HER RESEARCH

1730 Words
ALISSON What is b**m? It's the first time that I heard of that word, but I have this nagging feeling that if I tell him that I don't know, he'll push me away. I know for a fact, that for me to be able to fit in the world of this new Trent, I have to be someone he wants me to be. Someone that he needs. I didn't open my mouth. I didn't answer his question. I was too afraid that with a wrong answer, I'll lose all the chance to be with him. And I don't know how to live a life without him. Now that I found him, I want to give my all to get him back. Hindi ko alam kung paano ko nakaya ang limang taon na wala s'ya. Pero ngayon, pakiramdam ko ay ikababaliw ko kung patuloy pa akong mabubuhay na wala s'ya. Hindi ko kaya. S'ya ang kaligayahan ko. S'ya lang. He surely had changed, but there's a part of me saying that I can do something to find the old Trent. There's a part of me saying that my Trent is still there. My heart can feel it. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagtititigan lang kami. Nakatitig s'ya sa mukha ko habang nakangisi, at ako naman ay pilit na hinahanap sa mga mata niya ang pagmamahal. Pero bigo ako. Wala akong nakita ni katiting na pagmamahal sa tingin n'ya. "Alisson?" untag ni Trent sa pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Natatakot ako. Natatakot ako na mawala s'ya. Natatakot ako na ipagtabuyan n'ya ako. Biglang tumunog ang intercom sa lamesa n'ya. After three beeps ay may nagsalita. "Sir, your meeting with Mr. Feliciano will begin in five minutes." Sa tingin ko ay ang secretary n'ya iyon. Binalik ni Trent ang paningin n'ya sa mukha ko. He tugged my chin. "Alisson, before you make a deal with me, be sure to know what you're getting yourself into," he sweetly said in a sarcastic way before he turned his back on me. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko hanggang sa lumabas na s'ya ng opisina n'ya. Umuwi na lang ako pagkagaling ko sa opisina ni Trent. I was surprised to see Misha playing with Sarah at the living room. "Mommy!" Sarah enthusiastically called me then run to me to give me her warm hug. "Hi, baby," I smiled at her then I kissed her chubby cheek. "Ninang brought me new coloring books and my favorite cookies," she beamed at me. I lifted Sarah up, then I walked towards Misha, my best friend. "Hi," nahihiyang sabi ko. Hindi pa kami nagkakausap mula nang mag-away kami sa hotel. She raised a brow on me. "Hi your face," mataray na sabi n'ya. "I'm sorry na," malungkot na sabi ko. "Hay naku, 'wag na! Tama na tayo sa topic na 'yan. Alam ko naman na kahit na ano pa ang sabihin ko, wala lang naman sa'yo. Masyado ka nang tanga sa pagmamahal mo na 'yan. Ako lang naman itong si gaga na paulit-ulit ng sinasabi kahit na alam ko naman na pasok sa kanan labas sa kaliwa naman ang ending ng mga pangaral ko. Kaya enough na, Ali, alam ko na na tanga ka masyado. Hindi na ako makikielam sa kagagahan mo," she said in a bored tone then she rolled her eyes, na para bang iritang-irita s'ya. I chuckled. "I missed you too, Mish," natatawang sagot ko na lang. She sighed then she stood up and hugged me tight. "May chika ako sa'yo, sis," natatawang sabi n'ya nang bumitiw kami sa yakap. "So, kaya ka nandito ay para mag-chika?" kunwaring pataray na sabi ko at hinila na s'ya paupo sa sofa. "Of course! Saan pa ba?" natatawang sagot n'ya. "So ano ba 'yang tsismis mo?" tanong ko na lang sa kaibigan ko na tsismosa. "Alam mo ba, sis, si Jannel, 'yong classmate ko n'ong highschool na pinakilala ko sa'yo n'ong birthday ni Andrew," umpisa n'ya. "'Y'ong may tattoo sa leeg?" I asked. "Yup, siya nga 'yon!" she answered immediately. "O?" tanong ko. I miss Misha being like this. "Nakita ko s'ya kahapon na lumuhod sa harap ng isang lalaki. If I remembered it right, si Neil Vergara 'yong guy," she informed me, with so much interest in her tone. Neil Vergara? Si Mathew Neil Vergara? 'Yong best friend ni Trent? "Grabeng low naman 'yong ginawa ni Jannel sa sarili niya," pumalatak pa si Misha "Ikaw, Alisson ha, itatakwil na talaga kita kapag nagpaka-pathetic ka ng gan'ong level. Cheap lang, parang mauubusan lang ng lalaki ang peg?" Napakagat ako ng labi. I know na hindi ko pwedeng sabihin kay Misha kung ano ang balak kong gawin. Kasi kung ano ang gusto ni Trent, gagawin ko, kung ano man 'yong b**m na 'yon, handa akong gawin 'yon mahalin n'ya lang ako. Oo, desperada na ako, pero mahal ko s'ya at kailangan kong maitama ang lahat. Ayoko na magsisi na naman dahil hindi ko ginawa ang lahat. "Hoy! Natulala ka na," tinapik n'ya pa ako sa braso. "Ah, may iniisip lang kasi ako," pagdadahilan ko. Ni hindi ko nagawang salubungin ng tingin si Misha. "Ano naman? Na luluhod ka rin sa harap ni Trent?" nanlalaki ang mga matang tanong n'ya. Umiling ako "Hindi, hindi iyon. Iniisip ko lang kung 'yong lalaking sinasabi mo ba ay 'yong Neil na kakilala ko." "Hmmm," napaisip s'ya "Ewan ko. Pero rude 'yong niluhudan ni Jannel. Tinalikuran lang kasi s'ya at hinayaan s'yang nakaluhod doon," nakangiwing sabi n'ya. "Ewan ko ba kung bakit may mga babae na gan'on. Handang magpakababa para lang sa lalaki. Kung hindi ka mahal, 'wag mo'ng ipagsiksikan ang sarili ko. Kung mahal ka naman, hindi ka hahayaan na magpakababa." "Baka hindi s'ya 'yon. Mabait kasi si Neil na kilala ko saka gentleman," nakangiting sabi ko. Hindi na lang nag-komento sa mga huling sinabi n'ya. Nagkibit-balikat na lang s'ya at nagpatuloy na lang kami sa kwentuhan habang si Sarah ay abala  sa pagkukulay. Hindi na inabot ng dinner si Misha sa bahay. Pinauwi na kasi s'ya ni Andrew. After dinner ay natulog agad si Sarah. Ako naman ay tumuloy na sa study room ng bahay. "b**m," nasambit ko habang nag-iisip. Agad kong binuksan ang laptop ko para hanapin sa internet kung ano ba 'yong sinasabi ni Trent. Medyo mabagal ang internet ngayon dahil siguro sa ulan. Inabot ng five minutes bago lumabas ang hinahanap ko. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay para namang sasabog ang ulo ko. BDSM Bondage and Discipline... Dominance and Submissive... Sadist and Masochist... Oh God, ano ba itong naisip ni Trent? Ano ba ang papasukin ko? Kahit parang nakakabalisa na, itunuloy ko pa ang pagbabasa. Nahahabag ako sa itsura ng mga babae sa pictures na kasama sa article. "Kakayanin ko ba 'to?" kinakabahang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na magpakababa ng ganito. That night, I slept with thoughts spinning in my mind. Tinitimbang ko kung ano ba ang mas mahalaga, ang self-worth ko ba o ang pagmamahal ko kay Trent? Ang gumugulo sa isip ko ay kung bakit ako gustong ilagay ni Trent sa ganoong sitwasyon. Wala na lang ba talaga ako sa kanya? Galit lang s'ya dahil hindi n'ya alam... bulong ng isang bahagi ng isip ko. Mapait na napangiti na lang ako at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.   "Good morning," nakangiting bati ni Misha sa akin nang makapasok ako sa opisina ko. "Good morning," I took a sip from the coffee that my secretary prepared. "Okay lang kay Andrew na pumapasok ka pa?" I asked. She rolled her eyes. Mula nang magbuntis s'ya ay naging hobby na n'ya ang ganyan. "Oo naman, nakaka-bored kaya sa bahay." Hindi na ako kumibo at sinumulan na lang ang pagtatrabaho. Maya-maya pa ay tumili si Misha kaya napatingin ako sa kanya. "Hoy! Problema mo?" tanong ko sa kanya. Mukhang kinikilig ang bruha. "Wala. Ang hot lang kasi,” sagot n'ya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Prenteng nakahiga lang siya sa couch at nagbabasa. Maya-maya ay dinagdagan n’ya pa ang detalye at kinuwento sa akin ang bidang lalaki sa romance novel na binabasa n’ya. "Baliw," nasabi ko na lang. Natatawang nailing ako. Isinara n'ya ang libro at bumaling sa akin. Bahagyang nanginginig pa ang mga mata dahil sa kung ano'ng nabasa. "Sis, grabe!" at tumili muli s'ya "I don't know that a guy can still be so hot even while doing BDSM." Napalunok ako at napatitig sa kanya. "B-b**m?" tumango s'ya. "Masama 'yon di ba?" tanong ko nang dahan-dahan. Kumunot ang noo n'ya. "Hmmm," tumingin s'ya sa akin na para bang binabasa n'ya ako kaya naman kinabahan ako na baka magka-ideya s'ya. "Hindi naman. Erotic s****l practice lang naman 'yon na agreed by both sides. Saka kapag extreme naman na ang pain, may safeword naman para tumigil ang dominance. Mas nakakataas daw kasi ng satisfaction kapag may konting pain. Kung hindi lang ako buntis ay susubukan namin 'yon," at humalakhak pa s'ya "Pero okay lang 'yon, lalo na kung super yummy fafable ang gagawa sa'yo," kinikilig na dugtong niya. "Sabihin ko kaya kay Andrew 'yang pinagsasasabi mo?" banta ko sa kanya. Tumawa s'ya na parang nababaliw. "Edi mas okay, para naman gayahin n'ya ang mga 'da moves' nitong boyfriend ko dito sa istorya," kumagat labi pa ang loka-loka "Grabe, sis, binabasa ko pa lang, feeling ko mabubuntis na ako, what more kung..." tumili s'ya nang pagkatinis-tinis, buti na lang at soundproof ang opisina ko, kundi ay naabala na ang mga tao. "Kung hindi lang nakakahiya kay Andrew, ako na ang magdidikta sa kanya ng mga ikikilos n'ya sa loving-loving namin. Gusto ko 'yong mala-s*x machine, 'yong tipong 'I'll remember that he's been there in my every move the day after we made love'" Napailing na lamang ako. "Maitawag nga 'yan kay Andrew." "Gaga, 'wag na 'wag mo 'yang gagawin!" pinanlakihan n'ya ako ng mata "Kasi naman, sis, ingat na ingat siya sa baby, sobrang lame na ng moves niya. Wala na 'yong faster, harder, deeper baby," nagbuntong-hininga s'ya. "I kinda miss the wild him in bed," parang iiyak na sabi n'ya pa. Hindi na ako kumibo dahil alam ko na hormones n'ya lang naman 'yan, kaya bumalik na s'ya sa pagbabasa n'ya. Lalo lang nagulo ang isip ko. Handa na ba ako na isuko ang sarili ko kay Trent?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD