Chapter 1
“See you next monday class!" nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga batang estudyante ko na nasa kinder.
“Goodbye Ma'am Gonzales!" sabay-sabay na sagot nang mga bata.
Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata para makalabas ang iba naman ay naglalakad habang may kakwentuhan.
“Students! Please be careful para di madapa". mahinahon akong nagsasalita , nagsingisi lang ang mga ito at nagba-bye na sa akin.
“Mama!" patakbong lapit sa akin ni Misty. Lumalapit lamang ito sa akin kapag wala na ang lahat nang kaniyang kaklase. Natutuwa din ako sa kaniya dahil siya lamang sa lahat nang estudyante ko ang tumatawag ng Mama sa akin. Hiyaan ko na lamang dahil alam kong nangungulila ito sa totoong magulang nito na nasa ibang bansa. Habang ang guardian naman ni Misty ang kaniyang uncle Xavier ang siyang naghahatid sundo kay Misty.
“Oh Misty!" pumantay ako dito at niyakap ito.
“Mama Honey, Can i wait my Uncle? He called me to wait him and he will be late but surely come." nakikiusap ang mukha nito. Napatitig ako sa magandang mukha nito na parang manika. Mga matang kulay blue at ang buhok nitong may pagka blonde na sobrang tuwid na tuwid. Namumula pa ang magkabilang pisngi nito at sobrang napakaputi dahil na rin sa ang tatay nito ay isang british at ang nanay nito ay half filipina at half russian. Kapatid nito ang uncle Xavier ni Misty. Kilala ang mga ito na mayayamang tao sa pilipinas at maski na rin sa ibang bansa.
“Sure! No problem" napangiti ako dito at binuhat ito. Nasanay ako na lagi binubuhat si Misty kapag naglalambing. Nagpapalambing lang din ito kapag dalawa lang kami dito sa classroom dahil ayaw niyang nakikita siya nang iba niyang mga kaklase. Tiyak na late ang uncle Xavier nito sa pagsundo.
Umupo ako sa aking Chair habang nakakandong si Misty sa aking mga hita.
“Gusto mo bang i-ponytail natin ang hair mo?"
“Yes po Mama!" masayang sagot nito habang tumatango.
Napahagikhik naman ako. Habang ito naman ay nanonood ng Frozen sa YouTube. Nagsimula naman akong suklayan ang maganda nitong buhok. Kumuha ako sa aking drawer ng maraming sanrio sa buhok, Nagdadala ako nang ibat ibang klaseng panali sa buhok na ang design ay mga may pa butterfly, flowers, ribbons at marami ding mga clips. Sinadya ko iyon dahil gustong gusto ko ang mag-ayos ng mga buhok.
Nang matapos ay pinaharap ko sa kaniya ang salamin at kitang kita ko ang lawak ng mga ngiti nito.
“Wow!" sambit nito.
“You look so beautiful Misty!"
“Which one? My hair or my face?" tanong ni Misty na para bang naninigurado.
Ako naman ay napatawa sa di inaasahang tanong nang estudyante ko.
“Your face of course! Sobrang napakamaganda. Then pinaganda pa natin ng husto ang hair mo. Look, you look like a princess now"
Humarap ito sa akin.
“Thank you mama Honey!" malambing boses na sabi nito, sabay pulupot ng maliit na mga braso sa aking leeg.
“Welcome!" ganting yakap ko dito.
Napabitaw kami sa pagkakayap nang may boses na nagsalita.
“Misty!" tawag nang isang lalaki na ikinagulat namin at ikinalingon namin sa pintuan.
“Uncle Xander!" patiling sigaw ni Misty at dali-daling bumaba sa kandungan ko. Patakbo pa itong lumapit sa tinawag nitong Uncle. Nang makalapit ay mabilis nitong kinarga si Misty at hinalikan sa pisngi.
Halos mapanganga naman ako sa aking nakita, hindi dahil sa pagkita ni Misty sa kaniyang uncle. Kundi sa mismong uncle nitong sobrang napakagwapo, sobrang napakatikas din nang dating nito dahil bakat na bakat ang muscles nito sa suot nitong white long sleeves. Napakalaking tao din nito na para bang higante na, magkasing tangkad at laking katawan sila ni Xavier, pero ang isang iyon ay malinis tignan at bata pa, pero itong na sa aking harapan ay mukhang dirty yummy. Mabalbas ang mukha nito at long hair na pinusod lamang ang buhok. Parang katulad ni Can Yaman. Sa unang pagkakataon ay halos mapatalon ang aking puso nang lumingon ito sa akin.
“Uncle I want you to meet my beautiful teacher. Mama Honey!" si Misty na ngiting ngiti habang pinapakilala ako sa kaniyang tiyuhin.
Halos malunok ko ang aking dila nang mapatitig ang lalaki sa akin.
“Mama Honey, this is my uncle Xander"
“Oh hi Ms. Honey" baritong boses nito.
Ako naman ay biglang napatayo nang magsalita ito. Pakiramdam ko ay natataranta ako sa paraan nang pagkakatitig nito sa akin. Pati ata ang kaluluwa ko ay nakikita nito.
“H-hello din po Mr.Xander" magalang kong sagot. Kahit ang totoo ay halos mapaihi ako sa klase ng tingin nito sa akin nang magsalita ako.
“Thanks for taking care of my niece, pasensiya na may dinaanan pa akong importanteng bagay."
“Walang anuman po yun Mr.Xander. Tungkulin ko po na laging alagaan ang mga estudyante ko po" ngumiti ako sa kaniya.
Tumikhim ito.
“Okay, we need to go first thank you so much"
“Bye bye Mama Honey!" si Misty na nakalambitin sa leeg ng kaniyang uncle Xander.
“Bye bye Misty, see you on monday" matamis na ngiti ko sa bata. Nabura ang ngiti ko nang mapatingin ako sa kaniyang uncle na ngayon ay kunot noo at salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin.
Nang magkasalubungan kami ng tingin ay ito na ang unang bumawi at mabilis na tumalikod. Parang wala lang.
*hmmpf parang timang naman yun, sayang ang gwapo pa naman!* sigaw ng aking kaisipan.
Nang mawala na ang mga ito sa aking harapan ay mabilis na akong nagligpit nang aking table. At kinuha ko ang aking shoulder bag, palabas palang sana ako nang makarinig ako nang nagtitilian. Kasing bilis ng kidlat ay nagkukumahog na lumapit ang dalawang co-teachers ko.
“Ay Ma'am Honey! Sa wakas napadpad na ulit dito si Sir Xander!" impit na sigaw ni Ma'am Garcia.
“Grabe habang tumatagal lalo siyang nagiging hot! rawr! " kuntodo kilig naman ni Ma'am Santos.
Ako naman ay napakunot noo sa mga dalawang ito.
“Grabe kayo makakilig parang wala kayo asawa ah"
Sila naman ay natigilan.
“Ay sus naman ma'am Honey, hindi mo kami maloloko kung sasabihin mo na di ka attractive kay Sir Xander " pinandilatan pa ako ni Ma'am Garcia.
“Oo nga, grabe siya di na pwedeng gwapong-gwapo lang kami sa kaniya" napataas tuloy ang isang kilay ni Ma'am Santos.
Bigla naman akong nakonsensiya.
“Hindi naman sa ganun, nakakagulat lang ang mga reaksyon ninyo" sabay ngiti ng alanganin.
“Tsk! Kung pipiliin mas type ko talaga itong si Sir Xander , super yummy eh. Kahit matanda na eh mukhang palaban pa din." mahaderang bibig ni Ma'am Garcia.
“Gwapo nga siya, pero mas gusto ko si Sir Xavier. Mas yummy dahil bata pa" si Ma'am Santos na di nagpatalo.
Napapailing na lamang ako sa kanilang dalawa at dumiretso na lamang nang lakad at baka kung saan mapunta ang kanilang usapan.
“Uy Ma'am Honey! Bat bigla ka nalang aalis? Grabe siya parang others"
“Tsk, marami pa kasi akong gagawin kayo naman dalawa oh, kelangan ko nang umuwi" kunwaring napatawa pa ako pero sa loob loob ko ay nakaramdam ako ng inis sa dalawa. Para kasing di teacher itong dalawa.
“Ayyst! Tatanungin ka pa nga namin kung sino sa dalawa ang type mo" si Ma'am Santos na ayaw pa atang papigil.
“Wala akong time sa ganyan mga Madam. Kaya sige kitakits nalang next week!" sabi ko sa mga ito at binirahan na nang layas ang dalawa.