NOT GIVING UP

2715 Words
It felt like an eternity since Trent left. Nang tuluyan nang mawala ang pag-asa ko na babalik s’ya ay hinanao ko na ang cellphone ko para matawagan si Misha. "Alisson, kanina pa kita tinatawagan! Nasaan ka na ba?" bungad ng best friend ko na si Misha nang sagutin ang tawag ko sa unang ring pa lang. Hearing Misha’s voice made me feel the pain all over again. Muling tumulo ang mga luha ko at napayakap na lang ako sa akin sarili. "Misha, can you bring me a blouse?" I asked in a shaky voice. “What’s happening, Alisson? Nasaan ka ba? Bakit mo kailangan ng damit? At umiiyak ka? Alisson! Ano’ng nangyayari?” Misha started her hysterics. I gave her the name of the hotel I am in and the room number. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nangyari. Hindi ko magawa na sabihin na nagkita kami ni Trent. At lalong hindi ko kayang aminin na nakakadurog ng p********e ang inaalok ni Trent sa akin. I sat by the foot of the bed and hugged myself. I cried my miseries. Walang araw na nagdaan na hindi ko pinagsisihan ang nagawa ko kay Trent. Kaya kahit na napakasakit ng mga binitiwan n'yang salita at insult sa buong pagkatao ko, hindi ko makuhang magalit sa kanya. Hindi ko s’ya susukuan. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na tadhana ang nagdala sa amin pabalik sa mundo ng isa't isa. Pagod na akong sumubok mabuhay na wala s'ya. Hindi ko kayang maging masaya na wala s'ya. Dahil lahat sa akin ay binago na n'ya. Lahat sa akin ay nakadepende na sa kanya. Minsan ko s'yang minahal. At ang buong buhay at pagkatao ko ay nabago ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko na kayang maging masaya nang wala s'ya. Limang taon ko 'yong sinubukan, pero walang nangyari. Mahal ko pa rin s'ya hanggang ngayon. Mahal na mahal. After few minutes of crying by myself, muling nagsalita si Misha mula sa kabilang linya ng tawag. Halos nakalimutan ko nang kausap ko pa s’ya. "Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Misha. Umiling ako kahit hindi naman n'ya nakikita. "No! No, Misha. I'm not alright," pahagulgol na tugon ko. Pakiramdam ko ay may mahigpit na pumipisil ng puso ko. Ang sakit-sakit. Tinapos ko na ang tawag sa matalik kong kaibigan at initsa na lang kung saan ang telepono ko. Mahigpit na yumakap ako sa mga tuhod ko at ibunuhos ang lahat ng emosyon ko. Pakiramdam ko ay nangungulila ako sa pagmamahal na limang taon ko nang kinasasabikan. "Bakit ba nangyari sa atin 'to, Trent?" kausap ko sa kawalan. Naghahangad na sana ay dalhin ng hangin ang katanungan ko. "Mahal na mahal kita. Please, pakinggan mo naman ako." Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na umiyak. Ang alam ko lang ay hindi naman iyon nakagaan sa nararamdaman ko. Kahit sana kaonti. Kahit yata ilang litro ang iluha ko, hindi gagaan ang pakiramdam ko dahil hindi s'ya bumabalik sa akin. "Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa akin," bulong ko sa aking sarili, bilang pagbibigay pag-asa at lakas ng loob. Minsan na akong minahal ni Trent, kaya maaaring mahalin n'ya akong muli. Kung pagiging makasarili man ito, nais ko na munang maging makasarili. Nais ko na pagbigyan na muna ang sarili ko na maging maligaya. I let myself get drown with my miseries. Naputol lang ang pity party ko nang may kumatok na sa hotel room. Pinahid ko ang mga luha ko sa magkabilang pisngi at kinuha ko ang kumot para ibalot sa aking sarili. I saw Misha when I opened the door. Sa nanglalaking mga mata ay sinuri n’ya ako. "Hey. Alisson, what happened to you? You look like a mess," sabi agad n'ya pagpasok ng silid. Kita ko ang pagtataka at kaguluhan nang pagmasdan n’ya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko s’ya sinagot at tumungo na muna pabalik sa kama. I sat by the bed’s edge then clenched the sheets