... Keep in touch with the forest and listen to the trees, they will lead you on your way..." Tatlong palaso ang sumalubong sa akin ng imulat ko ang mga mata, agad kong nailagan ang isang palaso habang ginawang naman panangga ang espadang hawak ko sa dalawa pa. Agad akong bumunot ng dagger galing sa aking tagiliran at ibinato sa taong nahagip ng mga mata kong nagtatago mula sa mga sanga at dahon mula sa itaas ng puno. Tumama ang dagger sa kanang paa ng lalaki na naging dahilan ng pagkahulog nito. Bingo... Tumakbo ako pagawi sa dalawa pang nakita ko na agad rin silang nagpakawala ng sunod-sunod na tira ng palaso. Ginamit ko ang mga malalaking punong nakapaligid para maka-ilag. Palihim akong umakyat ng puno at nagtago sa mga malagong dahon. Mula sa aking likuran hinugot ko ang aking pana, kumuha ng palaso at palihim na itunutok sa tigiliran ng target, wala pang isang minuto ay nahulog na ito ganun rin ang ginawa ko sa isa pa. Matapos ang tatlong pagkatalo ay naging tahimik ang lugar at puro kuliglig lamang ang maririnig na nag-iingay. Mas tinalasan ko ang aking pakiramdam sa paligid. "...Hindi lahat ng lugar na tahimik ay ligtas, ang katahimikan ay naghuhudyat ng masdelikadong pag-atake. Pinapangahulugan lamang nito na pinag-aaralan ng kalaban ang iyong mga galaw..." Gamit ng tunog ng mga tuyong dahon sa lupa mabilis kong nakalkula ng mga yabag mula sa di kalayuang distansya. Dalawa ang tumatakbo galing sa likuran, isa naman sa kanan pati sa kaliwa, lahat sila sa direksyon ko ang punta. Maagap kong itunutok sa likuran ko ang aking pana upang magpakawala ng pang-opensa sa dalawang tumalon para atakihin ako, mukha nagulat ito sa aking paggalaw at hindi na naka-iwas pa napangisi ako ng matamaan sila ng aking palaso sa dibdib. Nakarinig ako ng mga igik ng sakit pero agad rin itong natigil. Mga nanlilisik na mga mata ang sumalubong sakin pagbaba ko ng puno, nakapalibot sila na para bang naghihintay ng pagkakataon sumugod. How can they win a war if they don't work as one? Mga batang to hindi na natuto. Ilang minuto ang nagdaan ng isa-isa na silang nagpalit ng anyo mula sa normal na laki ng tao sa isang mabangis na mga hayop. Napaikot nalang ako ng mga mata, wolves and their ego's. Sabay-sabay sila kung sumugod sa akin, ginamit ko ang aking espada panangga sa mga matutulis na kuko at mga pangil na gigil na masugatan ako, puro depensa at ilag lamang ang ginawa ko. Hingal na tumigil ang mga ito at muli ay pinalibutan nila ako. Naging handa naman ang mga reflexes ko sa mga susunod na mga atake. Sumugod ulit ang isa sa mga ito mula sa likuran at akmang sasakmalin na ako nang mahugot ko sa kaliwa kong kamay ang natitirang dagger at agad na isinaksak ito sa kanyang leeg. Naging pagkakataon naman ito para sa dalawang lobo para makalapit sakin, muli kong hinugot ang dagger na ginamit ko sa nauna at ihinagis sa isa na tumama sa kanang dibdib nito. Wala na kong sinayang na oras at ibinaon sa katawan ng natitirang lobo ang espadang hawak ko. Tumayo ako ng tuwid at tinignan ang mga lobong sugatan, their bodies are changing into their human forms and the wounds came from the combat training are now gone. Agad na rumisponde ang mga healers ng kaharian para icheck ang mga batang sundalong nakatamo ng injury. "Sineryoso mo yata masyado ang training?" napatingin ako sa nagsalita mula sa likuran ako at agad akong nagbigay galang. Ang Hari ng Monaccos. "My apologies, King Gregor. Pero ginagawa ko lamang po ang naka-atang sakin na trabaho. Iyon ay ang palakasin ang ating mga susunod na mga sundalo." Bumakas ang malawak na ngiti sa mukha ng hari at tinapik ang aking balikat. "Napakaseryoso mong bata, Vana! Try to loosen up! Baka mauna ka pang tumanda sakin niyan!" "kung ikukumpara ang balat niyo sa akin? Masmaganda ang akin..." malokong tugon ko sa kaniya, imbis na ma-offend sa asal ko ay sinabayan niya pa ito ng malakas na halakhak. Isa akong ulila at ang mag-asawang Hughes ang tumayong mga magulang ko simula nang makita ako ng hari sa maliit na basket sa gitna ng digmaan, 18 years nang nakakalipas. Wala akong pagkakakilanlan kaya sila na mismo ang nagpangalan at kumopkop sakin. Kahit ganun pa man nagpapasalamat pa rin ako dahil naging maganda pa rin ang buhay ko sa mga puder ng Hughes. Tinuring akong isang tunay na anak, pinag-aral sa magandang eskwelahan, at naging isang warior ng kaharian ng Monaccos. Dahil ako ang nag-iisang babae na knight binansagan akong female-Alpha. Sa batang edad ay napasama ako sa Pillars of Kingdom, Ang pillars ay samahan ng magagaling na healers, warlock, at knights. "King Gregor." hindi namin napansin ng hari ang pagdating ng Duke. Napatigil ang ito sa pagtawa at bumalik ang seryoso nitong mukha, may ibinigay na itim na envelope si Duke Walter na agad naman kinuha ng hari. "Inbitasyon mula sa Academy paanyaya ng mga taga-Semideus para sa darating na kompetesyon."usal nito. Hindi umimik ang hari at mataman na binasa ang sulat. "Ipaalam sa lahat ang imbitasyon ng Academy." "Yes, Your majesty." Nagbigay galang ang Duke bago umalis sa aming harapan. Muling bumaling sa akin ang hari, "Mabuti pa ay magpahinga ka na, magluluto ang inang reyna sa hapunan. Magtatampo yun kapag hindi ka na naman pumunta" tango at ngiti lang ang tinugon ko rito. Hindi pa man natatapos ang araw ay parang apoy na kumalat ang usap-usapan sa buong kaharian sa pagkakaroon ng entrance exam sa Semideus Academy. Kilala ang naturang paaralan sa pagkakaroon ng mataas na kalidad ng pag-aaral at halos ng mga nakakapasok rito ay galing sa noble families kasama na ang anak na lalaki ng hari't reyna. Ngayon taon ang napili ng eskwelahan para magbigay ng scholarship sa lahat ng commoners. "Havana..." tawag pansin ng inang reyna. "Ayos ka lang ba? Tulala ka anak." Umayos ako ng upo at bahagyang ngumiti rito, hindi ko napansin na lumipad na naman kung saan ang utak ko. "Ayos lang po ako, pasensya na." "Masyado mong pinapabayaan ang sarili mo anak, tignan mo nga ang katawan mo... Ang payat mo na." nag-aalalang segunda sakin ng reyna. "Alam mo naman yang anak mo Juana, masyadong dedikado sa kanyang trabaho. Manang-mana sa ama!" pagmamalaki pa ng hari at kumindat pa sakin. Napatawa naman ako sa inasal nito. Matalim kaming tinignan ng reyna na nagpatigil samin, "Tigilan niyo akong mag-ama, ipapaalala ko lang sayo anak. Isa kang babae at prinsesa pa! Hindi isang knight..." isinapo nito ang dalawang kamay ko. "Dito ka nalang sa kastilo anak, samahan ako dito, hindi ako mapapalagay kung makikipaglaban ka pa sa labas ng kaharian." Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyakap ito ng mahigpit mula sa likod. Hindi ako magsasawang mahalin ang dalawang taong higit ang malasakit sakin. Maswerte ako na kahit hindi ko nakasama ang mga tunay na magulang ko ay mayroon akong King Gregor at Queen Juana na laging nandyan para punuin lahat ng kulang sa akin, sa bawat haplos ng reyna sa aking braso ang nagpapaalalang may pamilya ako, hindi ako basta nag-iisa. "I love you, ma. Pero hindi pwede alam mo naman na kailangan ako ng kampo" napabuntong hininga ito dahil alam niyang hindi ako magpapatalo sa ganitong usapin. "I love you too, princess." humalik ito sa tungi ng aking ilong na ikinangiti ko ng lubos. Nakita ko naman kumindat ang hari bago nagpatuloy kumain. Matapos ang hapunan ay pinadiretso kaagad ako sa kwarto ng reyna para makapagpahinga. Ilang minuto na rin yata akong nakatitig sa maliit na chandelier sa kisame pero hindi ako dinadalaw ng antok hindi na yata sanay ang katawan ko sa malambot na kama at mas hinahanap ang matigas na higaan sa quarters. kinuha ko ang maliit na box sa isa sa mga drawer ng bed table kung saan nakatago ang nag-iisang alaala nung matagpuan ako. Kulay ginto ang kwintas na may maliit na hour glass na pendant, at may laman itong kulay puting likido sa loob. "Sana buhay pa kayo..." Tinitigan ko ito ng matagal. Hindi ko alam pero sa tuwing nahahawakan ko ito ay parang hinihila ako kung saan. Maninit na sinag ng araw ang nagpamulat sakin mula sa pagkakahimbing, kapag narito ako sa kastilo ay hindi ko maiwasan matulog ng matagal hindi katulad kapag nasa quarters ako hindi pa man nasilay ang araw ay nagt-training na kaagad ako kasama ng ibang knights. MATAPOS mag-ayos ng sarili ay agad akong lumabas ng kwarto, naabutan ko pa ang mga royal maids na naghahanda ng pagkain habang nakaupo at kumakain ang reyna. "Goodmorning." pagkuha ko ng atensyon nito. "Goodmorning, princess." masayang bati nito pabalik, nagbigay galang naman ang mga royal maids ng makita ako. "Breakfast ka na." "next time na lang po, ma." pagtanggi ko rito. "Marami pa po kasi akong gagawin sa quarters." Tumango ito at hinaplos ang buhok ko, "Okay, pero dito ka ulit magdidinner ha? Darating ang kapatid mo mamaya." "Anong gagawin niya dito?" "Sabi lang sa akin ng ama mo mukhang patungkol ito sa tournament." "Sige po pupunta ako mamaya." pag sang-ayon ko. Mabilis na humalik ako sa pisngi ng reyna bago umalis. Hindi pa man ako nakakarating ng quarters ay rinig na rinig na ang ingay ng mga kawal at mga taong hindi mapakali makita ang nasa loob. "Magbigay kayo ng magandang rason para hindi ko kayo parusahan lahat." Mga gulat at takot na ekspresyon ang namutawi sa mga mukha ng mga tao at mabilis na bumalik sa kani-kanilang mga pwesto. Napailing na lamang ako sa mga ito. "Maaga pa lang pero stressed ka na?" isang pamilyar na boses ang nahimigan ko sa hindi kalayuan, nang lingunin ko ito ay ganun na lamang ang saya ko ng makilala ito. "Darius?!" "Goodmorning princess." ngumiti ito sa akin, mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at inambahan ko ito ng yakap. "Akala ko ay mamaya ka pa? Alam na ba ng hari't reyna na nandito ka na?" tanong ko rito. Umiling ito, "Hindi pa, kararating lang namin nang magsungit ka dyan." "Kaya pala nagkakagulo ang mga tao rito dahil sayo." napatawa ito sa tinuran ko. "Hindi naman ako pumunta dito para bumisita, nandito kami para makipag-ugnayan sa mga officials dito dahil gusto ng Academy na dito ganapin ang tournament." pagpapaliwanag niya. Tumango ako bilang tugon. Napagawi ang tingin ko sa mga lalaking katabi ni Darius, katulad ni Darius mga naka-puting cloak rin ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko ang mga ito, agad akong lumuhod para magbigay galang. Ang prinsipe ng North at South ay nandito mismo sa harap ko! "Patawarin po ninyo ako Prince Cicero, Prince Achilles. Hindi ko po kayo napansin." Ngumiti ang lalaking nakasalamin at tinapik ako nito sa balikat. "Wala iyon." Cicero Holant II, the crowning prince of Wales Kingdom. "Maganda umaga, prinsesa." sagot ng lalaking na may kulot ang buhok. Achilles Green, the 3rd prince of Barcel Kingdom. Nagpipigil na tawa ni Darius ang bumungad sakin ng tumunghay ako, sinamaan ko naman ito ng tingin na ikinatigil niya. Ipinakilala naman ni Darius ang natitirang lalake,"Prince Leonidas Isidore, sole child of King Edward, and also the crowning prince of the kingdom of Adora." Crowning prince? Hindi ko akalain na may anak ang King edward at Queen Mary dahil sa bawat okasyon na nagsasalo-salo ang bawat kaharian ay ni minsan hindi ko ito nakita, sa lahat rin ng nakilala ko sa mga royal families siya lang ang napakiramdaman kong kakaiba. Dahil siguro sa kulay ginto nitong buhok o dahil sa kakulangan ng emosyon sa mga kulay abo nitong mga mata. Walang pasabing kinuha ng prinsipe ng Adora ang kamay ko at dinala ito sa kanyang mga labi. Napasinghap ako sa ginawa niya, "Pleasure to meet you, princess Havana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD