NOTE: Ten (10) months passed since the events on the last chapter.
ALLISON
Kailan nga ba dapat sumuko?
Halos lahat na sa akin ay sinasabi na dapat na akong sumuko kay Trent. Hindi na s’ya ang Trent na nagmahal sa akin noon.
Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. I can’t stand the way he hates me. He hates me to the core. Nahihirapan na akong tignan ang mga mata n’yang puno ng pagkamuhi para sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa paraan n’ya ng pagpapakita ang labis na galit sa akin.
Nang imulat ni Trent ang kanyang mga mata, inakala ko na magiging maayos na ang lahat. Pero nang masalubong ko ang puno ng suklam na mga mata n’ya, halos manginig ako. I saw potent hatred and anguish. Kung makatingin s’ya sa akin, tila ba mas gugustuhin n’ya pa na mamatay kaysa ang makita ako.
Alam ko na ako at ang mga desisyon ko ang dahilan kung bakit kami napunta sag anito, pero inakala ko na tapos na kami sa pagsisisi at nagsisimula na kaming muli.
I gave my life to him for ten whole months. Saan pa ba ako nagkulang Kailan pa ba ako matatapos sa pagbawi para sa mga kasalanan ako?
When will my atonement for my sins be enough?
O dahil ba hindi ko naman lubusang pinagsisihan ang mga naging desisyon at hakbang ko noon?
I will never regret that I have Sarah now because of those actions. Nasakripisyo ang relasyon namin ni Trent, but I got an angel in return. Sana nga lang ay kayang sumapat ng kaligayahan ko bilang ina ni Sarah para maging masaya.
A huge part of me is still wanting to be with Trent. He’s my genuine happiness. All I wish for is a happy life with him. That will be my contentment – to spend my life with him. Serving him. Loving him.
For now, I have to stomach life of a living hell with him. It’s the only way to reach him. This is my submission to him. This is my only way to ease his pain. And I am hoping that this will be a way to mend his wounds I caused him. I am praying that in the end of this hell hole, all his pain and hatred will be mended. I am praying real hard that all these sacrifices be enough to finally have his forgiveness.
Another chance is all I ask of him.
And I hope that when the day comes that he’s ready to forgive me, he’ll also accept my daughter. It’s hoping against odds, but I hope that Trent will be forgiving like he used to.
Having Jack as Sarah’s father will be the biggest factor. Pero saka ko na iisipin iyon. Ang mahalaga na muna sa ngayon ay mapatawad ako ni Trent.
Kahit na anong pigil ang gawin ko ay tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako napapagod sa kakaiyak. Ilang buwan na akong ganito. Gusto ko nang mapagod. Gusto ko nang sumuko. But above all, my desire for his forgiveness. Kaya tinitiis ko pa rin ang lahat ng sakit. Kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na magbubunga ang lahat ng mga ginagawa ko sa ngayon. No pain, no gain.
If he’ll give me a chance to explain things to him, if only he’ll listen to my side of the story, maybe we could work things out. But things as it is, I should first gain his forgiveness. And this isn’t going easy.
I know I’ve hurt him on the past. Alam ko naman kung gaano ko s’yang nawasak. Pero hanggang kalian ko ba dapat pagbayaran ‘yon? Hanggang kalian ko ba dapat pagsisihan?
Is it selfish to want his forgiveness? Is it selfish to still love him?
I hopelessly wiped the tears flowing on my cheeks when my phone vibrated for a call.
Sarah calling...
A pained smile formed my lips. “Nawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko dahil sa’yo,” I talked to my ringing phone. “Nasira ang pagkatao ko, pinakawalan ko ang kaligayahan ko, nawala ko ang sarili ko para sa’yo.”
I know that I am the worst mother. But I can’t help it. Pakiramdam ko ay puno na ako ng pagsisisi at sakit. Hindi ko na yata kaya.
"Alisson," Eric gently called.
Hindi ko alam na sumunod si Eric sa akin nang lumabas ako ng ospital. Pagod na tumingin ako sa kanya at nanghihinang napaupo na lang sa tabi ng sasakyan ko. Parang bata na niyakap ko ang mga tuhod ko at saka umiyak nang umiyak. I don't care if I look like a mess, because I feel a lot worse than that.
Naramdaman ko ang paglapit ni Eric sa gilid ko. "He doesn't know what he's saying," he gently said then he rubbed my back.
“I deserve that,” I sobbed. “He loved me then. And I broke us.”
And that’s the hell I have to live every single day. I have to blame myself and live on my regrets, knowing that if I’ll be able to get back on that time, I’ll still make the same decisions. Because I’ll willingly choose Sarah again and again. She needed me more.
And I know that this is so stupid and selfish to wish for Trent when I am always willing to sacrifice him for my daughter.
Pero hindi ba pwedeng patawarin na lang n’ya ako? I’ll spend my life making up for that.
Eric kept his mouth shut while trying to calm me down. After I-don't-know-how-long, I stood up and managed a weak smile. "I'll be going. Please look after him. I know he doesn't want to see me, so..."
Eric gave me a sympathetic smile. "Kami na ang bahala," he gently replied.
Pumasok na ako sa sasakyan ko. I was spacing out for some moment before I managed to compose myself and I drove my way out of the hospital’s car park. From the side mirror, I saw Eric watching my car leave.
I took a deep breath. Kailan ba aayos ang buhay ko?
With all the pain in my heart, I decided to visit the place where everything begun – the church where I met Trent.
The special place where I first set my eyes on him. Sa lugar kung saan tinanong n’ya kung maaari n’ya ba akong ligawan. It's where we spent our Sunday mornings, birthdays, anniversaries, Christmas, and all other important occasions in our lives. It's where he asked for my hand. And it's where I broke his heart.
I stayed for a couple of hours, thinking of the 'what ifs' and 'what could have been’.
"Love, kapag na-promote na ako sa trabaho at malaki na ang sahod ko, at 'pag nakaipon na ako, yayayain na kitang magpakasal. Gusto ko rito tayo ikasal. Ibibigay ko sa'yo ang pinakamagandang kasal na makakaya ko. Iyang aisle na 'yan, mababalutan 'yan ng red carpet, at mag-aarkila rin ako ng magagaling na musikero. Sisiguruhin ko na ikaw ang magiging pinakamagandang bride. At pag-iipunan ko ang wedding gown na pangarap mo," Trent dreamily said while we're sitting at the backmost pew. It's a lazy Wednesday afternoon and we've decided to spend our day here, dreaming for the future.
I pinched his nose. "Ikaw talaga! Siyempre kaysa igastos natin sa ganoong bagay, ibili na lang natin ng mas mapapakinabangan. Isang araw lang 'yon at sayang naman kung gagastos tayo ng sobrang laki," nakangiting saway ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko, kinikilig ako sa mga pangarap n’ya para sa espesyal na araw namin.
Napangiti ako nang ngumuso s’yang parang bata. "Bakit ba? Kahit isang araw lang 'yon, gusto ko 'yong gawin espesyal para sa'yo. Gusto ko, hindi mo pagsisisihan na sa akin ka nagpakasal. Gusto kong ibigay ang mundo sa'yo. Saka pag-iipunan ko talaga 'yon. Magugulat ka na lang isang araw, luluhod ako sa harap mo na may susi na ng bagong bahay," nakangising sabi n'ya.
Napakunot-noo ako. "Susi ng bahay? 'Di ba, dapat singsing?" takang tanong ko.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Trent kaya lalo s'yang naging gwapo. "Hindi na praktikal kung bibili pa ako ng diamond ring. Mahal na nga ang wedding ring e. Saka sa presyo ng engagement ring, makakabili na ako ng bahay. At higit sa lahat, alam ko naman na hindi mo ako pakakasalan kapag wala tayong sariling bahay." Lalong humigpit ang yakap n'ya sa akin. "Ayaw mo ng enggrandeng kasal, pero gusto mo ng diamond ring?" natatawang tanong n'ya.
Sumimangot ako at hinampas s'ya sa braso. "Baliw! Nagtaka lang naman ako. Ang sinasabi ko lang naman ay okay na sa akin ang simpleng kasal. Ang mahalaga naman ay ikaw ang pakakasalan ko. Kahit kasal pa 'yon na tayong tatlo lang ng pari at kahit pa basahan ang suot ko. Ang importante ay magiging Mrs. Trent Ramos ako," malambing na sabi ko.
Ngumiti s'ya nang malawak at isiniksik ang mukha n'ya sa balikat ko. "Love, kinikilig ako," tila nahihiyang amin n'ya.
Natawa naman ako at hinaplos ang mukha n'ya, "I love you." Kahit na tutol ako sa nais n'yang mangyari ay masaya pa rin ako. Masarap sa pakiramdam na gusto n'yang ibigay sa akin ang kahit na anong kaya n'ya. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ni Trent.
He kissed my cheek. "I love you more, love. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang forever, promise!" malambing na sabi n'ya.
I cried even more as I remembered my Trent. My Trent used to be so sweet and so in love with me. We used to talk about our future together.
"Love, 'pag nagka-baby na tayo tapos lalaki, dapat sa'yo makuha ang mata, the rest sa akin na," out of the blue na sabi ni Trent habang nag-i-stargazing kami. Nasa likod bahay kami at naglatag lang ng sapin at humiga doon. We love watching the night sky, cuddling and chatting about random things.
"Paano kapag babae?" tanong ko.
"Edi sa'yo ang shape ng mukha, lips at nose the rest sa akin na," sagot n'ya.
"Paano kapag bakla ang magiging anak natin?" pang-aasar ko sa kanya. Iritang-irita s'ya sa mga bakla. Pakiramdam n'ya raw palagi ay hahalayin s'ya. Ilang beses na rin kasi s'yang nahipuan ng mga bakla na nagkataon pa na mga tinatawag nila na 'baklang bato'. Ngunit civil pa rin naman s'yang makitungo sa mga sisterets na desente, 'wag nga lang s'yang babastusin o magpapakita ng motibo sa kanya.
"That's impossible!" sagot n'ya agad. Sobrang tigas ng pagtutol n'ya.
"What if nga?" Mamahalin mo pa rin ba?" pilit ko sa kanya.
Matagal bago s'ya sumagot. Nilalaro-laro n'ya muna ang buhok ko. "Syempre. Anak natin 'yon e. He's made out of our love for each other, kaya kahit ano pa s'ya, he deserves to be loved," sagot n'ya habang inaamoy ang buhok ko.
"Wow! I think you'll be the greatest father," nakangiting sabi ko at tinignan ko s'ya.
He smiled sweetly. "Of course. I'll be the greatest father to our children because I love their mother so much. And because I love you, I'll do whatever it is that makes you happy. And I'm certain that loving our would-be children will make you happy," he kissed my forehead.
I smiled at his sweetness.
Trent suddenly became serious. His eyes look like they’re trying to penetrate my soul. "I can't imagine my future without you, Alisson. I love you so much. 'Wag mo akong iiwan, ha," seryosong sabi n'ya.
Napangiti ako sa kaseryosohan n'ya. Masyado ko rin s'yang mahal kaya alam ko na hindi ko rin kakayanin na mawala s'ya. "I love you too, Trent ko. And I can't see myself with any other man but you. I assure you that I would stay by your side no matter what happen. Kahit ipagtabuyan mo pa ako," nakangiting sabi ko.
"I'll never do that. Baka nga ako pa ang bumuntot-buntot sa'yo e. Ang ganda mo kasi. Miss, pwedeng pa-kiss?" ngisi n'ya.
I matched his smirk then kissed his lips. He cupped my face as our kiss deepened. I closed my eyes and savored the sweetness of his lips. Every kiss felt like the first time. The adrenaline, the excitement, the overwhelming feeling to be kissed by this angel is magical. His soft lips against mine, the shivers I felt on my skin and the butterflies in my stomach, the tingling sensation on the back of my neck, the heat of my cheeks and the overwhelming love I felt on my heart - everything feels perfect whenever I'm on his arms.
Suddenly, he broke the wonderful kiss. I want to protest but I just bit my lower lip. He stood up and drew a deep breath.
"We should stop, love. Or else..." he didn't have to finish his statement because I know what he meant. He hurriedly entered the house and I know what he'll be doing.
I laid still and smiled ironically. I admit that I want more than kissing. However, I am thankful that he respected my decision to be a pure bride on our wedding. I know that he has his s****l needs and I feel so delighted that he prioritizes what I want over his carnal desires.
"Kung kaya ko lang ibalik ang dating tayo,” puno ng pangihinayang na sambit ko. “Miss na miss na kita Trent.” Hindi ko na napigilan na umiyak habang nakatitig sa altar.
Ilang panalangin pa ba ang kailangan ko para mapakinggan ang kahilingan ko?