on my chest. "I saw him," I said in a defeated tone. Kahit hindi ko sabihin kung sino, alam ko na kilala ni Misha ang tinutukoy ko. Misha sat with me on the bed then she wrapped her arms around me. Isinandal ko ang ulo ko sa kaibigan at hinyaan na i-comfort n’ya ako. It’s a blessing to have a best friend by your side. Misha is like a sister to me. And I am always thankful that I met her. “Alisson, ‘yong iniisip ko ba na nakita mo ang nakita mo talaga?” Misha asked in a careful tone. “Sino nga ang nakita mo?” "S-si T-Trent," nag-aalinlangang sagot ko. Napasinghap s'ya. "Seriously?!” Misha held me by my shoulders then forced me to face her. "Si Trent? As in si Trent Ramos?" She shook me while waiting for the confirmation. “Hindi ba ‘to hallucination?” I bowed my head and managed to nod my head. It took some time before I got a reaction from my best friend. Mukhang tinitimbang pa n’ya kung paniniwalaan baa ko, o iisipin na nababaliw lang ako. "Oh my Gosh!" Misha pulled me in a tight hug. "Okay ka lang ba? Ano'ng ginawa niya sa'yo? Bakit mukha kang na-rape?" at inilayo niya ulit ako. "Oh my. Did he rape you?!" nanlalaki ang mga mata n'ya habang sinusuri ako. Tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya. Parang hinang-hina ako. Pakiramdam ko ay isa akong sugatang kawal na sumabak sa digmaan. "Alam kong ayaw mo pang magkwento ngayon," tumayo si Misha at iniabot sa akin ang paper bag na dala n'ya. "O, ayan ang damit mo, mahal 'yan kaya bayaran mo," sinubukan pa n'yang magbiro. Kinuha ko lang ang iniaabot n'ya sa akin at hinayaan kong malaglag sa sahig ang kumot. Naka-bra naman ako. Isinuot ko lang ang blouse na binili n'ya at naupo ako sa paanan ng kama. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng mahihingahan ng problema. Kaya naman napagpasyahan ko na ikuwento na rin kay Misha ang lahat. Kinalma ko ang aking sarili at lumapit sa ref para kumuha ng maiinom na tubig. "I went to see Mr. Madrigal this morning at a restaurant. When I was about to leave, I bumped into a man. And it turned out to be Trent. Bigla na lang s'yang tumalikod at umalis. Syempre ay sinundan ko s'ya. Nang maabutan ko siya sa parking ay..." naiyak na ako.   "Trent," I hurriedly went after him. Pinigilan ko s'ya sa braso. Marahas n'yang hinablot ang braso n'ya mula sa pagkakahawak ko. "Don't touch me, b***h!" galit na sigaw n’ya at kulang na lang ay itulak ako palayo sa kanya. Napaatras pa ako ng isang hakbang nang masalubong ko ang nagbabagang galit sa mga mata n'ya. Hindi ko nagawang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Trent, please lis-" "I don't want to talk to someone as filthy as you!" galit na sigaw ni Trent sa akin. Hindi ko kayang salubungin ang titig n'ya kaya naman nagbaba na lang ako ng tingin. "Trent, please listen to me. I have my reasons why-" again, he cut me off. "Reason?! What reason huh, Alisson? Na mas mayaman kasi sa akin ang gagong 'yon?!" sigaw ni Trent sa akin. Nakatingin na sa amin ang ibang tao sa parking. Nagyuko na lang ako lalo ng ulo. "It's not-" again, he didn't let me finish my statement. "At ngayon naghahabol ka sa akin dahil mayaman na ako?" mayabang na sabi n'ya pa. "Trent, please, I'll do everything para mapatawad mo ako," pagmamakaawa ko at hinawakan ko pa ang kamay n'ya. Agad niyang binawi ang kamay na para bang may nakakahawa akong sakit. "Everything, huh?" sarkastikong tumawa pa s'ya. Ni hindi ko nagawang iangat ang ulo ko nang tumango ako. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa labis na poot na pinapakita ng mga mata n'ya. "Get in my car." Nauna na s'yang pumasok sa loob ng magarang sasakyan n'ya. Nagulat ako sa inasal n'ya. My Trent used to be sweet and gentle, malayong-malayo sa Trent na kaharap ko ngayon. Pero alam ko naman kung bakit ganito s'ya. Binago na s'ya ng sakit na naidulot ko sa kanya. At wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko. Nagulat ako nang bumusina s'ya, kasunod n'on ay ang pagbaba n'ya ng bintana. "What? Kung ayaw mong pumasok, tumabi ka na lang para makaalis na ako," inis na sabi n'ya, na tila pagsasayang ng oras na makipag-usap pa s'ya sa akin. Left without a choice, I walked towards the passenger seat then entered his car. Pagkasara ko ng pinto ay agad n'yang pinaandar ang sasakyan. Naging tahimik ang byahe, na rinig ko na ang malakas na hampas ng puso ko. Sa dami ng gusto kong ipaliwanag sa kanya, hindi ko na mahanap ang mga tamang salita. Sa laki ng galit n'ya sa akin, hindi ko alam kung saan ako dapat magsimula. Pumasok kami sa isang hotel at magalang namang bumati ang mga tao doon sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanya habang nakayuko. Para s'yang isang bituin na napakahirap abutin. Ni ang pagmasdan s'ya ay tila kalabisan para sa akin. "Have you prepared my suite?" tanong ni Trent sa isang babae na sa tingin ko ay manager ng hotel. "It’s ready, Mr. Villasis," magalang na sagot ng babae at yumukod bilang paggalang. Lahat ng nakakasalubong namin ay magalang na yumuyukod kay Trent. Tila s'ya isang hari na dapat igalang at sambahin. Lumakad si Trent papunta sa isang elevator na walang nag-aabang. Pag-aari n'ya ang lugar na ito? Exclusive lift? "I own this hotel," sagot ni Trent sa tanong sa isip ko. He let out a sarcastic chuckle. "Silly me,” his voice dripped with sarcasm. “Of course, you knew. Kaya ka nga naghahabol sa akin ngayon. Pera lang naman ang katapat mo," mahinang sabi n'ya sapat lang para marinig ko. Nasasaktan talaga ako sa mga sinasabi n'ya. Kaya naman kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kailangan kong ipaintindi sa kanya ang naging sitwasyon ko. Kailanman, hindi ko ninais na saktan s'ya. Masyado ko s'yang mahal. Pumasok na si Trent sa elevator kaya naman sumunod na lang ako sa kanya. When we stepped out of the elevator, he entered a room. Tahimik na nakasunod lang ako sa kanya. "What do you want, Alisson?" matabang na tanong Ni Trent pagkapasok namin sa loob ng silid. Wala na ang sweetness sa boses n'ya kapag binabanggit n'ya ang pangalan ko. Bagkus, ay puno iyon ng mariin na galit. "I want to explain myself," mahinang sabi ko. Alam ko naman na wala akong karapatan pero this is the chance that I've been waiting for the past five years. God knows how hard I've been through. God knows how hard I prayed each night for his forgiveness. "Why? Because I already have money and I can support all your bitchiness now?" mapait na sabi n'ya. Alam ko na sadyang niyuyurakan n'ya ang pagkatao ko, pero kailangan ko na maging matatag para marinig n'ya ang paliwanag ko. "I want to be with you. Not with your money," matapat na sabi ko sa nanginginig na tinig. He just smirked and gave me an insulting look. I almost shiver at the kind of stare he gave me. Para akong isang putahe sa karinderya na sinusuri n'ya, at malalim na iniisip kung bibilhin n'ya ba o pipili ng iba. "Be my bed warmer," he said after a while.   Sinabi ko kay Misha ang lahat hanggang sa pag-iwan sa akin ni Trent. "Grabe naman, Alisson! It's been five years, hindi pa rin maka-move on si Trent sa galit n'ya sa'yo?" inis na sabi ni Misha. Hindi ako nakakibo. "Jeez, sa bagay, ikaw nga hindi pa rin maka-move on sa pagmamahal mo sa gagong 'yon," dagdag pa ni Misha at umirap sa akin. "I love him so much," umiiyak na sabi ko. "I know, kaya ka nga nagpapakatanga nang ganyan," nakaismid na sabi n'ya. "So, what's your plan?" Misha asked. Ano nga ba ang plano ko? Isa lang naman ang gusto ko, ang maging masaya. At si Trent ang kaligayahan ko. "Now that I found him, I want to be with him," matatag na sabi ko. Kinukumbinsi maging ang sarili ko. "Are you really that stupid, Alisson?!" inis na bulyaw sa akin ni Misha. "Magpapakababa ka na parang isang puta? Matalino ka naman, bakit hindi mo makita at maintindihan na hindi na kayo pwede dahil HINDI KA NA N'YA MAHAL?!" she yelled. Kulang na lang ay sampalin n'ya ako. Misha was always like this. She wants me to just move on with my life. Ang hirap ipaintindi sa kanya na sinubukan ko naman... hindi ko lang talaga kaya. "I can't. I wasn't able to do that for the past five years. Mas lalong hindi ko na 'yon kaya ngayon na nakita ko na ulit s'ya," umiiyak na sabi ko. "Because you never tried! Damn it, Alisson! Why can't you just be f*****g move on?" nakasigaw na sermon ni Misha sa akin. I know that Misha's just concern, kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. She's the one who witnessed all my sufferings, my heartbreaks, and my agonies. I just ignored her because I already heard those lines from her for thousand times. Wala naman nagbago. Mahal ko pa rin si Trent. Nakasadlak pa rin ako sa panghihinayang para sa naging relasyon namin.   Mahirap ipaintindi sa iba kung bakit hindi ko magawang kalimutan si Trent. Hindi kasi sila ang nakaranas kung paano mahalin ng isang Trent Ramos. Hindi sila 'yong nakaranas kung gaano kasarap at kasaya na mahalin nang buong-buo. Nang mahalin ako ni Trent, para akong biglang naging buo at kontento ako sa lahat. Higit pa sa sapat ang naging pagmamahal n'ya. Wala ni isang pintas ang naging relasyon namin. Kaya paano ako makakaahon? Paano ako makakalimot? Paano ko s'yang hindi mamahalin? "You let so many opportunities passed because of that jerk! Sana nagpakasal ka na noon kay Alexander!" patuloy ni Misha. "You know I can't do that," humihikbing sabi ko. Si Alexander ang pinakamasugid na manliligaw ko at nag-alok pa ng kasal sa akin. Tinanggihan ko s'ya dahil alam ko na si Trent lang ang mamahalin ko at ayoko s'yang lokohin at gamitin. He deserves more than that. "Dahil tanga ka!" bulyaw ni Misha. "Handa kang tanggapin ni Alex kahit pa may Sarah ka na, pero ano'ng ginawa mo?! Tinanggihan mo dahil sa Trent na 'yan! Dahil sa pagmamahal mo sa pesteng lalaki na 'yan  na mababa pa sa lusak ang tingin sa'yo!" dagdag n'ya at mariing hinilot n'ya ang sentido. "May utak ka naman, Alisson. Bakit ayaw mo'ng gamitin?" Pinukaw ako ni Misha ng masamang tingin. "Hindi ka na mahal ni Trent. Galit s'ya sa'yo. 'Yong naging pagmamahal n'ya sa'yo noon, ga-kulangot lang 'yon kumpara sa galit n'ya sa'yo!" "I love him the most Misha," tinignan ko s'ya nang diretso sa mga mata. She sighed. "Bahala ka na sa buhay mo. Umuwi ka na lang muna dahil iniintay ka na ni Sarah," pagsuko n'ya at saka nauna nang umalis. Hinayaan ko na lang muna ang sarili ko na umiyak saka ako tumayo na para maghilamos. Hindi ako nagagalit kay Misha. Buntis kasi kaya mainitin ang ulo. Pinulot ko ang cellphone ko na mabuti naman ay buo pa. I dialed a number. "Hello, Andrew," bungad ko sa pagtanggap ng tawag ko. (Yes?) Andrew answered in a calm tone, as always. "Can you talk to your wife? She's so mad at me. It might affect the baby, so please calm her down," nahihiyang sabi ko. (Okay, I'll call her so I'll hang up,) mabilis na pasya n'ya. "Thank you and I'm sorry," seryosong sabi ko. (It's nothing, Alisson. I apologize for her attitude.) "It's my fault. Bye, Andrew I need to go." Hindi ko na nahintay ang sagot n'ya at lumabas na din ako ng kwarto. Nahihiya na talaga ako sa mag-asawa. Nakakagulo na ako sa kanila. Pero sila lang ang matatawag ko na pamilya na mayroon ako. Nang makalabas ako ng hotel ay swerte naman na may taxi. Kailangan ko pa kasing balikan ang kotse ko sa restaurant kung saan ko ito iniwan.   I won't give up on you, Trent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD